Ang pag-unawa sa presyo ng HIV test ay mahalaga para sa sinumang nais protektahan ang kanilang kalusugan, lalo na sa Pilipinas kung saan ang mga kaso ng HIV ay nakakabahala. Dapat tandaan na ang presyo ng HIV test ay malaki ang pagkakaiba depende sa uri ng pagsusuri at lokasyon. Alamin ang lahat ng mga importanteng impormasyon na ito sa artikulong ito upang malaman ang iba’t ibang opsyon sa pagsusuri.

Pangkalahatang-ideya ng HIV sa Pilipinas

pagsusuri sa hiv gamit ang HIV testing sa Pilipinas

Isa sa kinakaharap na malaking problema ng PIlipinas ang HIV. Nagsimula itong makaapekto sa kalusugan ng mga tao noong 1984 at hanggang ngayon na patuloy ang pag taas ng kaso sa piling populasyon. Kadalasang naitatala ang kaso ng HIV sa mga taong may sekswal na aktibidad sa parehong kasarian, mga hindi gumagamit ng proteksyon, at mga taong gumagamit ng injected drugs.  Ito ay nagdulot ng lumalalang pag-aalala tungkol sa epekto ng HIV sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan ng bansa at sa pangkalahatang kapakanan ng mga mamamayan.

Upang masolusyunan ang epidemya ng HIV sa Pilipinas ay mas pinaigting ang mga proyektong pangkalusugan para sa mga tao. Ilan sa mga ito ay pagpapataas ng access sa pagsusuri, paggamot, at mga serbisyo sa pag-iwas, pati na rin ang pagsusulong ng edukasyon at kamalayan tungkol sa virus. Sa kabila ng mga pagsisikap na ito, marami pang dapat gawin upang epektibong malabanan ang HIV sa bansa.

Kahalagahan ng Regular na Pagsusuri

Ang pagsailalim sa HIV test palagi ay kinakailangan upang malaman ang HIV status. Sa tulong ng maagang pagtuklas sa HIV status ay nagkakaroon ng kamalayan ang mga tao na humingi ng tulong habang maaga pa lamang. Dahil dito, malaki ang maitutulong nito sa pagudyok sa mga tao na piliin ang pagkonsulta sa doktor at maiwasan ang patuloy na paglaganap ng virus.

Mga Uri ng Available na HIV Test

pangkaraniwang klase ng HIV test

Antibody

Kalimitang ginagamit na HIV test ay ang antibody test. Ito ay ginagamit dahil nakikita nito ang antibodies o protein sa katawan. Ang protina na ito ay ginagawa ng katawan bilang tugon sa virus. Bukod dito ay madaling makakuha ng antibody test kumpara sa iba. Ito ay  abot-kaya at madaling gamitin kung kaya’t popular ito sa pinagpipilian ng mga indibidwal na naghahanap ng HIV screening. 

Antigen/Antibody

Samantala, ang mga antigen/antibody test ay mahalaga sa pagtukoy ng presensya ng virus pati na rin ang tugon ng immune system ng katawan dito. Ang test na ito ay malaki ang naitutulong dahil sa mataas na accuracy rate at pagiging maaasahan ng pagsuri ng impeksyon. Dagdag pa dito ang agarang pagsusuri at pagtukoy ng HIV infection sa mas maagang yugto kaysa sa antibody test lamang. Kung kaya’t isa ito sa mga epektibong HIV test sa bansa.

Nucleic Acid Test

Panghuli, ang Nucleic acid test (NAT) ay isang uri ng HIV test na lubhang sensitibo at tiyak, na kayang tukuyin ang genetic material ng HIV virus mismo. Dahil dito, mas tumpak ito kaysa sa antibody test, lalo na sa panahon ng window period kung kailan ang mga antibody ay maaaring hindi pa matukoy. Bagama’t ang NAT ay may mas mataas na presyo ng HIV test kumpara sa antibody test, nag-aalok ito ng maagang pagtuklas ng HIV, na mahalaga para sa napapanahong paggamot at pag-iwas sa pagkalat.

