Tandaan na ang blood pressure ay kailangang kontrolin kung ito ay lampas na sa normal na blood pressure range. Gayunpaman, kung ang systolic ay nananatiling pareho, at ang diastolic blood pressure ay nagbabago, maaaring may panganib na dala ito sa kalusugan na dapat tugunan ng mga pasyente. Sa ganitong kaso, mahalaga na malaman kung paano pababain ang blood pressure nang epektibo. Simulan na natin!

Pag-unawa sa Pagbabasa ng Presyon ng Dugo

May dalawang mahalagang numero sa pagbabasa ng iyong blood pressure results. Ang systolic blood pressure ang unang numero na nagpapakita ng lakas ng tibok ng puso habang nagpapadaloy ito ng dugo sa mga ugat. Samantalang, ang diastolic blood pressure naman ay ang pangalawang numero na nagpapakita ng pagpapahing ng puso sa pagitan ng mga tibok. Halimbawa, ang 110/70 bp ay nangangahulugang 110 systolic at 70 diastolic. Tandaan na ang blood pressure ay gumagamit ng mm Hg o millimeters of mercury bilang unit ng pagsukat.

Pagdating naman sa normal na blood pressure, ito ay nasa pagitan ng 110-130 mm Hg para sa systolic blood pressure at 60-70 mm Hg para sa diastolic blood pressure. Samakatuwid, ang mataas na presyon ng dugo ay lagpas ng 130 hanggang 139 mm Hg systolic pressure at 80 hanggang 89 mm Hg diastolic pressure. Ang sakit na ito ay tinatawag na high blood pressure o hypertension na dapat lunasan agad.

Maaaring mapansin na may iba’t ibang blood pressure readings ang makikita sa buong araw. Karaniwan itong naiimpluwensyahan ng iba’t ibang gawain at kinakain sa pang araw-araw.

Ano ang High Diastolic Blood Pressure?

Ang mataas na diastolic blood pressure ay isang karamdaman na may kaugnayan sa high blood pressure o hypertension. Ito ay uri ng mataas na presyon ng dugo kung saan may patuloy na presyon sa mga ugat o blood vessels habang ang puso ay nasa estado ng pahinga.

Tandaan na ang ganitong sitwasyon ay nakakabahala dahil ito ay naglalagay sa mga tao sa panganib ng stroke, heart attack, at iba pa. Pinakamabuting humingi kaagad ng tulong medikal upang matugunan ang problemang ito.

Mga Dahilan sa Pagtaas na Diastolic Blood Pressure

Ang ilang karaniwang hindi makokontrol na risk factors ay kinabibilangan ng edad, cardiovascular diseases, at kidney disease. Alamin natin ang konseksyon ng mga salik na ito sa pagtaas ng diastolic blood pressure:

Edad

Ang relasyon ng edad at diastolic blood pressure ay komplikado. Habang ang systolic blood pressure ay karaniwang tumataas kasabay ng pagtanda, ang diastolic blood pressure ay may ibang patern. Kadalasan, ang mga taong wala pang 50 taong gulang ay nagkakaroon ng mataas na diastolic blood pressure, na lubhang nakakabahala.

Nangyayari ito dahil ang mga ugat ng mas batang tao ay may tendensyang mas matigas at lumalaban sa daloy ng dugo, na lumilikha ng mas mataas na presyon kapag ang puso ay nasa pahinga. Gayunpaman, habang tumatanda tayo, ang ating mga ugat ay natural na nagiging mas hindi elastiko, na maaaring magresulta sa pagbaba ng diastolic pressure habang tumataas ang systolic pressure.

Sakit sa Puso o Heart Disease

Ang mga dating kondisyon sa cardiovascular ay malaking epekto sa diastolic blood pressure. Pag-usapan natin ang mga kondisyong ito:

  • Atherosclerosis (pagtigas ng mga ugat): Maaari itong magdulot ng mas mataas na paglaban sa mga daluyan ng dugo, na humahantong sa pagtaas ng diastolic pressure.
  • Mga problema sa aortic valve: Isang kondisyon na nakaaapekto sa daloy ng dugo sa puso at mga ugat, na maaaring magpataas ng diastolic pressure.
  • Iba pang kondisyon na nakakaapekto sa function ng kalamnan ng puso: Maaari nitong baguhin ang kakayahan ng puso na mapanatili ang normal na pattern ng presyon sa pagitan ng mga tibok, na dagdag sa diastolic hypertension.

