Ang pagsailalim sa HIV screening tulad ng HIV test ay mahalaga upang mapangalagaan ang kalusugan, ngunit hindi lahat ay alam kung paano basahin ang resulta ng HIV test. Kinakailangan na magkaroon ng kaalaman tungkol dito upang magkaroon ng tamang desisyon tungkol sa iyong kalusugan at kinabukasan. Mapa positibo, negatibo, o inconclusive man na resulta ay kinakailangan maging tiyak sa kahulugan ng mga ito dahil magiging gabay ito sa susunod na hakbang para sa kalusugan.

Sa artikulong ito ay ating aalamin ang iba’t-ibang resulta at kung paano basahin ang resulta ng HIV test. Atin ding aalamin ang kaugnay na implikasyon nito at ang mga aksyon na dapat gawin tungkol dito.

Mga Karaniwang Tao na Dapat Magpa-HIV Test

pasyente ng HIV na dapat sumailalim sa HIV testing

May maraming dahilan kung bakit dapat mong isaalang-alang ang pagpapa-HIV test. Gayunpaman, may mga partikular na grupo ng mga indibidwal na itinuturing na high-risk sa HIV. Kung kaya’t mas kinakailangan nila na magpa-test para sa HIV:

  • mga taong aktibo sa pakikipagtalik, may maraming sexual partner, at hindi gumagamit ng proteksyon o condom
  • mga indibidwal na gumagamit ng injectable na droga o nanghihiram ng karayomng iba para sa droga
  • mga taong nakatanggap ng blood transfusion bago ang 1985
  • mga buntis na babae para maprotektahan ang ina at sanggol

Kung ikaw ay nabibilang sa mga high-risk na mga pasyente ng HIV ay mas mabuting kumunsulta sa doktor ng HIV para sa karagdagang gabay.

Saan Dapat Magpa HIV Test?

lokasyon ng HIV screening sa Pilipinas

Gaya ng nabanggit, may mga partikular na indibidwal na itinuturing na high priority para sa HIV screening. Ang mga indibidwal na ito ay maaaring bumisita sa mga testing facility para sa laboratory test. Gayunpaman, may opsyon din ng pribadong pagsusuri ng kanilang HIV status, na maaaring ibigay ng self-test kit.

Kadalasan, mas pinipili ng mga pasyente ang HIV self-test kit para sa pribadong pagsusuri kaysa sa laboratory test. Ang parehas na opsyon ng HIV screening na ito ay maaaring matagpuan sa mga sumusunod na lokasyon.

Para sa Laboratory Tests:

  • Mga Pribado at Pampublikong Ospital sa Manila, Quezon City, Makati, at iba pa
  • NGO Mobile Testing Facilities

Para sa Self-test Kits:

Mangyaring tandaan na kapag nagpatest para sa HIV sa pamamagitan ng self-testing o sa tulong ng doktor, mahalaga pa ring maunawaan ang kahulugan ng mga resulta ng test. Sa pamamagitan nito ay matutulungan kang magpatuloy sa mahalagang hakbang, ang pagsulong na makakuha ng HIV treatment at pag-iwas sa AIDS.

Paano Basahin Ang Resulta ng HIV Test Kits: Interpretation sa Resulta

paano basahin ang resulta ng hiv test - self-test kit

Ang HIV test ay nakaka detect ng mga antibodies, antigens, o ang human immunodeficiency virus mismo sa dugo at oral fluid. Ito ay mahalagang health tool lalo na sa komunidad upang mapigilan ang pagdami ng kaso nito. Kung kaya’t mas mabuting magkaroon ng kaalaman tungkol sa paggamit ng mga test kit at ang kanilang interpretasyon para masimulan ang HIV care at treatment.

Sa madaling salita, ang kaalaman sa kung paano basahin ang resulta ng HIV test ay napakahalaga dahil maaaring masimulan ang mga tamang hakbang tulad ng HIV treatment.

Negatibong Resulta ng HIV Test

Tandaan na maaaring malaman na ikaw ay negatibo sa HIV kapag may 1 linya sa tabi ng C sa self-test kit na gamit.