Mga Programa para sa HIV Testing

presyo ng HIV test sa ospital

Mga Ospital at Health Clinic na Nag-aalok ng HIV Testing

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng may HIV sa Pilipinas, isinusulong ng health department kabilang na ang mga ospital na maging bukas ang serbisyong HIV testing para sa lahat. Kabilang din dito ang confirmatory testing, na kinakailangan para sa pag kumpirma ng HIV status ng mga pasyente..

Ilan sa mga ospital sa PIlipinas ang maaaring puntahan para sa HIV  testing. Gayunpaman, kapag ang ganitong uri ng serbisyo ay kinuha, nangangahulugan itong dapat magbayad ang mga pasyente ng tiyak na halaga para sa HIV test.

Ang ilan sa mga kilalang ospital sa Pilipinas ay nag-aalok ng serbisyong ito sa sumusunod na presyo ng HIV test:

  • St Luke’s Medical Center Global City (estimated na presyo – Php 3,176)
  • St Luke’s Medical Center Quezon City (estimated na presyo – Php 3,176)
  • The Medical City (estimated na presyo – Php 1,595)

Samantala, ang ibang health clinic ay nag-aalok din ng access sa HIV test kit sa itinalagang presyo ng HIV test:

  • Hi-Precision Diagnostics (estimated na presyo – Php 650)

Tandaan na ang mga ito ay pawang estimation lamang ng presyo ng HIV test. Maaari itong bumaba o tumaas depende sa ibang mga kadahilanan tulad ng kung ang pasyente ay senior citizen, atbp.

Libreng HIV Testing na Inaalok ng mga Non-Profit na Organisasyon

Sa Pilipinas, may ilang organisasyon na nakatuon sa pagsuporta sa mga indibidwal na nabubuhay na may HIV at paglaban sa stigma na nauugnay sa sakit. Ang mga organisasyong ito ay kadalasang nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo, kabilang ang libreng HIV testing, counseling, edukasyon, at advocacy.

Narito ang ilang kilalang organisasyon:

  • The LoveYourself Inc.
  • AwraSafely
  • Positive Action Foundation Philippines Inc. (PAFPI)
  • Pinoy Plus Association
  • Project Red Ribbon
  • TLY Foundation

Ang mga organisasyong ito ay may mahalagang papel sa pagsusulong ng impormasyon tungkol sa HIV, pagbibigay ng mahahalagang serbisyo, at pagbibigay ng suporta sa komunidad para sa mga indibidwal na apektado ng HIV/AIDS sa Pilipinas. Bukod dito, mahalaga rin ang kanilang papel sa pangkalahatang kalusugan dahil ang ilan sa kanila ay nakikipagtulungan sa Department of Health upang mag-alok ng libreng pagsusuri sa mga Pilipino.

Kung kaya’t maging pribado man o pampublikong health center ang lapitan ay tiyak na maaagapan ang epekto ng HIV sa kanilang kalusugan. At sa pamamagitan ng pagkakaroon ng access sa HIV test, tiyak na makakamit ang layuning ito.

Paano Pumili ng HIV Test

Sa pagpili ng HIV test, dapat muna alamin ang mga available na klase ng HIV test upang matuloy ang nararapat para sa iyo. Maraming aspeto ang dapat tingnan upang matukoy ang tamang HIV test at kabilang na dito ang paraan ng paggamit at kasalukuyang availability nito.

Ating alamin ang lahat ng ito!

Pagiging Cost-effective ng Iba’t ibang Test

Ang isa sa tinitingnan na aspeto ay ang presyo ng HIV test. Gayunpaman, ang presyo ay maaaring maging segundaryo lamang sa kakayahan ng test na magbigay ng maaga at tumpak na resulta. Sa ganitong kaso, mas mahalaga ang pag-alam sa cost-effectiveness ng test kaysa sa presyo ng HIV test.

Mga Lokasyon para sa Abot-kayang Pagsusuri

Sa kabilang banda, ang pagpili ng angkop na test kit sa pamamagitan ng pag-alam sa kanilang mga lokasyon ay maaari ring maging mahalagang salik. Gaya ng nabanggit, may dalawang opsyon para magpasuri: sa mga pasilidad medikal tulad ng mga ospital o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang HIV non-profit na organisasyon. 

