Maagang pagsusuri ang kinakailangan upang masimulan agad ang tamang paggamot. Iyan ang dapat alalahanin ng mga tao kapag may banta ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa kanilang lugar. Ang paggamit ng test kit para sa HIV ay isang praktikal at abot-kayang paraan upang malaman ang status ng isang indibidwal.

Kaya naman sa artikulong ito, tatalakayin natin ang higit na importanteng aspeto ng test kit para sa HIV. Kasama na dito ang mga available na test kit, tamang paggamit, at kung gaano sila ka-epektibo para sa HIV diagnosis. Alamin natin ang lahat ngayon!

Test Kit Para sa HIV: Ano Ito at Bakit Mahalaga?

hiv testing sa Pilipinas

Ang test kit para sa HIV ay isang diagnostic tool na idinisenyo para malaman kung ang isang tao ay positibo o negatibo sa HIV. Kadalasan, ang test kit ay gumagamit ng sample mula sa dugo o laway upang makita ang presensya ng HIV antibodies o antigen.

Ginagamit ito upang:

  • Malaman ang HIV status ng mga tao
  • Mabigyang solusyon ang tumataas na kaso ng HIV sa bansa at karatig bansa
  • Masimulan ang tamang gamutan para protektahan ang immune system

Dahil sa banta ng HIV, isinusulong ng mga health departments ang pagkakaroon ng access ng mga tao sa lahat ng klase ng HIV test kit. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagdami ng kaso at mapipigilan ang komplikasyon ng HIV kagaya ng AIDS at iba pang malubhang sakit.

Mga Uri ng Test Kits para sa HIV Testing sa Pilipinas

types of test for HIV

May iba’t ibang klase ng HIV test kit ang maaring gamitin ng mga tao. Lahat ay epektibo sa early detection ng HIV. Ngunit may pinagkaiba ang mga ito na posibleng maging pabor sa iilang tao. Kung kaya’t mabuting kilalanin ang lahat ng mga test kit upang malaman ang nararapat na test para sa iyong kalagayan.

Narito ang apat na pangunahing uri ng test kits na karaniwang ginagamit para makita ang HIV infection:

Antibody HIV Test Kit

Ang antibody HIV test kit ay isa sa madalas na ginagamit para malaman kung positibo o negatibo sa HIV ang isang tao. Sa pamamagitan nito ay maaaring makita ang mga antibodies sa katawan dahil sa banta virus. Kadalasan itong ginagamit dahil bukod sa simpleng pamamaraan ay maaari na malaman ang HIV status.

Bukod dito, mas maraming antibody test kit ang available sa testing facilities, botika, at iba pang lugar. Ang mga ito ay gumagamit ng dugo at oral fluids para gamiting sample sa test kit.

Antigen HIV Test Kit

Bukod sa nabanggit ay isa rin sa maaaring tingnan ay ang antigen HIV test kit. Ito ay nakakapag detect ng proteins o antigens kapag nahawaan ang isang tao ng HIV. Kadalasan itong nalitaw sa loob ng 2 hanggang 4 na linggo ng pagkakahawa, kung kaya’t maagang malalaman kung positibo o negatibo sa HIV. Kagaya ng antibody test, ang antigen ay gumagamit ng dugo para makita ang HIV status ng pasyente.

Combination Test for HIV

Isa sa pangkaraniwan na klase ng test ay ang combination test o ang tinatawag na fourth-generation HIV test. Katulad ng antigen, ito ay epektibo din dahil sa maagang pagtuklas ng antigen at antibodies sa loob lamang ng 2 hanggang 4 na pagkakahawa.

Laboratory-Based Test Kits

Pinakahuli ay ang laboratory tests. Ito ay klase ng test na gumagamit ng masusing pagtuklas sa mga senyales na HIV positive ang isang tao. Sa lahat ng test kit para sa HIV, ito ay nagbibigay ng pinka accurate na resulta. Kung kaya’t ang confirmatory test o ang pangalawang test na ginagawa sa para sa HIV diagnosis ay lab test.