Kapag negatibo ang resulta ng HIV test, ito ay nagpapahiwatig na walang nakitang senyales ng virus sa iyong sample. Ito ay karaniwang nangangahulugan na hindi ka nahawaan ng HIV, ngunit may ilang mahahalagang salik na dapat isaalang-alang. Isa sa mga pinakamahalagang bagay ay ang window period, na siyang panahon sa pagitan ng posibleng exposure sa HIV at kung kailan maaaring matukoy ng test ang virus. Para sa karamihan ng mga HIV test, ang panahong ito ay mula dalawang linggo hanggang tatlong buwan.

Kung ikaw ay nakakuha ng negatibong result ngunit may exposure sa taong may HIV, dapat lamang na kumuha ulit ng test pagkatapos ng window period. Ang negatibong resulta ay maaaring magandang balita dahil posibleng wala kang HIV. Ngunit dapat pa rin mag-ingat upang patuloy na hindi mahawaan ng ibang tao ng virus na ito. Bukod dito, kinakailangan din sumailalim sa routine testing o HIV screening lalo na kung mayroon kang mataas na tsansang mahawaan ng ibang tao.

Positibong Resulta ng HIV Test

Isa pang posibleng maging resulta ng HIV test ay ang positibong resulta. Maaaring makita sa self-test kit ang dalawang linya na nagsasabing positibo ka sa HIV.

Ang ibig sabihin nito ay mayroon nakitang HIV antibodies, antigens, o ang virus mismo sa iyong sample, na nagmumungkahi ng HIV infection. Mahalagang tandaan na ang positibong resulta mula sa screening test ay dapat laging kumpirmahin sa pamamagitan ng follow-up lab test. Ito ay ang confirmatory test.

Tandaan na ang pagiging positibo sa HIV ay maaaring maging mahirap para sa iba, ngunit dapat lamang tandaan na ito ay senyales din upang simulan ang treatment. Kinakailangan ng antiretroviral therapy (ART) upang makontrol ang virus, maiwasan na mahawa ang ibang tao, at mapabuti ang kabuuang kalusugan. Bukod sa ART, kinakailangan din alalahanin ang kalusugan ng iyong sexual partner upang masiguro ang kanilang HIV status.

Hindi Tiyak na Resulta ng HIV Test

Ang pinakahuling resulta ay tinatawag na inconclusive HIV test result. Makikita sa self-test kit na walang linya sa tabi ng C at T ng HIV test na gamit. Ito ay nangyayari dahil maaaring sumailalim ang pasyente sa test sa loob ng window period. Dahil dito, hindi tiyak na nakikita ang positibo o negatibong resulta.

Maaari rin maging inconclusive kapag hindi sapat ang blood sample o oral fluid sample na ginamit sa test. 

Kung ikaw ay makakakuha ng inconclusive result sa self-test kit ay dapat lamang na kumuha ulit ng test para matiyak ang resulta. Maaaring humingi ng tulong sa health center para masiguro ang iyong HIV status. 

Papel ng Confirmatory Test sa HIV Testing

Ang confirmatory testing ay isang kinakailangang hakbang sa proseso ng HIV diagnosis. Tinitiyak nito na ang mga indibidwal ay nakakatanggap ng tamang treatment at nakakatulong na maiwasan ang maling diagnosis. Kapag nakakuha ng positibong resulta ay dapat simulan ang agarang treatment para sa HIV. 

Ang Kahalagahan ng Confirmatory Testing

Pagkatapos makatanggap ng paunang positibong resulta ng HIV test, mahalaga ang confirmatory testing. Ang hakbang na ito ay kinakailangan para patunayan ang diagnosis at alisin ang anumang pag-aalinlangan tungkol sa kawastuhan ng paunang test.