Tandaan na may mga aspeto katulad ng kakayahang magbayad ang maaaring makaapekto dito. Isang halimbawa ay ang posibilidad na piliin ng mga tao ang libreng HIV test dahil sa kanilang kakulangan sa pinansyal. Gayundin naman ang pagpili sa free testing sa pampublikong ospital kaysa sa pribadong ospital. Kung kaya’t makabubuti kung alamin muna ang lahat ng opsyon para maaksyunan ang HIV.

Mga Madalas na Katanungan

Gaano kadalas dapat magpa-test para sa HIV?

Para sa karamihan ng mga indibidwal, inirerekomenda ang taunang pagsusuri. Gayunpaman, para sa mga may mas mataas na panganib, maaaring kailanganin ang mas madalas na pagsusuri. Ilan sa mga taong dapat sumailalim sa madalas na test ay ang mga may family history ng HIV, immunocompromised na mga tao, aktibo sa sekswal na paraan, at iba pa. Kumunsulta agad sa doktor upang malaman ang tamang schedule para iyong kalusugan.

Maaari ba akong magpa-HIV test nang libre sa Pilipinas?

Oo, maraming health center na pinapatakbo ng gobyerno at NGO ang nag-aalok ng libreng HIV testing bilang bahagi ng kanilang mga pagsisikap na isulong ang kalusugan ng publiko. Nagbibigay sila ng libreng access at pribadong pag-alam sa iyong HIV status. Kung kaya’t maganda itong opsyon para sa mga nangangailangan na malaman ang kanilang status o kaya naman ay para sa mga high-risk na indibidwal. 

May iba’t ibang presyo ba depende sa uri ng HIV test?

Oo, ang iba’t ibang HIV test ay may iba’t ibang presyo. Ang rapid test ay karaniwang mas abot-kaya kumpara sa nucleic acid test. Halimbawa, ang San Lazaro hospital na may kaugnayan sa DOH ay may tinatayang presyo ng HIV test na Php 5,000 para sa NAT viral load test. Samantalang may iba na nagbibigay ng libreng access sa rapid test kagaya ng antibody test. 

Ligtas ba ang paggamit ng home test kit para sa HIV screening?

Ang mga home HIV test kit ay ligtas at aprubadong paraan ng pagsusuri para sa HIV kung gagamitin ayon sa tagubilin. Gayunpaman, inirerekomenda ang pagpapafollow-up ng pagsusuri sa isang klinika kung ang mga resulta ay positibo. Sa pamamgitan ng pagkumpirma sa klinika, matutulungan malaman ang natatanging resulta dahil sa mas progresibo nitong paraan.

Magkano ang presyo ng HIV self-testing kit sa Pilipinas?

May iba’t-ibang  presyo ng HIV self-testing kit sa Pilipinas dahil depende ito sa brand at uri ng kit. Karaniwan na presyo ng HIV  test ay umaabot mula 200 hanggang 1,000 pesos. Mayroon din na posibleng nagbebenta ng mas mababa dito. Ngunit kailangan tandaan na sa accredited stores lamang dapat bumili. Sa pamamagitan nito, ay makatitiyak na accurate ang resula ng HIV test.

Konklusyon

Ang pag-alala sa presyo at function ng HIV testing ay susi sa pag-alam ng naaangkop na opsyon sa HIV test. Itong mga aspetong ito ay napakahalaga, lalo na kung ang presyo ng HIV test ay mas mataas o mababa kesa sa iba. Mas mabuting alamin ang lahat ng opsyon bago pumili ng nararapat na test kit.

Ang HIV ay isang sakit na nangangailangan ng agarang proaktibong hakbang upang mapanatili ang kalusugan ng isang tao. Magagawa lamang ito sa pamamagitan ng pagkilala sa kalusugan ng isang tao, sa pamamagitan ng HIV test. Alamin pa ang tungkol sa iba’t ibang HIV test na available sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-book ng online consultation sa doktor ng infectious disease!