Sakit sa Bato

Panghuli, ang mga bato ay may mahalagang papel sa pag-regulate ng blood pressure, kaya ang sakit sa bato ay isang pangunahing risk factor para sa diastolic hypertension. Kapag ang mga bato ay nasira o hindi gumagana ng maayos, maaaring hindi nila masala ng epektibo ang labis na fluid at sodium sa dugo. Ito ay humahantong sa fluid retention at pagtaas ng blood volume, na direktang nakakaapekto sa diastolic pressure.

Samantala, ang chronic kidney health conditions ay maaari ring mag-activate ng renin-angiotensin-aldosterone system, isang hormone cascade na nagpapataas ng blood pressure. Ang ganitong sakit sa bato ay madalas na nagdudulot ng arterial stiffness, na nakakaambag sa patuloy na pagtaas ng diastolic pressure.

Tandaan ang mga risk factors na ito ay madalas na may interaksyon sa isa’t isa, na posibleng lumikha ng cycle na maaaring magpalala sa blood pressure control. Ang regular na medical monitoring at angkop na pagbabago sa pamumuhay ay mahalaga para sa epektibong pamamahala ng mga panganib na ito.

Senyales at Pag-diagnose na Mataas ang Diastolic Blood Pressure

Ang diagnosis na mababa ang iyong diastolic blood pressure ay batay sa blood pressure reading na <130 mmHg/ ≥80 mmHg), kasama ang mga hypertensive symptoms. Bukod dito, ang patient-centered factors tulad ng edad, timbang, at medical comorbidities ay may mahalagang papel din sa diagnosis ng pasyente.

Narito ang mga sumusunod na sintomas na nagsasabing ikaw ay may mataas na diastolic pressure readings:

  • Pagkahilo o pagliglig
  • Sakit ng ulo
  • Pagtaas ng pagpapawis
  • Heart palpitations
  • Pagduduwal o pakiramdam na parang masusuka
  • Malabong paningin

Paano Pababain Ang Diastolic Blood Pressure

Ang mga pagbabago sa pamumuhay at posibleng pharmacological treatment ay kapaki-pakinabang sa pamamahala ng mataas na diastolic blood pressure. Ayon sa isang pag-aaral, karamihan sa mga pasyenteng may mataas na diastolic BP ay mas bata, may mataas na body mass index (BMI), at mga naninigarilyo.

Samakatuwid, ang pagiging fit, pagsunod sa prescribed diet, tamang exercise training, at pagtigil sa paninigarilyo ay ilan sa mga epektibong blood pressure management treatments. Kung ang mga pagbabago sa pamumuhay at pagkain ay hindi sapat para pababain ang iyong blood pressure, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang pag-inom ng mga sumusunod na gamot:

  • Thiazide diuretics
  • Angiotensin converting enzyme inhibitors (ACE)
  • Angiotensin II receptor blockers (ARBs)
  • Calcium channel blockers (CCB)

Tandaan na karamihan ng mga pasyente ay may existing maintenance medications para sa iba pang umiiral na kondisyong medikal. Mahalaga na suriin ang drug-drug interactions kapag nagdaragdag ng antihypertensive drug sa treatment regimen ng pasyente. Mag-ingat din sa biglaang pagbaba ng blood pressure kapag binigyan ng ganitong uri ng gamot.

Paano Pababain ang Diastolic Blood Pressure sa Natural na Paraan?

lalaking nag eehersisyo para bumaba ang blood pressure

Narito ang 5 kapaki-pakinabang na tips para makamit ang normal na blood pressure sa natural na paraan:

Mapanatili ang Aktibong Pamumuhay (Dagdagan ang Physical Activity)

Ang pisikal na ehersisyo ay nakakabawas ng blood pressure sa pagsisikap at karaniwang inirerekomenda nang regular. Napansin na ang endurance training, resistance training, isometric, at combined training ay nakakapagpababa ng diastolic blood pressure. Naitalang mas malaki ang bawas sa blood pressure kapag may  maikling endurance training duration sa moderate hanggang high intensity na exercise .