Mga Karaniwang Klase ng HIV Test

rapid hiv test - hiv test kit

Bukod sa pangunahing uri ng HIV test, may mga partikular na test kit na mas kilala ng mga tao dahil sa kung paano ito gamitin. Ating talakayin ang mga ito:

Rapid HIV Test Kits

Isa sa mga kilalang HIV test kits ay ang rapid test na nakapagbibigay ng mabilis na resulta. Maraming rapid HIV test kits ang kilala bilang antibody test dahil ginagamit ito upang makita ang mga antibodies sa blood o oral fluid samples.

Self-Test HIV Kits o Home Test

Mayroon din kayong mabibiling klase ng HIV test na pwedeng gamitin sa bahay o kahit saan man na pribadong lugar. Ito ay ang home test para sa HIV o tinatawag na self-test kits. Ang ikinaganda ng test na ito ay ang diskreto at pribadong pamamaraan na ibinibigay nito sa mga gumagamit. Dahil portable lamang ito, maaari siyang gawin kahit saan

Bukod sa nabanggit, isinusulong din ang paggamit nito dahil idinisenyo ito para sa lahat. May kasama itong madaling intindihin na instructions kung kaya’t maaari itong gamitin ng lahat.

Oral HIV Test Kit

Ating nabanggit kanina ang paggamit ng oral fluid sample upang makita ang antibodies sa katawan. Isa itong klase ng test na gumagamit ng swab at testing vial. Ginagamit ang swab upang maka kolekta ng sample sa gilagid at iba pang bahagi ng bibig.

Ipinagbabawal ang pagkain o paggamit ng mouthwash 30 minutes bago kumuha ng oral fluid sample. Sa pamamagitan nito ay makakakuha ng tamang resulta.

Blood-based HIV Test Kit

Kung may oral test ay mayroon din na test na gumagamit ng dugo para sa HIV test. Ayon sa mga expert, mas pabor sila sa paggamit ng dugo sa test dahil mas makikita dito ang mga proteins na nagsasabi na may HIV ang isang tao. Ngunit sa 2 pamamaraan ng pagkuha ng dugo, ang dugo na matatagpuan sa veins ang pinakawasto. Gayunpaman, ang dugo sa daliri ay posible pa rin gamitin, ngunit ibayong pag-iingat ang kailangan upang hindi ma-contaminate ang blood sample.

Libreng HIV Test

Sa lahat ng mga test kit para sa HIV, ito ang isa sa pinaka importante sa lahat dahil nabibigyan ng pagkakataon ang maraming tao na harapin ang kanilang kalagayan. Maraming barangay ang nagbibigay ng libreng access sa HIV test bilang parte ng kanilang program para sa HIV awareness sa komunidad. Bukod sa kanila ay may mga NGOs din na partner ng Department of Health na nagbibigay ng mga ganitong klaseng HIV test. Sa pamamagitan nito, nakakatulong sila sa pagkilala ng bilang ng mga taong may HIV, at nasisimulan ang gamutan para sa kanila.

Gaano Ka-Reliable ang Test Kit Para sa HIV?

Ang mga HIV test kit ay kilala sa kanilang mataas na accuracy, ngunit hindi ito perpekto. Narito ang mga bagay na dapat mong isaalang-alang:

  • Accuracy Rate: Karamihan ng test kits ay may accuracy rate na 92%-99%.
  • Window Period: Maaaring hindi pa makita ang proteins kagaya ng antigen at antibodies sa ilang linggo. Kaya naman mas mabuting alamin ang window period ng hiv test na gamit mo upang masiguro ang tamang resulta.
  • Pagkuha ng sample: Dapat din isaalang-alang ang tamang pagkuha ng sample ng blood at oral fluid upang masiguro na hindi makontamina ang mga ito.

Ang paggamit ng test kit ay simula pa lamang. Kung may pag-aalinlangan, magpakonsulta agad sa isang healthcare professional.

