Dapat bang ikabahala ang malubhang sintomas ng Mpox? Isa ito sa mga kadalasang tanong ng lahat simula ng kumalat ang Mpox mula sa Africa hanggang sa iba’t ibang mga lugar sa mundo. Dahil sa limitadong kaalaman ng bansa tungkol dito ay nakakabahala ang posibilidad na magkaroon ng malalang kaso nito.
Mabuti na lamang at mas nagkaroon ng karagdagang kaalaman ang Department of Health ng Pilipinas na nakatulong sa pagharap sa sakit na ito. Ayon sa mga nakaraang kaso, ang mga pasyente ay nahawa dahil sa posibleng exposure sa mga taong may Mpox. Bukod pa dito ay naitala rin ang paglaganap ng hindi gaanong masama na uri ng Mpox, ang clade I. Ngunit kahit ganito ay may mga epekto pa rin sa kalusugan ang mga sintomas na dala ng clade I.
Ating talakayin sa artikulong ito ang mga malubhang sintomas ng Mpox upang mapaghandaan at maprotektahan ang kalusugan ng lahat.
Kilalanin Ang Monkeypox
Kagaya ng nabanggit, ang Monkeypox o kilala sa Mpox, ay isang malubhang sakit na nagmula sa Central and West Africa. Ang madalas na naapektuhan nito ay ang mga tao na may mahinang resistensya. Ayon sa mga nakalap na impormasyon ay posibleng sa nakararami ang maging positibo sa Mpox lalo na kung mas madalas ang exposure nila sa may sakit.
Habang ang karamihan ng kaso ay madaling gumaling, may mga pagkakataon na ang mga sintomas ay nagiging malubha at nangangailangan ng agarang atensyon. Ito ang aspeto ng Mpox na nakakabahala dahil posible nitong maapektuhan ang pangkalahatang kalusugan ng pasyente.
Karaniwang Mga Sintomas ng Mpox
Lubhang mapanganib ang Mpox, lalo na kung pinabayaang lumala ang mga sintomas nito. Upang maiwasan ito ay mas mabuting maging mapagmasid sa mga karaniwang sintomas na dala ng Mpox. Madali lamang makita ang mga senyales na ito dahil halos pareho lamang ang sintomas nito sa flu.
Ating alamin ang mga ito:
- Lagnat
- Pananakit ng lalamunan
- Pamamaga ng lymph nodes
- Sakit ng ulo
- Pananakit ng katawan
- Pagkapagod
Bagama’t halos pareho ito sa sintomas ng flu, may natatanging sintomas ng Mpox ang dapat tandaan, ang mga rashes o paltos ng Mpox. Nagsisimula ang mga ito bilang makating flat spots at nagiging paltos na may likido. Dapat tandaan na iwasan ang pagkamot sa mga paltos na ito dahil posibleng maging mga sugat at lalo pang kumalat sa anumang bahagi ng katawan.
Mga Malubhang Sintomas ng Mpox
Mahalaga na maging bukas ang isipan sa mga malubhang posibilidad na dala ng mga sintomas ng Mpox. Kagaya ng nabanggit, ang mga karaniwang sintomas ay maaari pa rin makaapekto sa kalusugan at posibleng maging sanhi ng malubhang sintomas ng Mpox.
Narito ang ilan sa mga palatandaan na maaaring indikasyon ng malubhang sintomas ng Mpox:
Matinding Pananakit ng Balat o Sores
Isa sa binabantayan na malubhang sintomas ng Mpox ay ang mga impeksyon sa balat na dala ng sugat ng Mpox. Ang mga paltos sa katawan ay posibleng magkaroon ng nana dahil sa maling pangangalaga nito. Kaya naman posibleng makaranas ng matinding pananakit ng balat.
Bantayan ang mga sumusunod na senyales at tumawag agad ng doktor upang mapangalagaan ang iyong kalusugan:
- Malalim at masakit
- Nagnanaknak o may nana
Hirap sa Paghinga
Bukod sa pisikal na epekto ng Mpox ay maaari rin maapektuhan ang respiratory system. May mga kaso sa ibang bansa na may mga bata at matandang pasyente ang nakaranas ng hingal, malalang ubo at iba pa. Ayon sa mga expert at may koneksyon ang Mpox at pneumonia, kaya naman mag pinag-iingat ang lahat.
Ang mga malubhang sintomas na dapat bantayan ay ang mga sumusunod:
- Hirap huminga
- Paninikip ng dibdib
- Malalang ubo na hindi nawawala
Matinding Pananakit ng Ulo at Pagkalito
Maaari rin makaranas ng matinding pananakit ng ulo at pagkalito ang mga positibo sa Mpox. Ang panganib na Ito ay dapat bantayan dahil isa itong senyales ng posibleng impeksyon na umabot na sa central nervous system. Kaya naman nararapat lamang na maging progresibo sa pangangalagang pangkalusugan upang maiwasan ang mga panganib na gaya nito.
