Ang obesity ay isa sa mga chronic conditions na kinakaharap ng mga Pilipino ayon sa 2023 National Nutrition Survey ng DOST-FNRI. Dahil dito, maraming Pilipino ang gustong simulan ang pagbabago sa tulong ng diet. Subalit, marami ang hindi nakaka-alam ng tamang diet para sa weight loss. May ilan na maaaring gumagawa ng “crash diet” na siyang mas nakakaapekto sa timbang, at posibleng makasama sa kalusugan.

Alamin kung paano ang tamang pagbabawas ng timbang sa tulong ng gabay na ito. Ating bibigyan ng pansin ang portion sizes, mga dapat na kainin, mga pagkain na pwedeng pamalit, at mga ulam sa Filipino cuisine na ligtas kainin.

Filipino Plate Para sa Diet Gamit Ang Pinggang Pinoy

Makikita agad sa plato kung tama ang hatian ng pagkain mo. Walang kailangang timbangin o i-compute, at walang buong food group na kailangang iwasan. Narito ang hatian na pwede mong gamitin sa bawat meal para makuha ang necessary nutrients mula sa iba’t ibang uri ng pagkain.

Pinggang Pinoy - Hatian ng Pagkain

Kalahati o 1/2 ng pinggan: Glow Foods (Gulay at Prutas)

Dapat punuin ng gulay ang kalahati ng plato. Marami sa mga ito ang may dietary fiber, na makakatulong para hindi ka agad magutom.

Narito ang pwedeng pagpilian na Pinoy ulam na gulay para sa iyong meal:

  • Ginisang ampalaya
  • Pinakbet
  • Laing
  • Chop Suey
  • Ginisang kalabasa at sitaw
  • Ginisang sayote sa kamatis
  • Gising-gising
  • Talbos at okra
ginisang ampalaya

Para sa prutas:

  • Saging
  • Orange
  • Pakwan
  • Pinya

Isang Katlo o 1/3 ng pinggan: Grow Foods (Protina)

Upang mas maging masustansya ang katawan, kinakailangan din kumain ng protina. Ngunit tandaan na kadalasan, ang obesity ay posibleng magdulot ng iba pang sakit, tulad ng high blood pressure, diabetes, at iba pa. Kung kaya’t dapat din isaalang-alang ang mga ito bago pumili ng kakainin na protina.

Ito ang listahan na may excellent source of protein:

  • Isda (Salmon, Tambakol, Bangus, at Tilapia)
  • Manok (Pecho o Breast)
  • Baboy (Laman lang, walang taba)
  • Tokwa
  • Itlog
  • Beans (red beans, black beans, mongo beans o mung beans)
tokwa - protina

Mas mainam ang lean protein kaysa sa masyadong matabang protina.

Isang Kaanim o 1/6 ng pinggan: Go Foods

Samantala para sa huling kapat ng plato, dito inilalaan ang go foods. Ito ay maaaring kanin, tinapay, kamote, noodles, at iba pa. Ang Pinoy meals ay palaging may kasamang puting kanin. Kung ito ang iyong pangunahing go food option, maaari mo rin itong gawing mas masustansya pa.

Pwede mong haluan ang iyong isasaing na puting kanin ng lentils at beans upang mas mataas ang matanggap mong fiber. Bukod dito, pwede mo rin haluan ng mas masustansyang bigas tulad ng brown rice ang iyong white rice.

Tandaan: Ipinapakita ng Pinggang Pinoy ang hatian kada kain, at una itong ginawa para sa mga adult. May hiwalay na bersyon para sa bata, teenager, matatanda, buntis, at nagpapasuso, kaya kung may health condition ka o espesyal na pangangailangan, ang registered dietitian mo ang magsasabi kung aling hatian ang bagay sa iyo.

Alamin ang mga pagkain na kabilang sa Go, Grow, at Glow sa pamamagitan ng gabay na ito.

Healthy Swaps sa Filipino Foods

Isa sa dahilan nang hindi pagbaba ng iyong timbang ang mga tempting foods sa hapag kainan. Bukod dito, likas na malasa ang Filipino cuisine kaya’t madalas napaparami ang takal ng kanin. Ngunit kung layunin mo ang diet para sa weight loss, dapat lamang na magkaroon ng disiplina.

multi-grain na bigas

Maaaring makatulong din ang pagpapalit or swapping sa mga Pinoy na pagkain. Narito ang mga swap na madaling gawin sa bahay.

