Isa sa pinakaimportanteng paraan sa pamamahala ng high blood sugar level ay ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa diabetes. Ito ay lubos na mahalaga, lalo na sa mga babaeng pasyente, dahil maaari itong magdulot ng iba pang komplikasyon na nangangailangan ng espesyal na pansin. Kaya’t ang pagkilala sa mga sintomas ng diabetes sa babae ay dapat maging priyoridad ng bawat pasyenteng may diabetes.
Alamin ang mga senyales o sintomas ng diabetes sa babae upang mapaghandaan ang kabuuang kalusugan. Simulan natin ito!
Pag-unawa sa Diabetes: Isang Pangkalahatang Pagsusuri

Ang diabetes ay isang chronic na kondisyon na nakakaapekto sa milyun-milyong tao sa buong mundo. Ito ay nangyayari kapag ang katawan ay hindi kayang mregulate and blood sugar levels. Maaari itong mangyari dahil sa dalawang pangunahing dahilan: ito ay bunga ng hindi sapat na produksyon ng insulin, ang hormonal na tumutulong sa pagpasok ng asukal sa mga selula, o hindi maayos na paggamit ng insulin sa katawan.
Ano ang Diabetes?
Kagaya ng nabanggit, ito ay isang metabolikong karamdaman na kinikilala dahil sa pagkakaroon ng high level of glucose. Ang glucose, kilala rin bilang asukal sa dugo, ay ating pangunahing pinagkukunan ng enerhiya. Ito ay nanggagaling sa pagkain natin at isina salin sa mga cells sa tulong ng insulin. Ngunit tandaan na kapag mayroong diabetes, maaaring walang sapat na insulin sa pancreas (Type 1 na diabetes) o kaya naman ay nagiging resistant ang katawan sa insulin (Type 2 Diabetes).
Dahil dito, maaaring maapektuhan ang normal na blood sugar level ng pasyenteng may diabetes. Posible rin na makaranas ng mga sintomas tulad ng madalas na pag-ihi, madalas na pagkauhaw, biglaang pagbawas sa timbang, pagkapagod, at paglabo ng paningin. Kapag patuloy pa rin ang pagkakroon ng sintomas na ito at wala pa ring ginagawang lunas, posible itong magdulot ng komplikasyon sa katawan at pangkalahatang kalusugan.
Mga Uri ng Diabetes
Pangunahing Uri ng Diabetes
Kagaya ng nabanggit kanina, mayroong 2 klase ng diabetes, ang Type 1 at Type 2 diabetes. Ang Type 1 na diabetes ay kadalasang nagsisimula sa pagkabata at nangangailangan ng habambuhay na paggamot ng insulin. Tinatayang mga 5-10% ng mga taong may diabetes ay may Type 1 na diabetes.
Ang Type 2 na diabetes, sa kabilang banda, ay mas karaniwan at tumutugon sa mga 90-95% ng lahat ng kaso ng diabetes. Ito ay kadalasang nauugnay sa mga pamumuhay ng tao at banta nito sa kalusugan tulad ng obesity, sedentary behavior, at poor diet. Bukod dito, maaari rin magbigay ng impluwensya ang genetics sa pagkakaroon ng Type 2 diabetes.
Ibang Uri ng Diabetes Gestational at Monogenic
Bukod sa 2 pangkarinawang uri ng diabetes, may iba pang kondisyon na tinatawag na gestational diabetes at monogenic diabetes. Ang gestational diabetes ay kadalasang nangyayari sa mga buntis. Samantalang ang monogenid naman ay nangyayari dahil may mutation sa isang gene.
Dapat tandaan na ang diabetes ay komplikado at kinakailangan ng masusing pag-aalaga sa mga pasyente. Isa sa mabuting gawin ay ang regular na pagtingin sa blood sugar levels upang mamonitor ito. Bukod pa rito ay kinakailangan din ng pag-aalaga sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot at pagkakaroon ng healthy diet. HIgit sa lahat, kailangan din na magkaroon ng kamalayan at matinding suporta upang magabayan ang mga taong may diabetes para sa kanilang agarang paggaling.
