May nararanasan ka bang mga komplikasyon dulot ng diabetes? Kung gayon, panahon na para magpatingin sa doktor sa diabetes.

doktor sa diabetes

Mga Doktor sa Diabetes Para sa Mga Komplikasyon

Ayon sa WHO, humigit-kumulang 422 Milyong tao ang may Diabetes sa buong mundo. Karamihan sa mga taong ito ay nakatira sa mga bansang mababa at katamtaman ang kita.

Ang Diabetes ay isang kronikong metabolic na kondisyon kung saan tumaas ang antas ng glucose o asukal sa dugo. Ang patuloy na mataas na antas ng glucose sa dugo ay maaaring makapinsala sa ating mga bato, mata, nervous system, puso at mga ugat ng dugo.

Kung ikaw o ang iyong kapamilya ay may diabetes, ito ang mga doktor na maaari mong lapitan para sa mga problema sa Diabetes. Ang mga expert na ito ay dalubhasa sa larangan ng Diabetes at maalamsa pangangasiwa ng gamot at pangangalaga sa kalusugan ng mga pasyente.

Endocrinologist

Ang Endocrinology ay ang larangan ng mga sakit na may kaugnayan sa hormone. Isa sa mga ito ay ang diabetes mellitus na kung saan nangyayari ang pagkasira ng mga pancreatic cells na gumagawa ng insulin. Sa tulong ng endocrinologist, masusuri niya ang iyong diabetes at makapagbibigay ng plano sa paggamot, maaaring oral hypoglycaemic drugs o insulin. Kadalasan, ito ang klase ng doktor na tinaguriang pangunahing doktor para sa Diabetes. Kumunsulta sa iyong endocrinologist sa tamang oras para sa mas mahusay na pamamahala ng pangangalaga.

mga doktor sa diabetes sa pilipinas

Nutritionist

Samantalang, ang nutritionist o dietitian naman ay isang eksperto sa larangan ng nutrisyon. Ang iyong pagkain ay may mahalagang papel sa pagkontrol ng mga problema sa diabetes. Sa tulong ng iyong nutritionist, malalaman mo ang tamang pangangasiwa ng diabetes sa pamamagitan ng meal plan o dietary plan. 

Ophthalmologist

Ang ophthalmologist ay doktor na espesyalista sa mga problema sa mata. Kadalasan, ang mga taong may diabetes ay mas madaling magkaroon ng problema sa mata dahil sa pagtaas ng glucose sa dugo. Sa pagkonsulta sa isang ophthalmologist ay matutulungan kang malaman ang mga komplikasyon at maagapan ang mga ito upang magkaroon ng malusog na eye health.

mga babala o sintomas ng diabetes

Nephrologist

Bukod sa mga nabanggit, maaari rin maapektuhan ang bato dahil sa pangmatagalang komplikasyon na dulot ng diabetes. Dahil dito, kinakailangan ng gabay mula sa nephrologist upang matutukan ang mga problema sa bato. 

Ilan sa mga sintomas ng pinsala sa bato na dapat bantayan ay dyspnea (hirap sa paghinga), pagkapagod, at mabilis na pagtaas ng timbang. Kailangan ng gabay mula sa nephrologist upang matukoy ang pinagmulan ng mga problemang ito at amalaman ang narrapat na mga gamot. Bukod sa pagsubaybay sa blood sugar levels ay kinakailangan ng gabay ng mga pasyente mula sa doktor na ito upang maiwasan ang pagkasira ng bato. Ilan sa mga aspeto na kailangan ng gabay ng mga tao ay ang paghinto sa paninigarilyo at pagpapanatili ng malusog na pagkain.

Podiatrist

Ang podiatrist ay isang doktor na sinanay sa paggamot ng mga problema sa paa at ibabang bahagi ng binti. Isa sa mga mapanganib na komplikasyon ng diabetes ay ang nerve damage o pinsala sa nerve sa paa na maaaring humantong sa diabetic foot. Kung kaya’t kinakailangan na ang doctor mo sa diabetes ay podiatrist lalo na kung may kaugnay na sakit sa paa.

Tandaan na ang pangunahing dahilan ng foot ulceration ay ang diabetes. Dahil sa sakit na ito, maaaring maapektuhan ang blood vessels sa paa hanggang magkaroon ng diabetic foot. Kabilang din sa iba pang komplikasyon ng diabetes ay ang pagkawala ng pakiramdam sa paa. Upang magamot ito ay kinakailangan ng regular na pagsusuri sa paa at gamutan.

Exercise Trainer

Mahalaga ang exercise sa pamamahala ng diabetes. Ang exercise trainer kasama ng iyong pangunahing doktor sa diabetes ay maaaring magbigay sa iyo ng fitness plan para maging kapakipakinabang ang kalusugan laban sa diabetes.

Gaano Kadalas Dapat Bumisita sa Iyong Doktor sa Diabetes?

Kung ikaw ay kakadiagnose pa lang na may diabetes at umiinom ng oral na gamot, dapat kang kumonsulta sa iyong doktor kada 4 hanggang 6 na buwan. Maaari ka ring kumonsulta nang mas maaga kung hindi ito nakokontrol sa oral na gamot. Ngunit kung gumagamit ka ng insulin injection para sa diabetes, dapat kang magpasuri kada 2 hanggang 3 buwan sa iyong espesyalistang doktor sa diabetes.