  • Fried chicken: Ang pritong manok ay gumagamit ng maraming mantika. Mas masustansya kung i-bake ang manok para hindi na gumamit ng oil. Bukod dito, siguraduhin din na pecho o breast part ng manok ang lulutuin.
  • Unli rice: Sa pagdami ng kain ng kanin, mas mataas ang posibilidad na tumaas ang timbang. Posible rin na mas makaapekto ito sa iyong kalusugan lalo kung may diabetes ka. Mas mabuting bawasan ang portion ng kanin o pumili ng iba pang Go foods tulad ng kamote, tinapay, noodles, pero dapat nasa 1/6 lang ng pinggan mo ito kada meal.
  • Puting kanin: Kinalakihan na ng pamilyang Pilipino ang pagkain ng white rice, ngunit may mas magandang alternatibo dito. Kung gusto mong pumayat, subukan ang brown rice, red rice, o kalahating puti at kalahating brown sa iyong meals.
  • Sinigang na baboy: Kadalasang isinasangkutsa sa mantika ang baboy pag nagluluto ng sinigang. Subukan na pakuluan lamang ang lahat ng sangkap ng sinigang upang hindi na gumamit pa ng mantika. Bukod dito mas angkop din kung ang gagamitin ay purong laman lamang kaysa sa may taba.
  • Adobo: Maraming Pinoy ang nagluluto ng adobo na nagmamantika. Malinamnam ito, ngunit ang sobrang mantika ay mas nakakaapekto sa iyong timbang at kalusugan. Bawasan ang paggamit ng mantika hangga’t kaya. Bukod dito, subukan gumamit ng sangkap na hindi masyadong naglalabas ng mantika kagaya ng laman ng baboy o manok. Masarap at masustansya din ang adobong sitaw.
  • Soft Drinks at matamis na inumin: Ang mga ganitong inumin ay may mataas na percentage ng asukal na nakakasama sa mga may diabetes. Ito rin ang kalaban ng mga gustong magpapayat dahil sa sugar content nito. Kung gusto mo ng inumin na may lasa, mainam na kapalit ang tubig na may slices ng prutas tulad ng pipino o lemon. Sa pamamagitan nito, hindi lang plain water ang iniinom mo at may health benefits ka pang nakukuha sa inumin na ito.

Ilan lamang ang mga ito sa magandang hakbang para sa iyong kalusugan. Mabuti rin ang mga swap na ito lalo kung ikaw ay may may heart disease. Limitahan ang mga pagkaing maalat, prito, mataba, at matamis para sa iyong diet food plan.

Marami ring maling paniniwala tungkol sa pagkain at pagbabawas ng timbang. Tingnan kung alin ang totoo sa article tungkol sa mga food at diet myth.

Sample na Isang Araw: Almusal, Tanghalian, Merienda, Hapunan

Gamitin ang sample na ito bilang gabay para sa healthy eating plan mo. Palitan ang bawat ulam ng ibang kaparehong pagkain na mas gusto mo o mas abot-kaya. Pareho ang hatian ng plato sa bawat meal: kalahating gulay, isang katlo na protina, isang kaanim na kanin. Mga ulam na pinipili mo lang ang nagbabago.

Food Choices Para sa Iyong Meal Plan

meal plan gamit ang Pinoy meals

Almusal

  • Kanin, tortang talong, papaya, at tubig
  • Kanin, daing na bangus, ensalada, saging, at tubig
  • Kanin, itlog na maalat, kamatis, okra, mansanas, at tubig
  • Tinapay, itlog, kamatis, lettuce, saging, at tubig
  • Tinapay, tuna, kamatis lettuce, orange, at tubig

Tanghalian

  • Kanin, tinolang manok, pakwan, at tubig
  • Kanin, sinigang na baboy, melon, at tubig
  • Kanin, ginisang ampalaya at itlog, saging, at tubig
  • Tuna pasta na may kamatis, orange, at tubig
  • Chicken burger na may kamatis, onion, at lettuce, tubig

Merienda

  • Nilagang kamote
  • Nilagang saba
  • Yogurt na may hiniwang prutas
  • Dark chocolate
  • Oatmeal na may hiniwang prutas

Hapunan

  • Salad, baked chicken, at tubig
  • Chicken alfredo pasta, salad, at tubig
  • Kanin, pinakbet, salmon, pakwan, at tubig
  • Nilagang patatas, creamy salmon na may talbos ng kamote, orange, at tubig
  • Kanin, monggo na may malunggay, tilapia, saging, at tubig

Kung may PCOS ka, mas bagay sa iyo ang ilang adjustment sa menu. Basahin ang PMOS diet para sa mga Filipina para sa dagdag na gabay.

Kailan Dapat Kumunsulta sa Doctor o Registered Dietitian (RND)

Maaring makatulong ang pagkakaroon ng sariling meal plan sa iyong pagbabawas ng timbang, ngunit hindi ito sapat. May mga pagkain na dapat mong iwasan at nakadepende ito kung ano ang sakit mo. Kung ikaw ay may chronic diseases tulad ng high blood pressure, PCOS/PMOS, diabetes, at iba pa, kinakailangan mo ng gabay ng doktor.