Kahalagahan ng Early Diagnosis

Ang maagang pagtuklas ng diabetes ay kritikal para sa epektibong pamamahala at pagpigil ng mga komplikasyon. Sa kasamaang palad, maraming tao ang hindi napapansin ang mga maagang palatandaan ng diabetes sa babae, at nauuwi ito sa komplikasyon sa kalusugan.
Makakatulong ang maagang pagdiagnose dahil natuturuan ang mga pasyente tungkol sa tamang pag-aalaga ng kanilang kalusugan. Bukod dito, makakatulong din na magkaroon sila ng pagkakataon na makuha ng maagang gamutan gamit ang prescribed na mga gamot. Ginagamit ang mga ito upang makatulong sa blood sugar levels.
Pagtuklas sa 10 Sintomas ng Diabetes sa Babae

Kadalasan, ang pagkakaroon ng sintomas ay maaaring mag-iba depende sa taong nagkakaroon nito. Ngunit, dapat tandaan na mayroong pangunahing sumpung senyales na pwedeng bantayan upang masiguro na ito ay diabetes.
Narito ang mga sintomas ng diabetes sa babae!
Pagkapagod at Pagiging Iritable
Ang madalas na pagkapagod at pagiging iritable ay isa sa mga pangunahing senyales ng diabetes. Kapag hindi maayos na ginamit ng katawan ang glucose para sa enerhiya, maaari itong magdulot ng pagkapagod at mga pagbabago sa mood. Kung iyong mapapansin na napapadalas ang pagiging iritable at pagbaba ng enerhiya, dapat na ikonsulta agad ito para sa diabetes screening.
Madalas na Pag-ihi at Sobrang Uhaw
Isa pang sintomas ay ang pagkauhaw at madalas na pag-ihi. Ayon sa experts, kapag may high blood sugar, gumagawa ng paraan ang mga bato upang alisin ang sobrang glucose sa pamamagitan ng ihi. Dahil dito ay mapapadalas ang pag-ihi at ang pagkauhaw.
Tandaan na ang labis na pagkauhaw at pag-ihi ay maaaring makaapekto ng daily routine. Kung kaya’t kinakailangan na ipatingin ito sa doktor para makita ang posibleng komplikasyon.
Hindi Inaasahang Pagbabawas ng Timbang
Maaaring magkaroon ng pagbabawas ng timbang kapag may diabetes. Kapag hindi maayos na magamit ng katawan ang glucose, nagsisimulang sirain ang taba at muscle for energy na nagdudulot ng pagbaba ng timbang. Bukod dito, ang madalas na pag-ihi ay nakakatulong din sa pagbabawas ng timbang dahil nasasama dito ang pagkawala ng calories.
Kung kaya’t maaaring makaalarma ang biglaang pagbaba ng timbang dahil maaaring dulot ito ng sakit tulad ng diabetes. Dapat lamang na imbestigahan ito sa tulong ng pagkonsulta sa doktor..
Patuloy na Gutom Kahit Pagkatapos Kumain
Ang patuloy na pagkakaroon ng gutom, kahit pagkatapos kumain, ay maaaring maging palatandaan ng diabetes. Kapag hindi epektibo ang insulin, ang glucose ay hindi pumasok sa mga cells, at nagdudulot ng mababang enerhiya at pagkagutom. Kung madalas itong nangyayari sa iyo, marapat lamang na magpatingin sa doktor.
Tandaan na ang pangyayaring ito ay maaaring makaapekto sa kabuuang kalusugan. Kung kaya’t dapat lamang na banggitin agad ito sa iyong doktor para masolusyunan ito at malaman ang mga pagkaing dapat kainin at iwasan.
Mabagal na Paggaling ng mga Sugat
Maaaring maapektuhan ng diabetes ang kakayahan ng katawan na magpagaling ng mga sugat. Ang mataas na antas ng asukal sa dugo ay maaaring makasira sa mga ugat ng dugo at bawasan ang daloy ng dugo sa sugat, kung kaya’t mahihirapan ang katawan na pagalingin ito.
Ang mabagal na paggaling ay maaaring magdulot ng komplikasyon at impeksyon. Kung kaya’t kinakailangan na ikonsulta agad ito sa doktor kung patuloy na hindi gumagaling ang ano mang galos o sugat sa katawan.
