Ang hypertensive urgency at hypertensive crisis ay dalawang kritikal na sitwasyon para sa mga pasyenteng may mataas na presyon ng dugo. Kapag ang isang pasyente ay nasa ganitong kalagayan, may biglaang pagtaas sa kanilang presyon ng dugo na maaaring mapanganib sa kanilang kalusugan. Kaya’t napakahalaga na malaman ang tamang hakbang para sa first aid sa high blood.

Hindi lihim na ang alta presyon o hypertension ay isa sa lubhang nakamamatay na sakit na kailangan tutukan. Sa pamamagitan ng pagkakaintindi sa first aid sa mataas na presyon ng dugo, ang mga pasyente at kanilang mga kapamilya ay maaaring maging mas panatag, kahit pa sa mga kritikal na sandaling ito. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang paraan para bumaba ang presyon ng dugo, at kung ano ang mga mahalagang hakbang na dapat gawin. Simulan na natin!

Pag-unawa sa Mataas na Presyon ng Dugo

kaalaman tungkol sa hypertensive urgency at hypertensive crisis

Ang presyon ng dugo ay sukat ng puwersa ng dugo laban sa mga dingding ng mga ugat. Ito ay naitatatala sa dalawang numero: ang systolic blood pressure at ang diastolic blood pressure. Ang mga sukat na ito ang magsasabi kung ang pasyente ay nasa normal na antas o nanganganib na.

Kadalasan, ang normal na sukat ay nasa 110/70 o mas mababa sa 120/80. Kapag ang presyon ng dugo ay higit sa 130/80 mm Hg, ito ay itinuturing na mataas at maaaring magpahiwatig ng alta presyon o mataas na presyon ng dugo. Kapag ito ay nangyari, mahalagang isagawa ang first aid sa mataas na presyon ng dugo upang mapababa ito sa normal na numero.

Tandaan na ang mataas na presyon ng dugo ay maaaring magdulot ng pagod sa puso at mga ugat. Maaari nitong taasan ang panganib ng atake sa puso, heart failure, stroke, at iba pang malubhang kondisyon sa kalusugan. Kung kaya’t mahalaga na maging alerto upang maiwasan ang panganib na ito at mapanatili ang normal na presyon ng dugo.

Ano ang Mga Sanhi ng Mataas na Presyon ng Dugo?

Maraming bagay ang maaaring magdulot ng pagtaas ng presyon ng dugo. Kasama rito ang mga pang araw-araw na pagkain, paraan ng pamumuhay, at maging ang mga salik sa kapaligiran. Subalit kahit maraming salik ang pwedeng maging sanhi ng mataas na presyon ng dugo, kadalasan itong hindi pinapansin ng mga tao. At dahil dito, posibleng magkaroon ng banta sa kalusugan dahil sa epekto ng mga nabanggit sa presyon ng dugo.

Ilan lamang ang mga iyon sa posibleng maging sanhi ng mataas na presyon ng dugo. Ating kilalanin kung bakit nga ba sila nagiging banta sa kalusugan ng mga tao.

Pagkain at Nutrisyon

Kagaya ng nabanggit, posibleng makaapekto sa presyon ng dugo ang mga pagkain na kinakain sa araw-araw. Ang labis na pagkonsumo ng asin ay maaaring magpanatili ng tubig sa katawan, na nagpapataas sa dami ng dugo at nagdudulot ng karagdagang presyon sa mga ugat.

Pamumuhay

Bukod sa pagkain, posible rin na magdulot ng pagtaas ng presyon ng dugo ang pagkakaroon ng sedentary lifestyle. Kadalasan itong humahantong sa pagtaas ng timbang na nagiging sanhi ng karagdagang bigat sa puso.

Mga Kapaligiran

Samantala, maaari rin na magdulot ng hypertension ang iba pang salik tulad ng matinding init at pagod ng katawan. Ang matinding init ay nagiging dahilan upang mas magtrabaho nang husto ang katawan para mapalamig ito. Bukod dito ay bumibilis ang tibok ng puso na maaaring magresulta sa hypertensive urgency o hypertensive crisis.

Ngunit, dapat, tandaan na ang mga salik sa kapaligiran tulad ng panahon ay hindi direktang nagdudulot ng alta presyon. Ito ay kumikilos lamang bilang isang nagpapabigat na kadahilanan.

