Buod
Bago pa man dumating ang menstruation, may mga senyales na dapat bantayan dahil maaari itong makaapekto sa pang araw-araw na kalagayan ng mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay ang pagbabago sa emosyon, katawan, enerhiya, at iba pa. Maaari itong bantayan upang malaman at mapaghandaan ang pagdating ng buwanang dalaw.

Ano ang Menstruation?
Ang menstruation, o regla, ay ang buwanang pagdurugo ng isang babae bilang bahagi ng kanyang reproductive cycle. Ito ay nangyayari kapag walang fertilized egg na nadeposito sa matris. Kadalasang nagkakaroon ng uterine lining upang mapaghandaan ang kalusugan ng embryo. Subalit, sa kawalan nito ay nalalaglag ang mga dugo sa uterine wall at inilalabas sa katawan sa pamamagitan ng puwerta.
Tumatagal ang monthly period ng 5 hanggang 7 araw. Ito ang kinikilalang normal na duration na siyang dapat dumadating kada-buwan. Ngunit, may posibilidad na mawalan ng regla o magkaroon ng irregular period na resulta ng problema sa reproductive health.
Bakit Mahalaga ang Pagsubaybay sa mga Sintomas ng Pagkakaroon ng Regla?
Kadalasan naapektuhan ng regla ang hormonal levels sa katawan. Dahil dito, ito ay nagdudulot ng mga pagbabago na siyang kilala bilang sintomas ng regla. Ngunit, hindi lamang ito dapat tingnan bilang senyales ng menstruation dahil maaari rin itong magsilbing babala sa pangkalahatang kalusugan.
Sa pagsubaybay sa mga sintomas na ito, maaari itong magbigay daan sa mga sumusunod:
- Paghahanda sa Iyong Regla – Maiiwasan ang biglaang pagkagulat kapag dumating ang period.
- Pagkilala sa Normal o Hindi Normal na Sintomas – Kung masyadong matindi ang iyong sintomas, maaaring kailangan mong kumonsulta sa isang OB-GYN.
- Mas Mainam na Pangangalaga sa Kalusugan – Malalaman mo kung anong self-care techniques ang pinaka epektibo para sa iyo.
- Pagsubaybay sa Sakit – Maaaring senyales ng sakit sa reproductive health ang pagkawala ng regla tulad ng PCOS, endometriosis, at iba pa.
Basahin ang kaugnay na artikulo tungkol sa pagkakaroon ng irregular period dahil sa PCOS

Mga Karaniwang Sintomas na Malapit na ang Menstruation
Dapat tandaan na kadalasang nagbibigay ng hudyat ang katawan sa pagdating ng buwanang dalaw. Narito ang mga sintomas ng regla na kadalasang nararanasan ng mga babaeng may dalaw.
1. Pagbabago sa Mood at Emosyon
- Mood Swings – Madalas na pagka mayamutin (irritability) at pagiging emosyonal ay nangyari dahil sa hormone levels tuwing may regla.
- Pagkaramdam ng Depresyon o Anxiety – Maaaring makaranas ng labis na lungkot o pagkabalisa.
2. Pagbabago sa Katawan
- Pagkirot ng Suso – Nagiging mas sensitibo ang dibdib at nagdudulot ng swelling dahil sa hormonal changes.
- Bloating – Pagpuno ng tiyan na nagdudulot ng pakiramdam ng pamamaga.
- Pagtaas ng Timbang – Panandaliang pagdagdag ng timbang dahil sa fluid retention.
- Acne Breakout – Ang imbalance sa hormone ay maaaring magdulot ng pagdami ng sebum sa pores na siyang dahilan ng premenstrual acne o pimples.
3. Sakit sa Katawan
- Headache o Pananakit ng Ulo – Ang menstrual migraine o pagsakit ng ulo ay madalas mangyari bago ang regla.
- Paninigas ng Tiyan – Pagsakit ng tiyan o cramping ay nangyayari dahil sa paggalaw ng matris.
- Paninigas ng Kasukasuan – Pakiramdam ng pangangalay at pananakit ng kasukasuan.
4. Pagbabago sa Pagkain at Enerhiya
- Pagkagutom o Cravings – Pagkagusto sa matatamis o maalat na pagkain.
- Pagkapagod – Pagkakaroon ng mababang enerhiya o pakiramdam ng sobrang pagod.
5. Problema sa Tiyan
- Constipation o Diarrhea – Naaapektuhan ang digestive system kapag nagkakaregla na nagdudulot ng pagdumi.
Self-Care Relief: Mga Menstruation Tips na Dapat Alamin
Maaaring magdulot ng iba-ibang pagbabago sa katawan ang regla. Alamin ang mga sumusunod na self-care options upang mas mapaghandaan ang mga sintomas ng menstruation.