Tingnan ang mga sumusunod na sintomas:
- Matinding pananakit ng ulo
- Pagkalito o kawalan ng konsentrasyon
- Panlalamig o labis na pagpapawis
Pagkawala ng Malay o Seizures
Kagaya ng nabanggit ay posible rin na senyales ng impeksyon sa central nervous system ang pagkawala ng malay o seizures. Patnubay at agarang medikal na atensyon ang kinakailangan ng mga matatanda at batang pasyente na nakakaranas ng mga malubhang sintomas na ito.
Dehydration
Kadalasan sa mga pasyente ng Mpox ay ang pagwawalang bahala sa importansya ng pag-inom ng tubig pag may sakit. Sa paghina ng resistensya, napakahalaga rin na iwasan ang maging dehydrated dahil mas maaapektuhan nito ang kalusugan. Siguraduhing magkaroon ng patnubay sa doktor upang maagapan ang dehydration at maiwasan ang mga komplikasyon.
Ano ang Dapat Gawin Kapag Nakakakita ng Malubhang Sintomas?
1. Agad na Kumonsulta sa Doktor
Ang mga malubhang sintomas ay nangangailangan ng professional na atensyon. Tumawag agad sa healthcare provider o magpunta sa pinakamalapit na ospital.
2. I-isolate ang Pasyente
Isolation o pag quarantine sa bahay ang isa sa health protocols na pinapatupad ng World Health Organization sa lahat ng bansang apektado ng Mpox. Kinakailangan ito upang makontrol ang pagdami ng kaso ng Mpox.
Para maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga miyembro ng pamilya ay maaaring gawin ang mga sumusunod:
- Panatilihin ang pasyente sa hiwalay na silid.
- Gumamit ng sariling kagamitan tulad ng plato, kutsara, at baso.
- Siguraduhing naka-mask ang pasyente at mga nag-aalaga.
3. Panatilihing Malinis ang Kapaligiran
Isa sa dapat alamin ay kung paano makakatulong sa pagpigil ng pagdami ng kaso ng Mpox sa inyong lugar. Ang isa sa epektibong hakbang ay ang pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran sa tulong ng pag-disinfect ng bawat parte ng bahay.
Iwasan ang pagdami ng mikrobyo sa bahay habang naka isolate sa tulong ng mga sumusunod:
- Linisin ang mga ibabaw gamit ang disinfectant.
- Hugasan nang mabuti ang kamay gamit ang sabon at tubig.
- Siguraduhing maayos ang bentilasyon sa silid ng pasyente.
4. Bigyan ng Tamang Nutrisyon at Hydration
Ang pagkakaroon ng sapat na nutrisyon at tubig ay mahalaga upang mapalakas ang immune system ng pasyente. Mayroon tayong tinatawag na glow foods na tumutulong sa pagprotekta ng katawan laban sa mga sakit. Sa tulong ng mga ganitong klaseng pagkain, maaaring tumibay ang immune system.
Makabubuti ang pagkain ng:
- Prutas at gulay na mayaman sa bitamina C
- Protein-rich food tulad ng isda at manok
- Tubig o electrolyte-rich drinks upang maiwasan ang dehydration
Basahin ang kaugnay na artikulo upang malaman ang mga pagkain na dapat kainin para sa tamang nutrisyon.
Karagdagang Hakbang sa Pag-iwas sa Komplikasyon
- Maagang pagtukoy
- Regular na pagsunod sa gamot
- Pagsunod sa tamang hygiene
- Pagpapalakas ng immune system
- Pag-iwas sa malapitang kontak
Frequently Asked Questions
Paano malalaman kung ang rashes ay mula sa Mpox?
Ang rashes mula sa Mpox ay karaniwang nagsisimula bilang flat spots na nagiging paltos na may likido. Kung may ganitong sintomas, kumonsulta agad sa doktor.
Nakakahawa ba ang Mpox kahit mild ang sintomas?
Oo, ang Mpox ay nakakahawa kahit mild ang sintomas. Ang virus ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng direktang kontak, respiratory droplets, o kontaminadong bagay.
Ilang araw bago gumaling ang Mpox?
Ang karaniwang tagal ng sintomas ng Mpox ay 2-4 linggo. Gayunpaman, maaaring mas matagal ang paggaling kung malubha ang kaso.
Alamin ang Malubhang Sintomas ng Mpox Para Maging Handa
Ang pagtukoy sa malubhang sintomas ng Mpox at agarang aksyon ay mahalaga upang maprotektahan ang pasyente at ang komunidad. Huwag ipagwalang-bahala ang mga palatandaan ng komplikasyon. Sa wastong kaalaman at tamang pangangalaga, maiiwasan ang paglala ng sakit.
Para sa karagdagang impormasyon, kumunsulta sa infectious disease doctor!