Isa sa lunas o gamot sa leptospirosis ang doxycycline. Kadalasang ibinibigay ito ng doktor upang maiwasan ang posibleng paglala ng sakit na nakukuha sa tubig-baha na may ihi ng daga. Kung ikaw ay lumusong sa baha nitong nakaraang bagyo, ang gabay na ito ang dapat mong basahin upang malaman kung dapat ka nang uminom ng gamot.

Ano ang Doxycycline para sa Leptospirosis?

Ang doxycycline ay antibiotic na pumapatay sa Leptospira bacteria bago pa umabot sa severe disease. Ginagamit ito bilang prophylaxis, ibig sabihin pang-iwas, hindi lunas. Hindi ito para sa lahat na naligo sa baha, kundi para sa mga may tunay na exposure.

Para maintindihan kung ano nga ba ang leptospiroosis, basahin ang kompletong gabay sa leptospirosis.

gamot sa leptospirosis - antibiotics

Sino ang Dapat Uminom?

Sinusunod ng mga doktor ang risk tiers para malaman kung sino ang bibigyan.

  • Low-risk na exposure: Naglakad sa baha pero walang sugat at hindi nakalunok ng tubig.
  • Moderate-risk na exposure: May sugat o galos, o nakainom ng tubig-baha.
  • High-risk na exposure: Tuloy-tuloy ang pagkakalantad, tulad ng nakatira sa binahang lugar o rescue worker.

Kapag walang exposure sa kontaminadong tubig, kadalasan hindi mo ito kailangan.

Kailan at Magkanong Dose?

Ang 24 hanggang 72 oras pagkatapos ma-expose ang pinakamahalagang window. Ito ang dosing base sa PSMID interim statement, pero kailangan pa rin ng reseta.

  • Low-risk: 200 mg (2 x 100 mg) na iisang dose lang.
  • Moderate-risk: 200 mg kada araw sa loob ng 3 hanggang 5 araw.
  • High-risk: 200 mg isang beses kada linggo hangga’t may exposure.

Mas maaga kang makainom, mas mataas ang proteksyon laban sa leptospiruria at kidney failure.

Sino ang Hindi Dapat Uminom?

pag-inom ng gamot sa leptospirosis

Hindi ligtas ang doxycycline para sa lahat. Iwasan ito kung ikaw ay:

  • Buntis: Naaapektuhan ang ngipin at buto ng sanggol.
  • Nagpapasuso: Dumadaan ang gamot sa gatas ng ina.
  • Batang wala pang 8: Pwedeng dumilaw nang permanente ang ngipin.
  • Allergic sa tetracycline: Humanap ng ibang gamot.

Para sa kanila, may penicillin, amoxicillin, o azithromycin na maaaring irekomenda ng doktor base sa kanyang clinical judgment.

Kung ikaw ay buntis at nag-breastfeed sa iyong anak, agad na kumunsulta sa iyong OBGYN.

Kailangan ba ng Reseta? Saan Kukuha?

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na delikado at nakadaragdag sa antibiotic resistance ang uminom nang walang reseta. Tandaan ang mga ito upang makakuha ng gamot sa tamang paraan:

reseta ng gamot sa leptospirosis

  • Magpa-konsulta: Pinaka-ligtas, lalo kung hindi sigurado sa risk tier.
  • City health center: May LGU tulad ng Maynila na namimigay nang libre tuwing tag-baha.
  • Teleconsult: Pinakamabilis na legal na paraan para masuri at mareseta.

Pwede kang magpa-konsulta sa Infectious Disease doctor o Internal Medicine doctor online sa NowServing.

Side Effects at Pag-iingat

Karaniwang ligtas ang gamot, pero may ilang adverse effects.

  • Sensitibo sa araw: Gumamit ng sunscreen kapag lalabas.
  • Sakit ng tiyan: Inumin kasabay ng pagkain at sapat na tubig.
  • Iritasyon sa lalamunan: Huwag humiga ng 30 minuto pagkatapos uminom.

Iwasang uminom ng antacid o gamot na may iron dahil binabawasan ang bisa nito.

Mga Kadalasang Tanong Tungkol sa Gamot sa Leptospirosis

Kailangan ba ng reseta?

Oo, ipinag-uutos ng DOH ang reseta. Magpa-konsulta muna para sa tamang dose at para maiwasan ang antibiotic resistance.

Pwede pa ba kung lampas 72 oras?

Magpa-konsulta pa rin. Babaguhin ng doktor ang plano at babantayan ang sintomas, dahil mas mababa na ang bisa ng late prophylaxis.

Konklusyon

Ang doxycycline para sa leptospirosis ay mabisang panangga, pero tatlo ang susi: tamang tao, tamang oras na 24 hanggang 72 oras, at tamang reseta. Huwag mag-self-medicate, dahil ang maling gamit ay panganib sa iyo at nakadaragdag sa antibiotic resistance.

Kung naglakad ka sa baha o may nararamdaman ka nang sintomas, huwag maghintay. Magpa-konsulta online sa NowServing para masuri agad at mabigyan ng tamang reseta kung kailangan.