Iba Pang Rason sa Hypertension 

Maramimg sitwasyon ang posibleng maging sanhi ng alta presyon sa mga matatanda at bata. Isa sa mga ito ang family history ng pasyente. Mataas ang posibilidad na magkaroon ng sakit na ito kapag marami sa iyong pamilya ang mayroon nito. Bukod dito, ang mga kasalukuyang kondisyong medikal ay maaari ring humantong sa pagkakaroon nito.

Halimbawa, kapag may sakit sa bato ang isang tao, hindi maayos na gumagana ang kanilang mga bato. Dahil naaapektuhan ang paglabas ng tubig sa katawan, maaaring tumaas ang presyon ng dugo. Sa madaling salita, maaaring magkaroon ng high blood pressure kapag mayroong sakit sa bato.

Kasabay nito, ang sakit sa puso ay maaari ring maging sanhi ng alta presyon. Kung may mga baradong ugat, maaari itong magresulta sa mas malakas na pagtibok ng puso upang dumaloy ang dugo. Sa gayon, tumataas ang normal na presyon ng dugo.

Bagama’t hindi lahat ay maaaring makaranas ng mga nabanggit na sanhi, dapat tandaan na ang mga ito ay dapat tandaang mabuti. Sa pamamagitan ng kaalaman na ito, matutulungan ang mga tao na tingnan at bantayan ang posibleng banta ng hypertension sa kalusugan. Kung sakaling labis na tumaas ang presyon ng dugo, dapat tandaan na posibleng masolusyunan ito gamit ang first aid sa mataas na presyon ng dugo.

First Aid sa High Blood

procedure sa hypertension o high blood

Gaya ng nabanggit, ang first aid sa mataas na presyon ng dugo ay mahalaga upang labanan ang alta presyon, lalo na kapag may biglaang pagtaas nito. Kung kaya’t dapat bantayan ang anumang senyales ng panganib at masimulan ang gamutan.

Narito ang mga epektibong hakbang na nabibilang sa first aid para sa hypertension:

Umupo o Humiga at Huminga nang Mahinahon

Kung sakaling makaranas ng biglaang pagtaas ng presyon, dapat tandaan na mahalaga ang umupo o humiga sa kumportableng posisyon. Ang malalim at mahinang paghinga ay makakatulong na mapanatag ang katawan at mapababa ang tibok ng puso at presyon ng dugo.

Luwagan ang Suot na Damit

Isa rin sa dapat na gawin ay ang pagpapaluwag ng damit na suot ng mga nakakaranas ng alta presyon. Ang pagtatanggal ng ilang butones sa damit ay makakatulong sa maayos na daloy ng dugo sa katawan.

Uminom ng Gamot Pankontra sa Alta Presyon

Kung sakaling ikaw ay dati pang na diagnose na may high blood pressure ay huwag kakalimutan ang pag-inom ng gamot. Ang mga gamot na ito ay mahalagang inumin upang makatulong sa biglaang pagtaas ng presyon. Gayunpaman, kung hindi pa na-diagnose, mabuting magtungo sa sa emergency room upang maiwasan ang malalang epekto ng hypertension..

Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor

Magpatingin kaagad sa doktor kung may mga sumusunod na sintomas:

  • Pagkahilo at panghihina
  • Matinding pananakit ng ulo
  • Pagduduwal
  • Malamig na pawis
  • Problema sa paningin
  • Hirap sa paghinga

Ang mga sintomas na ito ay senyales ng hypertensive emergencies. Kung sakaling magpatuloy ang mga nabanggit na sintomas, dapat lamang na magpunta agad sa doktor upang maiwasan ang posibleng komplikasyon na dulot ng mga ito.

Pagbisita sa Emergency Room para sa Hypertensive Urgency at Hypertensive Crisis

Sa pagbisita sa emergency room, mahalagang ipaliwanag sa doktor ang lahat ng nangyari. Kasama rito ang pagbanggit kung kailan nagsimula ang atake, ang mga sintomas, gaano katagal ito naranasan, ang mga first aid na ginawa, at iba pang mahahalagang pangyayaring naganap. Kasabay nito, mahalaga ring ibahagi sa doktor ang kasalukuyang mga gamot, lalo na kung ang mga ito ay pang-maintenance. Sa ganitong paraan, mas maiintindihan ng doktor ang buong sitwasyon at ang posibleng susunod na plano.