Paano Basahin ang HIV Test Results

Karaniwang nalalamang ang HIV test result sa pamamagitan ng confirmatory test sa mga testing facility. Ngunit ito ay para sa mga gusto ng direktang HIV diagnosis mula sa mga expert sa health department. Samantalang, ang paggamit ng home test kits o self-test for HIV, kinakailangan dito ng malinaw na pag-intindi sa resulta.

Kung ito ang klase ng HIV test na iyong gamit, narito ang mga importanteng impormasyon na dapat mong malaman.

Sa paggamit ng self-test HIV kits, mayroon kang makikita na 2 letra, “C” at “T”. Kailangan bantayan ang mga linya sa tabi nito upang malaman ang iyong HIV status.

  • Positibo – Kapag may linya sa tabi ng “C” at “T”
  • Negatibo – Kapag may linya sa tabi ng “C”
  • Inconclusive – Kapag may linya sa “T”

Basahin ang kaugnay na artikulo: Interpreting Your HIV Test Results: What Your Results Mean

Mga Katanungan Tungkol sa Test Kit Para sa HIV

Saan makakabili ng HIV test kits sa Pilipinas?

Posibleng bumili ng HIV test kits o home test kit para sa HIV sa mga leading online platforms sa bansa kagaya ng Lazada at Shopee. Mayroon din nabibili sa mga botika at iba pang health organizations na online stores.

Bilang isinusulong ng WHO at DOH ang paggamit ng self-test kits, kinakailangan ng ibayong pag-iingat sa pagbili ng ganitong test. Siguraduhin na FDA-approved ang test kit at hindi expired upang masiguro ang tamang resulta.

Pwede bang magka HIV ang menor de edad at kailan dapat sila gumamit ng HIV test?

Ang HIV ay maaaring maipasa mula sa nanay hanggang sa kanilang sanggol. Kung kaya’t kahit menor de edad ay posible silang maging HIV positive. Ngunit hindi lang dyan posibleng maging HIV positive dahil kapag nakipagtalik sila ng walang proteksyon, posible rin sila makuha ng sakit kagaya ng HIV. At dahil dito, kinakailangan ng ibayong pag-iingat upang maiwasan na mahawaan at makahawa ng HIV sa ibang tao

Kung sakaling may banta ng HIV sa kanila ay posible silang gumamit ng HIV test kit para makita ang kanilang HIV status. Ngunit mas mabuti kung sila ay may gabay mula sa kanilang mga magulang o mula sa mga doktor.

Gaano kadalas dapat magpa-test?

Nirerekomenda ang patuloy na pagsasagawa ng test kada 3 hanggang 6 na buwan para sa mga high-risk individuals upang makita ang kanilang status. Ang mga taong ito ay ang mga:

  • sex workers
  • aktibo sa pakikipagtalik
  • maraming sexual partners
  • may mahinang resistensya

Kung ikaw ay nabibilang sa mga sumusunod, mas mabuting kumunsulta agad sa doktor upang malaman ang gamutan kagaya ng antiretroviral therapy at iba pa.

Piliin Ang Iyong Kalusugan, Magpa-HIV test na!

Ang test kit para sa HIV ay isang praktikal at mabilisang solusyon upang mapadali ang pagsusuri at mabawasan ang stigma sa HIV testing. Sa tulong nito, nagiging mas accessible at komportable ang pag-alam ng HIV status. Gayunpaman, mahalaga pa rin na malaman ang ibang mga test para sa HIV na available para sa masinsingang evaluation at HIV diagnosis.

Kahit anuman ang iyong piliin ay isa lamang ang mahalaga, ang maaga at epektibong pagkuha ng HIV status. Kung kinakailangan mo ng gabay sa tamang pagpili at pagsasagawa ng HIV test ay huwag mag atubiling kumunsulta sa doktor.

Mag-book ng appointment online sa NowServing upang magkaroon ng konsulta sa infectious disease na doktor.