Magpatingin sa doctor o Registered Nutritionist-Dietitian (RND) kung:

  • May diabetes, high blood, sakit sa bato, o sakit sa puso ka.
  • Buntis ka o nagpapasuso.
  • Biglang weight gain o pagbaba ng timbang nang walang malinaw na dahilan.
  • Palagi kang pagod, nanlalamig, o nanghihina habang nagbabawas ng kinakain.
  • Nahihirapan kang kontrolin ang pagkain, o natatakot kang kumain.

Eksperto ang RND sa pagbuo ng meal plan na bagay sa kondisyon, budget, at schedule mo. Titingnan naman ng doctor ang mga posibleng dahilan ng pagbabago ng timbang, tulad ng thyroid, hormones, blood sugar levels, o cholesterol levels.

Basahin ang kidney-friendly Filipino diet upang malaman ang dapat na kainin kung ikaw ay may sakit sa bato.

Paano Mag-book ng Nutritionist at Dietitian sa NowServing

  1. I-open ang NowServing app o pumunta sa Diet and Nutrition page ng NowServing.
  2. Piliin ang doctor o dietitian na tugma sa pangangailangan mo.
  3. Itakda ang online o in-person na konsultasyon at ang gusto mong schedule.
  4. Hintayin ang kumpirmasyon ng booking.

Sabihin ang iyong nais sa doktor tulad ng goal na magbawas ng timbang sa pamamagitan ng meal plan. Ang doktor na iyong napili ang gagabay sa iyo upang makagawa ng meal plan para sa successful weight loss mo.

Maaari ring kumunsulta sa weight loss management doktor para sa pagpapapayat.

Mga Kadalasang Tanong Tungkol sa Diet para sa Weight Loss

Ano ang magandang diet para sa weight loss ng mga Pilipino?

Pinakamagandang diet para sa weight loss ang kaya mong gawin araw-araw. Gamitin ang plato na may kalahating gulay, isang kapat na ulam na protina, at isang kapat na kanin, at samahan ng physical activity. Mas mabuting magsimula sa isang meal lang, tulad ng tanghalian, bago baguhin ang buong araw.

Pwede bang magbawas ng timbang kahit kumakain pa rin ng kanin?

Oo, puwede kang kumain ng kanin habang nagbabantay ng timbang. Sukat ang mahalaga: isang kamao bawat meal, at mas maraming gulay at protina sa plato.

Mas mainam ba ang brown rice kaysa puting kanin?

May dagdag na dietary fiber ang brown rice dahil whole grains ito. Pero hindi ito kailangan; ang tamang serving ng puting kanin ay pwede pa ring bahagi ng balanced diet. Ihalo ang kalahating brown sa puti kung hindi ka pa sanay sa lasa.

Kailangan ko ba ng dietitian para magsimula?

Hindi kailangan, pero malaking tulong ang dietitian kung may kondisyon ka tulad ng diabetes, high blood, o sakit sa bato. Makakabuo siya ng meal plan na bagay sa iyong katawan at budget.

Pwede ba ang merienda habang nagbabantay ng timbang?

Oo, basta may plano ang merienda. Pumili ng nilagang saging, kamote, o prutas, at isang dakot na mani. Iwasan ang pritong merienda na kinakain nang walang tigil habang nanonood o nagtatrabaho.

Konklusyon

Ang tamang diet para sa weight loss ay nagsisimula sa portion control mo sa iyong pinggan at sa pagkain ng nutritious foods. Tandaan na dapat 1/2 ang glow foods na gulay at prutas, 1/3 ang grow foods o protina, at 1/6 ang go foods o ang kanin. Bukod dito ay mainam din na iwasan ang maalat, matamis, mataba, at mamantikang pagkain.

Ilan lamang iyan sa pwede mong gawin para sa sa iyong diet at weight loss goals. Mainam din ang pagkonsulta sa doktor para malaman ang mga dapat kainin depende sa iyong kalusugan. Mag-book ng RND o registered nutritionist dietitian sa NowServing.

Kung gusto mo ng ibang paraan sa pagpapayat tulad ng weight loss medication, bisitahin ang NowExpress.

Sources:

DOST-FNRI, DOST-FNRI presents the latest PH Nutrition Situation, 2023 National Nutrition Survey, presented 10 December 2024

DOST-FNRI, Pinggang Pinoy, accessed 13 October 2026, on the Pinggang Pinoy graphics for kids, teens, adults, older adults, and pregnant women

NowServing, Busog Ka, Pero Nourished Ka Ba? | Dietitian Busts Pinoy Food Myths, YouTube video, 16 July 2026