Kadalasan kapag nagkakasakit ang mga pasyente ay nirerekomenda ang pagkuha ng medical certificate. Ilan sa mga lugar na kinakailangan nito ay ang paaralan, trabaho, at iba pa. Ito ay isa sa mga requirement ng mga nasabing institusyon na dapat sundin. Ngunit ano nga ba ang dahilan at bakit kailangan ng medical certificate?
Alamin ang mga karaniwang dahilan kung bakit kailangan ng medical certificate sa artikulong ito. Simulan na natin!
Ano Ang Medical Certificate?

Ang medical certificate, na kilala rin bilang sick note o doctor’s certificate, ay dokumentong medikal na naglalaman ng medical history, rekomendasyon, at salaysay ng isang doktor tungkol sa kalagayan ng pasyente. Dahil dito, ito ay kilala ito bilang requirement ng mga pasyente sa trabaho, paaralan, at iba pa. Sa pamamagitan nito ay maaaring maipagbigay alam ang pangkalahatang kalusugan na posibleng makaapekto sa tungkulin ng pasyente sa mga nasabing organisasyon.
Mga Bahagi ng Medical Certificate Philippines
Kadalasan, ang medical certificate ay naglalaman ng pangalan ng pasyente, petsa ng medikal na eksaminasyon, uri ng karamdaman, at lagda ng doktor. Ang ilang certificate ay maaari ring maglaman ng professional registration number ng medical practitioner at ang petsa kung kailan inilabas ang certificate.
Mahalagang tandaan na ang impormasyong nakapaloob sa medical certificate ay dapat factual at batay sa eksaminasyon ng doktor. Anumang maling impormasyon ay maaaring magdulot ng legal na problema para sa doktor at pasyente.
Mga Karaniwang Dahilan sa Pagkuha ng Medical Certificate
Gaya ng nabanggit, ang mga medical certificate ay mahalagang requirement. Ngunit bakit kailangan ng medical certificate para sa mga organisasyon na iyon?.
Narito ang ilan sa dahilan upang kumuha ng medical certificate:
Mga Dahilang may Kinalaman sa Trabaho

Isa sa mga pinakakaraniwang dahilan sa pagkuha ng medical certificate ay dahil sa trabaho. Maraming employer ang nangangailangan ng medical certificate kapag may sakit ang kanilang empleyado. Ginagamit ito bilang patunay sa kasalukuyang kalusugan lalo na kung kailangan nilang gamitin ang sick leave para sa mahabang pagliban sa trabaho.
Bukod dito, ginagamit din ang medical certificate upang makumpirma ang kakayahan ng empleyado na bumalik sa trabaho pagkatapos gumaling ng matinding sakit o injury. Sa ilang kaso, ginagamit din ito upang makapag apply ng disability benefits para sa mga empleyado upang makatanggap ng kompensasyon para sa mga pinsalang may kaugnayan sa trabaho
Mga Dahilang Pang-edukasyon

Sa kabilang banda, ang mga mag-aaral ay maaari ring mangailangan ng medical certificate kung sila ay lumiban sa paaralan dahil sa sakit. Makakatulong ito upang bigyang-katwiran ang kanilang pagliban at maiwasan ang anumang posibleng parusa sa akademiko. Bukod dito, ang ilang institusyong pang-edukasyon ay maaaring mangailangan ng medical certificate sa mga mag-aaral upang malaman kung kaya nilang makilahok sa ilang aktibidad tulad ng sports o field trip.
Mga Dahilang Legal at Administratibo
Panghuli, ang mga pasyente ay maaaring kumuha ng medical certificate para sa iba’t ibang layuning legal at administratibo. Halimbawa, maaari itong kailanganin upang kumpirmahin ang kalagayang pangkalusugan ng isang tao para sa mga insurance claim, legal proceedings, o benepisyo ng gobyerno.
Sa ilang kaso, ang medical certificate ay maaaring kailanganin upang makakuha ng lisensya sa pagmamaneho o kumpirmahin ang kakayahang bumiyahe sa malayong lugar. Maaari rin itong gamitin upang patunayan ang kalusugan ng isang tao para sa mga aplikasyon sa pag-aampon o foster care.
Paano Kumuha ng Medical Certificate sa Pilipinas
Karaniwan, ang mga pasyente ay maaaring humiling ng medical certificate sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan. Maaaring bumisita sa lokal na ospital or mga health center upang makipagkita sa health care provider para sa medikal na konsultasyon at physical examination. Kasabay nito, maaaring matanggap ng pasyente ang kanilang medical certification sa parehong araw.

Samantala, maaari rin makakuha ng medical certificate sa pamamagitan ng online medical consultation platforms tulad ng NowServing. Sa pamamagitan ng teleconsultation na ito, maaaring matanggap ng pasyente ang kanilang online medical certificate pagkatapos ng video consultation sa doktor.
Narito ang proseso sa pagkuha ng medical certificate sa NowServing:
- I-access ang link na ito.
- I-press ang button na “Get Your Medical Certificate Now”.
- Pumili ng iyong doktor sa listahan ng mga doktor sa Pilipinas.
- I-click ang “Book Consultation”.
- Punan ang formsa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong impormasyon.
- Intayin ang kumpirmasyon ng iyong appointment
Bukod dito ay maaari rin makakuha ng medical certificate sa NowServing sa pamamagitan ng pag-download ng NowServing app! Alamin kung paano ito i-download.
Kailangan mo bang i-verify ang iyong medical certificate? Alamin kung paano!
Tandaan na ang lahat ay may karapatang humiling ng kanilang medical certificate. Gayunpaman, mahalagang kumuha lamang ng mahalagang dokumentong ito mula sa lisensyadong doktor.
Konklusyon
Mayroong iba’t ibang dahilan sa pagkuha ng medical certificate. Maging ito man ay para sa trabaho, paaralan, o legal na layunin, ang pag-unawa sa mga dahilang ito ay makakatulong sa kanilang pamumuhay.
Tandaan, palaging mahalagang kumunsulta sa lisensyadong doktor lamang upang makakuha ng valid medical certificate. Sa pamamagitan nito ay mapapangalagaan ang iyong personal na detalye at makakatulong ito na makuha ang mga benepisyong iyong kailangan.
Mag-book ng konsultasyon sa doktor ngayon para makakuha ng iyong medical certificate!