Bago ang Regla
- Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang bloating.
- Mag-ehersisyo upang maiwasan ang mood swings at pananakit ng katawan.
- Iwasan ang sobrang caffeine at maalat na pagkain upang maiwasan ang water retention.
- Matulog ng maayos upang magkaroon ng sapat na enerhiya.
Habang May Regla
- Gumamit ng warm compress bilang menstrual cramps relief.
- Uminom ng chamomile o ginger tea upang mabawasan ang sakit ng tiyan.
- Mag-relax at maglaan ng oras para sa self-care upang maiwasan ang stress.
Matapos ang Regla
- Kumain ng masustansyang pagkain upang mapunan ang nawalang nutrients.
- Panatilihing malinis ang katawan upang maiwasan ang impeksyon.
- Subaybayan ang menstrual cycle gamit ang period tracker app.
Kailan Dapat Kumunsulta sa OB-GYN?
Kagaya ng nabanggit, maaaring ang mga sintomas ng regla ay nagpapahiwatig ng ibang problem sa kalusugan. Dahil dito, kinakailangan ng masusing gabay ng doktor upang maiwasan ang mga posibleng komplikasyon.

Magpatingin sa OB-GYN kung nararanasan ang sumusunod:
- Masyadong matinding pananakit ng tiyan na hindi na kinaya ng pain relievers.
- Hindi regular ang regla o madalas na lumalagpas sa 35 araw o mas maikli sa 21 araw ang cycle.
- Pagdurugo sa pagitan ng regla o sobrang dami ng dugo sa panahon ng menstruation.
- Madalas na pagkahilo o panghihina tuwing may regla.
Maaaring sumailalim sa diagnostic test katulad ng transvaginal ultrasound at transrectal ultrasound upang malaman ang kondisyon ng iyong reproductive health.
Paano Kumunsulta sa OB-GYN Dahil sa Sintomas ng Menstruation
Kung may alinman sa mga sintomas na ito, huwag mag-atubiling kumunsulta sa isang eksperto. Maaari kang mag-book ng OB-GYN consultation sa NowServing sa pamamagitan ng website o app.
Narito ang mga posibleng pwedeng gawin:
- Puntahan ang website ng NowServing o i-click ang link na ito.
- Pumili sa listahan ng OBGYN sa Pilipinas at i-press ang “Book Appointment” button.
- Piliin ang opsyon na naaayon sa iyong kailangan, online consultation o face-to-face consultation.
- Ilagay ang iyong impormasyon sa form upang maipagpatuloy ang proseso.
- Antayin ang kumpirmasyon ng iyong booking.
Maaari rin makapag book ng consultation sa pamamagitan ng NowServing app. I-download ang app sa iyong device sa pamamagitan ng link na ito!
FAQs tungkol sa Menstruation
Paano maiiwasan ang matinding menstrual cramps?
Subukan ang warm compress, ehersisyo, at pagkain ng magnesium-rich foods tulad ng saging at mani. Maaari rin kumunsulta sa doktor kapag sobrang lala ng sakit ng menstrual cramps.
Ano ang normal na tagal ng regla?
Karaniwan itong tumatagal ng 3-7 araw, depende sa katawan ng isang babae. Kung sakaling magkaroon matagal na pagdurugo o kulang na araw sa regla, dapat na ipacheck ito sa doktor. Maaari itong maging senyales ng sakit sa reproductive health, kung kaya’t mahalaga na pumunta sa doktor.
Bakit mahalaga ang regular na regla para mabuntis?
Ang regular na regla ay mahalaga dahil inihahanda nito ang katawan ng mga babae sa posibleng pagbubuntis at ovulation period. Kung ikaw ay nakakaranas ng madalang na pagkakaroon ng regla, dapat lamang na pumunta agad sa doktor.
Bakit minsan may mood swings bago ang regla?
Dahil sa hormonal fluctuations, maaaring magbago ang iyong emosyon bago ang regla. Kung kaya’t posibleng maging iritable sa anumang bagay.
Anong dapat gawin kung may sobrang daming regla?
Kung laging malakas at matagal ang regla, kumunsulta sa OB-GYN upang malaman kung may medical condition tulad ng PCOS o anemia.
Konklusyon
Ang sintomas na malapit na ang menstruation ay isang mahalagang senyales upang mas maayos na mapaghandaan ang regla. Ang tamang pangangalaga sa sarili bago, habang, at pagkatapos ng menstruation ay makakatulong upang maiwasan ang discomfort at magkaroon ng mas maayos na menstrual cycle.
Kung kinakailangan ng gabay mula sa eksperto, huwag mag-atubiling mag-book ng OB-GYN consultation sa NowServing.