Madalas na mga Impeksyon
Posible rin na sintomas ng diabetes ay ang madalas na impeksyon. Ito ay nangyayari dahil inaatake ng diabetes ang immune system na nagreresulta sa paghina nito. Ang high blood sugar levels ay tinaguriang angkop na kapaligiran para lumago ang bakterya at fungus.
Kung kaya’t madalas na nagkakaroon ng urinary tract infection o UTI ang mga babaeng may diabetes. Posible rin silang magkaroon ng yeast infection at iba pang vaginal infection. Kapag patuloy ang pagkakaroon ng komplikasyon tulad ng nabanggit ay kinakailangan na kumunsulta sa doktor.
Malabo ang Paningin
Ang high blood sugar level ay maaaring magdulot ng pansamantalang mga pagbabago sa hugis ng lente ng mata, na humahantong sa paglabo ng paningin. Maaaring mapansin ang pabago-bago ng paningin, at nangyayri ito pagkatapos kumain o kapag mataas ang blood sugar. Kung kaya’t mas mabuting magpatingin agad sa doktor dahil ang paglabo ng mata ay isa sa sintomas ng diabetes.
Panginginig o Pagkamanhid sa Kamay o Paa
Maaaring magdulot ng pagkasira ng ugat ang diabetes sa paglipas ng panahon, na humahantong sa peripheral neuropathy. Ito ay kadalasang nagpapakita bilang panginginig o pagkamanhid sa mga kamay, paa, o binti.
Ang sensation na ito ay maaaring magdulot ng discomfort sa pasyenta at makaapekto sa paggalaw. Kinakailangan na kumunsulta agad sa doktor upang maiwasan ang nerve damage sa buong katawan.
Pangingitim ng Balat sa Ilang Bahagi ng Katawan
Isa sa binabantayan na senyales ng diabetes ay ang pangingitim ng ibang parte ng katawan tulad ng leeg, kili-kili, at singit. Ang kondisyong ito, kilala bilang acanthosis nigricans, na naiuugnay sa insulin resistance. Dahil dito, kapansin pansin ang pagbabago sa kulay ng balat.
Sa pagkakaroon nito, maaari itong magdulot ng pangamba dahil sa komplikasyon na tulad ng diabetes. Kinakailangan ng masusing obserbasyon at pagkonsulta sa doktor.
Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)
Ang polycystic ovary syndrome (PCOS) ay isang hormonal na karamdaman na nakakaapekto sa maraming babae. Ilan sa mga problemang dulot nito ay pagbabago ng menstrual cycle, madalas na pagtubo ng buhok, at ovarian cyst. Ito ay malapit na nauugnay sa insulin resistance at sa mataas na panganib ng pagkakaroon ng Type 2 na diabetes.
Kinakailangan na kumunsulta sa doktor upang maiwasan ang posibleng pagkakaroon ng Type 2 diabetes at masiguro ang kalusugan ng mga kababaihan.
Basahin ang iba pang detalye tungkol sa sintomas ng diabetes.
Paano Kumonsulta sa Doktor para sa Diabetes sa NowServing?
Dahil sa nakakabahalang mga sintomas ng diabetes, mainam na magpa-konsulta kaagad para sa iyong kalusugan. Dito sa NowServing, maaaring magsimula ang mga pasyente sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa ibaba:
- I-click ang link para makita ang listahan ng mga doktor para sa diabetes sa Pilipinas.
- Pumili ng doktor at i-book sila sa pamamagitan ng pagpindot sa “Book Appointment” na button.
- Piliin kung ikaw ay isang dating pasyente o bagong pasyente.
- Punan ang mga kinakailangang detalye para makompleto ang proseso ng pag-book.
- Maghintay ng kumpirmasyon ng iyong iskedyul.
Bukod sa online booking na ito, maaari mo ring gamitin ang NowServing app para mag-book ng doktor. I-download ang app sa iyong device ngayon!
Konklusyon
Ang kamalayan sa mga maagang palatandaan ng diabetes sa babae ay mahalaga, dahil maaari silang magkaroon ng mas mataas na mga panganib kumpara sa mga lalaki. Kung makaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito, mahalaga na huwag mo itong pabayaan at humingi kaagad ng medikal na payo.
Tandaan, ang maagang pagtuklas at maagap na intervention ay mahalaga para sa epektibong pamamahala ng diabetes at pagpigil ng mga komplikasyon. Kumunsulta online sa doktor ngayon!