Mayroong iba’t ibang uri ng confirmatory test para sa pangalawang HIV screening. Ito ay ang Western Blot, Polymerase Chain Reaction (PCR) test, at Line Immunoassay (LIA)

Narito ang pagkakaiba ng mga nabanggit na tests:

  • Western blot test: Tinutukoy nito ang mga partikular na protina na nauugnay sa HIV, na nag-aalok ng high accuracy rate sa pag detect ng virus.
  • PCR test: Isang test na tumutukoy sa genetic material ng virus at partikular na kapaki-pakinabang para sa maagang pagtuklas bago pa man magkaroon ng mga antibody.
  • Line Immunoassay: Isang test na tumutukoy din ng mga antibody at isa sa karaniwang opsyon dahil sa tiyak at accurate na resulta nito.

Mga Kadalasang Katanungan

Ano ang dapat kong gawin kung positibo ang aking resulta ng HIV test?

Kung positibo ang iyong resulta ng HIV test, humanap ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng follow-up test sa healthcare provider. Kapag nakumpirma na, simulan ang antiretroviral therapy (ART) sa lalong madaling panahon. Maaari rin tanungin sa iyong doktor ang HIV counseling na pwedeng puntahan upang magabayan ka lalo sa aspeto ng mental health.

Gaano ka accurate ang mga resulta ng HIV kits?

Ang mga HIV test na self-test at laboratory test ay accurate, dahil kadalasan sila ito ay may 99% na accuracy rate kapag ginamit nang tama. Bukod dito, ang mga confirmatory test, tulad ng Western blot at PCR, ay nagbibigay ng mas mataas na accuracy. Dapat lamang tandaan na maaaring mag-iba ang resulta kapag hindi isinalang-alang ang window period at ang tamang paggamit sa test.

Ano ang window period sa HIV testing?

Tandaan na ang window period ay ang panahon sa pagitan ng pagkakalantad sa HIV at ang punto kung kailan maaaring maaasahang matukoy ng test ang virus. Ito ay nag-iiba ayon sa uri ng test na gamit. Halimbawa, ang antibody test ay may 3 hanggang 12 na linggo. Samantalang ang combination test naman ay may 2 hanggang 6 na linggo lamang. Ang Nucleic Acid Test (NAT) naman ay maaaring makakita ng HIV infection sa loob lamang ng 10 araw. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga ito ay masisiguro na tama at accurate ang resulta ng HIV test mo.

Ano ang dapat kong gawin kung negatibo ang aking resulta ng HIV test ngunit ako ay naghihinalang may kamakailang exposure sa virus?

Kung mayroon kang negatibong resulta ngunit naghihinalang may kamakailang pagkakalantad, isaalang-alang ang window period. Maaaring masyadong maaga para matukoy ng test ang virus. Mahalaga na kumuha ulit ng test at isaalang alang ang window period. Maaari rin lumapit sa mga testing facilities o kaya sa doktor para magabayan ka sa pagkuha ng sample at tamang paggamit ng test kit.

Anong brand ng HIV self-test kit dapat ang gamitin?

Maraming brand ng home test kits ang maaaring mabili. Ngunit dapat tandaan na mas dapat piliin ang mga test kit na FDA-approved upang masiguro na tama at accurate ang resulta nito. 

Halimbawa, ang Mylan HIV Self-test Kit ay isang FDA-approved test kit sa Pilipinas. Alamin ang ibang detalye dito.

Magkano ang self-test kit sa Pilipinas?

Kadalasang pumapatak ng Php 1000.00 hanggang Php 1500.00 ang mga HIV self-test kit sa Pilipinas.

Konklusyon

Ang pagkakaroon ng kaalaman sa kung paano basahin ang HIV test result ay kailangan para sa pamamahala ng iyong kalusugan. Dahil sa accurate na pagsusuri ng sarili, makakatulong ito sa pag-iwas sa pagkalat ng HIV. Kaya’t maging positibo, negatibo, o hindi tiyak, dapat maging handa sa anumang susunod na hakbang laban sa HIV.

Palakasin ang iyong sarili sa pamamagitan ng kaalaman at gumawa ng mga aktibong hakbang para protektahan ang iyong kalusugan. Magpa-test, unawain ang mga implikasyon ng iyong mga resulta, at kumonsulta sa mga healthcare provider para sa suporta.

Mag-book ng online consultation sa isang infectious disease doctor ngayon!