Mahalagang bahagi ng pag-aalaga sa sarili ang paghasa sa kaalaman lalo na kung may potential na komplikasyon. Isa sa mga sumubok sa atin ay ang Mpox na nagkaroon na ng 18 na kaso. Kaya naman kinakailangan ang matinding paghahanda katulad ng kaalaman sa paggamot sa Mpox. Sa tulong nito ay posible ang pagpuksa sa Mpox virus at maprotektahan ang buong komunidad.
Maraming paraan ang kinakailangan upang mapaghandaan ang posibleng pag-taas ulit ng kaso ng Mpox sa Pilipinas. Tunghayan ang mga epektibong lunas sa Mpox kagaya ng modernong antiviral treatment hanggang sa mga simpleng hakbang sa pangangalaga ng kalusugan.
Ano ang Mpox at Bakit Mahalaga ang Tamang Paggamot?
Ang Mpox ay isang viral disease na dulot ng monkeypox virus, na kabilang sa parehong pamilya ng smallpox virus. Karaniwang mga sintomas nito ay:
- Lagnat at panlalamig ng katawan
- Pagkapagod at pananakit ng likod at iba pang parte ng katawan
- Pamamaga ng lymph nodes at pananakit ng lalamunan
- Rashes o pantal na maaaring maging paltos
Bagamat kadalasang gumagaling ang mga pasyente ng kusa, maaaring magdulot ng komplikasyon ang Mpox sa mga immunocompromised na tao o may kasalukuyang iniindang sakit. Kaya’t mahalaga ang maagang diagnosis at tamang paggamot upang maiwasan ang malubhang epekto nito.
Basahin ang kaugnay na artikulo tungkol sa Monkeypox - Ano Ang Monkeypox: Pangunahing Impormasyon Para sa Mga Pilipino
Mga Epektibong Solusyon sa Paggamot sa Mpox
Antiviral Treatments
Ang paggamit ng mga antiviral na gamot ay pangunahing paraan sa paggamot sa Mpox, lalo na sa mga malalang kaso. Narito ang ilan sa mga karaniwang ginagamit:
1. Tecovirimat (TPOXX):
- Isa sa mga pinaka-epektibong gamot laban sa orthopoxviruses tulad ng monkeypox virus. Madalas itong inirereseta sa mga may malubhang sintomas.
2. Cidofovir:
- Isang antiviral drug na ginagamit para sa mga pasyenteng may severe cases ng Mpox, bagama’t ito ay nangangailangan ng masusing monitoring dahil sa posibleng side effects sa kidneys.
3. Vaccinia Immune Globulin Intravenous (VIGIV):
- Inirerekomenda para sa mga pasyente na hindi maaaring makatanggap ng iba pang paggamot.
Paggamit ng Bakuna Bilang Preventive Treatment
Ang bakuna laban sa smallpox ay napatunayan ding epektibo sa pagpigil ng Mpox. Ang JYNNEOS (Imvamune/Imvanex), isang bakunang naaprubahan sa ilang bansa, ay nag-aalok ng proteksyon laban sa panganib ng smallpox at Mpox.
Napakahalaga ng pagbabakuna upang labanan ang mga viral na sakit, ngunit wala pa nito sa Pilipinas. Ayon sa nakaraang balita, sinisikap ng Department of Health (DOH) na makakuha ng ganitong uri ng bakuna ngunit mas kinakailangan pa ito ng ibang mga bansa kagaya ng Africa.
Symptomatic Management
Sa karamihan ng mga kaso, ang paggamot ay nakasentro sa pagpapagaan ng sintomas. Kasama dito ang:
- Hydration: Panatilihin ang sapat na dami ng tubig sa katawan upang maiwasan ang dehydration.
- Pain relievers: Para sa lagnat at pananakit ng katawan, maaaring uminom ng acetaminophen o ibuprofen.
- Topical creams: Upang maibsan ang pangangati at discomfort sa balat.
Home Care at Quarantine Measures
Kung mild ang kaso ng Mpox, maaaring gamutin ito sa bahay. Narito ang mga dapat tandaan ng lahat:
- Regular na paglilinis ng mga sugat o pantal.