Bukod dito, dapat din agad magpakonsulta kapag may nakakaramdam ng hindi pangkaraniwang sintomas tulad ng pagkalabo ng paningin, pagkasunog ng paa, pananakit ng dibdib, pamamanhid o pangingilig, hirap sa paghinga at panghihina ng anumang bahagi ng katawan.

kumunsulta sa doktor sa diabetes

Paano Makakapag-book ng Doktor sa Diabetes sa Pilipinas?

Ngayong alam mo na ang iba’t ibang doktor na para sa diabetes, narito naman ang paraan sa pag konsulta ng doktor na iyong kailangan. Isa sa madaling paraan para makahanap ng doktor sa diabetes sa Pilipinas ay ang paggamit ng NowServing. Sunding ang sumusunod na hakbang para masimulan ang paghahanap ng doktor!

  1. I-click and link para makita ang mga doktor sa diabetes sa Pilipinas.
  2. Pumili ng doktor gamit ang pag-press sa “Book Appointment” button.
  3. Piliin kung ikaw ay bago o dating pasyente ng napiling doktor sa diabetes.
  4. Punan ang form ng NowServing para matapos ang proseso.
  5. Antayin ang kumpirmasyon ng iyong appointment. 

Bukod dito, maaari rin gamitin ang NowServing app para sa pag-book ng konsultasyon. I-download na ang app sa iyong device!

diabetes specialist sa pilipinas

Mga Madalas na Katanungan Tungkol sa Diabetes

Narito ang ilang karaniwang tanong pagdating sa diabetes. Kung mayroon kang ibang mga tanong na wala sa listahang ito, mangyaring ipaalam sa amin at gagawin namin ang aming makakaya upang gumawa ng higit pang nilalaman upang sagutin ang iyong mga tanong. Para sa mas pribadong mga tanong, mangyaring kumonsulta sa iyong endocrinologist sa lalong madaling panahon.

Sino ang pangkaraniwang doktor para sa diabetes?

Ang pinaka inaasahan na doktor sa diabetes ay ang endocrinologist na siyang expert sa endocrine system at kung paano nauugnay dito ang mga diabetes complications. Ngunit maaaring hindi ito ang doktor na para sa iyo dahil nakadepende pa rin ito sa kasalukuyang problema na iyong nararamdaman. Tingnan at basahing maigi ang mga doktor na nabanggit sa itaas upang malaman ang nararapat na doktor para sa iyong kalagayan ngayon.

Ano ang diabetes at paano ko ito makukuha?

Ang diabetes ay isang kronikong kondisyon kung saan hindi sapat ang produksyon ng insulin ng katawan, o ang insulin na napo-produce ay hindi gumagana nang maayos. Ang insulin ay isang hormone na tumutulong sa katawan na i-convert ang glucose mula sa pagkain patungo sa enerhiya. Tandaan na ang diabetes ay may dalawang uri. Ang Type 1 diabetes ay type of diabetes na karaniwang nangyayari sa mga bata at young adults at sanhi ng pagsira ng immune system sa mga beta cells, na gumagawa ng insulin. Samantalang ang Type 2 diabetes naman ay ang mga cell ng katawan ay hindi gumagawa ng sapat na insulin. Ito ay pumipigil sa katawan na gamitin ang asukal mula sa pagkain para sa enerhiya.

Ano ang mga babala o sintomas ng diabetes?

May ilang sintomas ang diabetes, kabilang ang nadagdagang pagkauhaw, pag-ihi, pagbabago sa gana sa pagkain, at pagtaas ng timbang. Ang ilang tao ay nakakaranas din ng tuyong bibig, malabo ang paningin, at hirap matulog. Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito, magpatingin sa doktor. Ang endocrinologist ay makakapagsuri ng diabetes, at makakapagreseta ng paggamot.

Anong mga gamot ang maaaring gamitin para gamutin o pamahalaan ang diabetes?

Maraming gamot sa diabetes ang maaaring gamitin para gamutin o pamahalaan ang diabetes. Ang ilang karaniwang uri ng mga gamot sa diabetes ay kinabibilangan ng mga gamot sa pagkontrol ng asukal sa dugo, oral na gamot sa diabetes, insulin injections, at sneakers.

Ano ang mga pinakamahuhusay na paraan para mapabuti ang kontrol sa diabetes?

Walang iisang sagot sa tanong na ito, dahil ang pinakamahusay na paraan para mapabuti ang kontrol sa diabetes ay nakadepende sa indibidwal na sitwasyon at pangangailangan. Gayunpaman, ang ilang mga tip na maaaring makatulong ay kinabibilangan ng:

  • Regular na pagsubaybay sa high blood sugar level at paggawa ng naaangkop na pagsasaayos sa mga gawi sa pagkain at pamumuhay, kung kinakailangan.
  • Pag-inom ng insulin o iba pang mga gamot na nagpapababa ng asukal sa dugo ayon sa inireseta ng doktor.
  • Regular exercise ang kailangan upang makatulong na mabawasan ang obesity at maisulong

Seryosohin ang Diabetes

Ang diabetes ay isang sakit na nangangailangan ng panghabambuhay na pamamahala. Kumonsulta sa iyong mga espesyalista sa diabetes sa tamang oras upang masimulan ang tamang paggamot. Tandaan na ang multidisciplinary approach ay makakatulong na mapabuti ang kalidad ng iyong buhay.