Pagkain ng Tama Upang Mabawasan ang Timbang

Bukod sa ehersisyon, mahalaga din ang pagsunod sa DASH diet upang makatulong sa pagbabawas ng timbang hanggang makuha ang moderate weight na hahantong sa pagbaba ng blood pressure.

Pagbabawas ng Stress

Bilang reaksyon sa stress sa mental health, ang iyong katawan ay gumagawa ng mga hormone na nagpapataas ng blood pressure. Mahalaga na malaman na dapat iwasan ang mga bagay na nagti-trigger sa mga ito. Subukan ang deep breaths o deep breathing techniques para mabawasan ang stress levels. Makakatulong din ang relaxation techniques tulad ng meditation para maiwasan ang stress.

Iwasan ang Paninigarilyo o Smoking Habit

Ang nicotine content sa mga sigarilyo ay nagiging sanhi ng pagtaas ng blood pressure. Magiging kapaki-pakinabang ang lifestyle changes tulad ng unti-unting pagbabawas at pagtigil sa paninigarilyo para maiwasan ang pagtaas ng blood pressure.

Mga Pagkain para Pababain ang Diastolic Blood Pressure

paano pababain ang diastolic blood pressure - DASH diet

DASH Diet

Ang Dietary Approaches to Stop Hypertension (DASH) diet ay isang angkop at epektibong nutritional diet strategy o eating plan para pababain ang blood pressure.

Ito ay binubuo ng mga dietary changes sa mga sumusunod:

  • Mga gulay
  • Mga prutas
  • Isda
  • Nabawasang portions ng red meats
  • Nabawasang sugar-sweetened foods
  • Nabawasang sugar-sweetened beverages
  • Low-fat dairy products
  • Nabawasang saturated fat at cholesterol

Magdagdag ng Magnesium at Potassium-rich Food sa Iyong Diet

Ang mga mani, legumes, at gulay na naglalaman ng magnesium ay may protective effect laban sa hypertension. Samantala, ang potassium supplementation ay nakakatulong din sa pagbaba ng blood pressure levels.

Kumain ng High-fiber Food

Mahalaga din ang pagkonsumo ng pagkain na mataas ang fiber tulad ng whole grains, whole oats, whole barley, legumes, peas, beans, at flax seeds. Ito ay kapaki-pakinabang sa mga pasyenteng may mataas na blood pressure.

Probiotics

Bukod sa mga nabanggit, pinapakita rin na ang probiotics ay mabisang pagkain upang mabawasan ang diastolic at systolic blood pressure ng mga pasyenteng may underlying medical conditions tulad ng diabetes at obesity.

Bawasan ang Salt Intake

Dahil ang sodium ay maaaring magpataas ng iyong blood pressure, bawasan ang sodium intake sa 1,500 milligrams o mas mababa pa sa isang araw.

Bawasan ang Alcohol Intake

Ang pag-inom ng alak ay nagpapataas ng iyong blood pressure. Mas mabuting bawasan ang pag-inom ng alak upang bumaba ang blood pressure sa normal blood pressure range.

Kailan Dapat Kumunsulta sa Iyong Doktor

Tandaan na ang mga pasyente na may mataas na blood pressure ay dapat may regular na check-up sa kanilang mga doktor.

Ang iyong doktor ay maglalatag ng pinakamahusay na treatment plan na angkop sa iyong mga sintomas at kondisyon. Kumonsulta rin sa iyong doktor tungkol sa magandang blood pressure monitor at ilang best practices para sa pagkuha ng iyong blood pressure sa araw-araw.

Paano Mag-book ng Konsultasyon sa Cardiologist

Kung ikaw ay naghahanap ng pinakamahusay na doktor para sa high blood pressure, makakatulong ang paggamit ng NowServing. Maaari kang maghanap ng mga doktor na matatagpuan sa Manila, Quezon City, Makati, Pasig, Taguig, at maging mga doktor sa labas ng Metro. Bukod dito, maaari ka ring makahanap ng mga doktor na nakaugnay sa mga kilalang ospital sa healthcare platform na ito.

Narito kung paano mag-book ng konsultasyon:

  • I-click ang link para makita ang listahan ng mga cardiology doctors sa Pilipinas.
  • Mag-browse at pumili ng iyong gustong doktor sa pamamagitan ng pag-click sa “Book Appointment” button.
  • Piliin kung ikaw ay bagong pasyente o dating pasyente na ng doktor
  • Punan ang form ng iyong impormasyon para makumpleto ang iyong appointment.
  • Maghintay ng kumpirmasyon ng booking.