test para sa hypertension diagnosis

Tandaan na may mga karagdagang pagsusuri ang isasagawa, lalo na kung nais ng doktor na suriin ang kasalukuyang kalagayan ng pasyente. Kabilang sa mga pagsusuring ito ang:

  • CBC o blood chem test
  • Urinalysis
  • Electrocardiogram o ECG

Ang mga pagsusuring ito ay makakatulong na malaman ang antas ng kolesterol, sodium, at iba pa. Kung ang mga resulta ay nagpapakita ng abnormal na dami, gagawa ang doktor ng plano ng paggamot upang matugunan ang kondisyon at mapababa ang presyon ng dugo. Karaniwan, pagkatapos ng ilang oras, maaari nang umuwi ang pasyente para magpahinga at inumin ang mga iniresetang gamot.

Pag-monitor ng Presyon ng Dugo sa Bahay

Pagkatapos ng check-up, mahalagang patuloy na subaybayan ang kondisyon kahit nasa bahay na. Sa ganitong paraan, makikita ng pasyente ang mga biglaang pagbabago at malalaman kung ito ay maaaring magdulot ng panganib sa kanilang kalusugan.

Para ma-monitor ang presyon ng dugo sa bahay, mahalagang mag-invest sa isang maaasahang blood pressure monitor. May iba’t ibang uri na available, kabilang ang manual at digital na monitor.

Tandaan na ang consistency ang susi sa tamang pag-momonitor ng presyon ng dugo sa bahay. Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng regular na iskedyul at pagtatala ng mga resulta, maaaring makita ang pagtaas at pagbaba ng presyon hanggang sa maging normal blood pressure ito.

Mga Kadalasang Katanungan Tungkol sa First Aid Para sa Hypertension

Maaari bang mapababa ng pag-inom ng tubig ang aking presyon ng dugo?

Bagaman ang pag-inom ng tubig ay mahalaga para sa hydration, hindi ito lubhang mahalaga para sa first aid sa mataas na presyon ng dugo. Bukod dito, ang labis na pag-inom ng tubig ay maaaring makaapekto sa sodium levels. Gayunpaman, ang pagiging hydrated ay makakatulong kalusugan ng puso at sa patuloy na pagdaloy ng dugo. Dapat tandaan na mahalaga ang kumunsulta sa doktor kapag kailangan upang magabayan sa nararapat na hakbang para sa high blood management.

Gaano kabilis ko maaaring mapababa ang aking presyon ng dugo?

Ang pagpapababa ng presyon ng dugo ay isang unti-unting proseso na nangangailangan ng pangmatagalang pagbabago sa pamumuhay. Bagaman ang ilang mga pagbabago sa pagkain tulad ng pagbabawas ng sodium intake, ay maaaring magkaroon ng agarang epekto sa presyon ng dugo, ang pagpapanatili ng malusog na pamumuhay ang susi para sa normal blood pressure. Bukod dito, ang regular na ehersisyo, balanseng pagkain, at pamamahala ng stress ay makakatulong din sa pagpapababa ng presyon ng dugo. Mahalagang kumunsulta sa isang propesyonal sa kalusugan para sa personal na patnubay sa pamamahala ng presyon ng dugo.

Paano kumunsulta sa cardiologist sa NowServing?

Kung balak mong kumunsulta sa doktor gamit ang NowServing, dapat lang sundin ang mga sumusunod:

  1. i-click ang link na ito
  2. Pumili ng doktor sa listahan at i-press ang “Book Appointment” na button
  3. Piliin kung ikaw ay dating pasyente o bagong pasyente ng napiling doktor
  4. Punan ang form ng mga kailangan impormasyon upang matapos ang pag-book ng consultation
  5. Antayin ang kumpirmasyon ng iyong consultation

Bukod sa pag-book sa website, maaari rin i-download ang app para sa madaliang pagkonsulta sa doktor.

Konklusyon

Ang banta ng mataas na presyon ng dugo ay maaaring nakakabahala, lalo na kung hindi handa ang mga pasyente sa paghawak ng hypertensive crisis at hypertensive urgency. Dahil dito, makakatulong ang kaalaman sa first aid sa mataas na presyon ng dugo na tinalakay sa blog na ito.

Tandaan na ang ating kalusugan ay napakahalaga. Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang mga pangmatagalang komplikasyon ay ang pagiging handa. Alamin pa kung paano kontrolin ang alta presyon ngayon!

Mag-book ng online na konsultasyon o bumisita sa isang cardiologo sa inyong lokal na health center para sa check-up.