- Pagsusuot ng protective clothing upang maiwasan ang pagkahawa sa ibang miyembro ng pamilya.
- Mahalagang manatili sa isang hiwalay na kwarto o naka isolate upang hindi makahawa ang ibang miyembro ng pamilya.
Pagpapalakas ng Immune System
Ang isang malusog na immune system ay mahalaga upang mapabilis ang paggaling mula sa Mpox. Ang mga sumusunod ay makakatulong:
- Balanced diet na mataas sa prutas, gulay, at protina.
- Sapat na pahinga at ehersisyo.
- Pag-iwas sa stress na maaaring magpahina ng immune response.
Paano Maiiwasan ang Mpox?
Bukod sa mga nabanggit ay may mga kanya-kanya rin tayong tungkulin na dapat gampanan. Bawat isa sa atin ay may pwedeng gawin upang mapuksa ang panganib na dala ng Mpox. Ating alamin ang mga ito:
Pagpapalaganap ng Wastong Kaalaman
Isa sa mahalagang parte ng laban para sa kalusugan ay ang pagsisikap ng mga health departments upan bigyang kaalaman ang lahat ng tao. Mahalaga ang tamang impormasyon upang mapigilan ang pagkalat ng Mpox. Ang simpleng edukasyon tungkol sa paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask, at tamang pag-iwas sa mga kontaminadong hayop o tao ay malaking tulong.
Regular na Pagpapatingin
Posible rin na makatulong ang pagkakaroon ng kamalayan kung kailan dapat humingi ng tulong sa iyong doktor. Kung ikaw ay may sintomas ng Mpox o na-expose sa sinumang positibo sa Mpox, huwag mag-atubiling kumunsulta sa isang doktor. Ang maagang diagnosis ay susi upang maagapan ang sakit.
Pagsunod sa Pamantayan ng Kalinisan
Ang personal na kalinisan ay pangunahing proteksyon laban sa Mpox:
- Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
- Gumamit ng alkohol o sanitizer kung walang tubig.
- Linisin ang mga gamit at paligid upang maiwasan ang kontaminasyon.
Mga Karaniwang Tanong Tungkol sa Paggamot sa Mpox
Ligtas ba ang Bakuna Laban sa Mpox?
Oo, ang hakbang sa paggamot sa Mpox kagaya ng bakuna ay ligtas gamitin. Ito ay dumaan sa mabusising proseso at kwalipikado ito sa FDA ng Pilipinas. Kaya naman hindi dapat mag-alala sa paggamit ng JYNNEOS vaccine.
Ngunit paalala lamang na kadalasan sa bakuna ay may kaakibat na side effects. Hindi naman ito nakakaapekto dahil hindi malala ang mga side effects na dala ng mga bakuna.
Pwede Bang Gamutin ang Mpox sa Bahay?
Maaaring gamutin ang Mpox sa bahay lalo na kung ang kaso ng Mpox na naitala ay hindi masyadong nakakaapekto sa buhay ng pasyente. Kinakailangan lamang gampanan ang mga home care protocols upang hindi lumala ang sintomas ng Mpox.
Kung kinakailangan naman ng gabay ng doktor ay maaari naman din kumonsulta online gamit ang mga telehealth applications. Ang NowServing app ang isa sa mga teknolohiya na pwedeng gamitin tuwing nasa isolation period ang pasyente para hindi makahawa sa maraming tao.
Konklusyon
Sapat na kaalaman lamang ang kailangan para magampanan ang paggamot sa Mpox. Kaya naman mas mabuting magkaroon ng kamalayan sa mga epektibong solusyon kagaya ng antiviral treatments, symptomatic management, at ba pang lunas sa Mpox.
Tandaan na sa wastong kaalaman at aksyon, mapipigilan natin ang pagkalat ng Mpox. Kaya’t mag-ingat, magpakonsulta, at magpabakuna. Kumunsulta sa infectious disease doctor sa NowServing app!