Maaari mo ring gamitin ang NowServing app para mag-book ng konsultasyon. I-download lamang ang app dito.

Konklusyon

Ang pagtatrabaho sa kung paano pababain ang diastolic blood pressure ay maaaring mahirap. May ilang mga paraan kung paano makakamit ang ninanais na resulta. Gayunpaman, pinakamainam pa rin na sumunod sa treatment plan na partikular para sa iyong sitwasyon. Kaya mainam na humingi kaagad ng tulong kapag kailangan ng pasyente na pababain ang diastolic blood pressure.

Kung ikaw ay isa sa mga pasyenteng kailangang pababain ang kanilang diastolic blood pressure, huwag mag-atubiling magpa-konsulta sa isang cardiologist.

References

Strandberg TE, Pitkala K. What is the most important component of blood pressure: systolic, diastolic or pulse pressure? Curr Opin Nephrol Hypertens. 2003 May;12(3):293-7. [PubMed]

Hoit BD. Pathophysiology of the Pericardium. Prog Cardiovasc Dis. 2017 Jan-Feb;59(4):341-348. [PubMed]

Kirshblum S, Eren F, Solinsky R, Gibbs K, Tam K, DeLuca R, Linsenmeyer T. Diastolic blood pressure changes during episodes of autonomic dysreflexia. J Spinal Cord Med. 2021 Sep;44(5):720-724. [PubMed]

Conell C, Flint AC, Ren X, Banki NM, Chan SL, Rao VA, Edwards NJ, Melles RB, Bhatt DL. Underdiagnosis of Isolated Systolic and Isolated Diastolic Hypertension. Am J Cardiol. 2021 Feb 15;141:56-61. [PubMed]

Li Y, Wei FF, Wang S, Cheng YB, Wang JG. Cardiovascular risks associated with diastolic blood pressure and isolated diastolic hypertension. Curr Hypertens Rep. 2014 Nov;16(11):489. [PubMed]

Alsaeed H, Metzger DL, Blydt-Hansen TD, Rodd C, Sharma A. Isolated diastolic high blood pressure: a distinct clinical phenotype in US children. Pediatr Res. 2021 Oct;90(4):903-909. [PubMed]

McEvoy JW, Daya N, Rahman F, Hoogeveen RC, Blumenthal RS, Shah AM, Ballantyne CM, Coresh J, Selvin E. Association of Isolated Diastolic Hypertension as Defined by the 2017 ACC/AHA Blood Pressure Guideline With Incident Cardiovascular Outcomes. JAMA. 2020 Jan 28;323(4):329-338. [PubMed]

Lee H, Yano Y, Cho SMJ, Park JH, Park S, Lloyd-Jones DM, Kim HC. Cardiovascular Risk of Isolated Systolic or Diastolic Hypertension in Young Adults. Circulation. 2020 Jun 2;141(22):1778-1786. [PubMed]

Sowers JR. Hypertension in the elderly. Am J Med. 1987 Jan 26;82(1B):1-8. [PubMed]

Dominguez L, Veronese N, Barbagallo M. Magnesium and Hypertension in Old Age. Nutrients. 2020 Dec 31;13(1):139. [PubMed]

Surampudi P, Enkhmaa B, Anuurad E, Berglund L. Lipid Lowering with Soluble Dietary Fiber. Curr Atheroscler Rep. 2016 Dec;18(12):75. [PubMed]

Dixon A, Robertson K, Yung A, Que M, Randall H, Wellalagodage D, Cox T, Robertson D, Chi C, Sun J. Efficacy of Probiotics in Patients of Cardiovascular Disease Risk: a Systematic Review and Meta-analysis. Curr Hypertens Rep. 2020 Aug 29;22(9):74. [PubMed]

Stabouli S, Papakatsika S, Kotsis V. Hypothyroidism and hypertension. Expert Rev Cardiovasc Ther. 2010 Nov;8(11):1559-65. [PubMed]

Cornelissen VA, Smart NA. Exercise training for blood pressure: a systematic review and meta-analysis. J Am Heart Assoc. 2013 Feb 1;2(1):e004473. [PubMed]