Ang pagkain ng anumang klase ng pagkain ay isa sa pinaka minimithi ng lahat ng tao. Ngunit, hindi ito posibleng mangyari lalo na kung may mga pagkain na maaaring makaapekto sa kalusugan. Halimbawa, ang mga maalat na pagkain ay kadalasang inuugnay sa pagkakaroon ng UTI o impeksyon sa urinary tract. Kung kaya’t maraming mga tao ang nagkakaroon ng UTI.
Kung isa ka sa mga taong hindi sinusunod ang balanced diet, malaki ang posibilidad na makakuha ng komplikasyon tulad ng UTI. Dahil dito, mas makakabuti na palawakin ang iyong kaalaman sa mga pagkain na bawal kainin kontra UTI. Alamin ang mga ito sa artikulong ito!
Pag-unawa sa Urinary Tract Infection (UTI)

Bago natin talakayin ang mga pagkain na bawal kainin dahil sa UTI, atin munang alamin kung ano ang banta sa kalusugan na dala ng nito. Ang urinary tract infection of UTI ay isang komplikasyon sa urinary system na posibleng makaapekto sa bato, pantog, ureters, at urethra. Madalas na nagkakaroon ng cystitis o bladder infection na dulot ng UTI dahil sa bacterial infection. Posible itong magdulot ng discomfort sa mga pasyente
Bukod sa discomfort ay maaari rin makaranas ng iba pang sintomas. Ilan sa mga sintomas ng UTI ay ang palagiang pagnanais umiihi, panginginig habang umiihi, cloudy urine, sakit sa ibabang bahagi ng tiyan, at dugo sa ihi. Ang pagkakaroon ng mga sintomas na ito ay huwag balewalain. Mahalaga na kumunsulta agad sa doktor upang maibsan ang mga sintomas at maiwasan ang mga komplikasyon.
Paano Naaapektuhan ng Pagkain ang Urinary Health

Malaki ang papel ng diyeta sa pagkakaroon ng UTI. Kadalasan, ang nagiging sanhi nito ay hindi pag-inom ng tubig habang patuloy ang pagkain ng sobra ng mga matatamis na inumin at pagkain, kape, maalat na pagkain, at iba pa. Dahil dito mas nagiging concentrated ang ihi dahil hindi ito nadilute ng water. Kung kaya’t mas nagkakaroon ng impeksyon.
Kung kaya’t kinakailangan na magkaroon ng maayos na diet ang mga tao katulad ng pagkain ng prutas, gulay, whole grains, protina, at iba pa. Upang masiguro na balanse ang iyong kakainin at para maiwasan ang UTI, kumunsulta na sa dietitian.
5 na Pagkain na Bawal Kainin Kontra UTI
Kagaya ng nabanggit ay malaki rin ang papel ng pagkonsumo ng pagkain sa pagkakaroon ng UTI. Ang pagkonsumo ng mga ito ay maaaring makakapinsala sa sistema ng pag-ihi at sa kabuuang kalusugan. Dahil kapag nagka UTI ay posibleng magdulot ito ng malubhang komplikasyon gaya ng kidney malfunction.
Kung kaya’t mas makakabuti kung magiging maingat sa pagpili ng kakainin. Alamin ang mga pagkain na bawal kainin kontra UTI para sa iyong kalusugan
1. Mga Maasim na Pagkain / Acidic Foods

Maraming pagkain ang iniuugnay sa pagkakaroon ng UTI, at isa na rito ang maasim na pagkain. Kabilang sa mga ito ang mga sitrus na prutas, maasim na mga putahe, at mga maasim na inumin. Ilan sa mga prutas na kailangan iwasan ay ang lemon, suha, pinya, at iba pa. Ang asido na laman ng ganitong pagkain ay maaaring magdulot ng irritation at discomfort sa pantog, kung kaya’t madali itong magkaroon ng bakteryal na impeksyon.
Inirerekomenda na limitahan ang pagkonsumo ng pagkain na ito lalo na kung may medikal history ka na ng UTI dati o kaya naman ay kung mayroong sintomas ng UTI na nararamdaman. Sa pamamagitan nito ay masisiguro ang banayad na kalusugan ng bladder at pangkalahatang organo sa urinary tract.
2. May Caffeine na mga Inumin

Bukod sa maasim na pagkain ay kinakailangan din iwasan ang pag-ino, ng inumin na may caffeine. Ilan sa mga inumin na ito ay ang kape, tsaa, at energy drinks.
Ang mga inumin na ito ay nagdudulot ng labis na pag-ihi na tumutulong sa pag-alis ng bacteria sa katawan. Ngunit, ang labis na pag-inom nito ay maaaring magdulot ng malalang sintomas ng UTI. Siguraduhin na tamang dami lang ng caffeinated drinks ang iinumin sa pang araw-araw.
3. Maaanghang na Pagkain

Isa pang pagkain na bawal kainin kontra UTI ay ang pagkain na maanghang. Hinihikayat na iwasan ang pagkonsumo nang madami dahil maaari nitong maapektuhan ang pantog. Nangyayari ito dahil ang maanghang na pagkain ay nagdudulot ng madalas na pag-ihi. Bukod dito ay mas lalong lalala ang mga sintomas ng UTI hanggang sa magkaroon ng matinding komplikasyon.
Inirerekomenda ang limitadong pagkain ng maanghang na pagkain at piliin ang mga pagkain na may mild flavors para maiwasan ang paglala ng UTI symptoms.
4. Mga Pagkaing Mataas sa Asukal

Ang isa pang uri ng pagkain na maaaring magpalala ng kondisyon ng pasyente ay ang mga matamis na pagkain o mga pagkaing mataas sa asukal. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa ganitong klase ng pagkain, matutulungan ang mga tao na hindi magkaroon ng impeksyon sa urinary tract. Kadalasan itong nangyayari dahil ang asukal ay nagpapadami ng bacteria na siyang dahilan ng impeksyon. Dahil dito, nagkakaroon ng imbalance sa level ng bacteria sa urinary tract na siyang humahantong sa paglala ng kondisyon.
Sa madaling salita, pinakamabuting gawin ay ang pag-iwas sa mga pagkain at inumin na may artipisyal na pampatamis tulad ng soda at juice. Bukod dito, mas makakabuti rin ang pagpili sa mga sariwang juice na gawa sa prutas o natural na pampatamis. Ang opsyon na ito ay makakatulong na masatify ang cravings nang hindi pinapabayaan ang bladder health.
5. Mga Inuming May Alak

Higit sa lahat, maaari rin maging sanhi ng UTI ang pag inom ng alak. Ang alak ay maaaring magkaroon ng epekto sa sistema ng pag-ihi nat nagdudulot ng urinary tract infection. Dahil sa labis na pagkonsumo ng alak ay maaaring mairita ang pantog at madagdagan ang panganib ng UTI.
Kagaya ng inumin na may caffeine, gumagana ito bilang isang diuretic, na nagpapataas ng produksyon ng ihi at potensyal na nagpapalayas ng bakterya mula sa sistema ng pag-ihi. Gayunpaman, ang alak ay maaari ring magpapawala ng tubig sa katawan, na maaaring magbawas ng daloy ng ihi at mas madaling magbigay ng pagkakataon para sa bakterya na magparami sa pantog. Mahalaga ang pagkonsumo ng alak nang may pagpipigil at pagpapanatili ng tamang pagka-hydrate upang suportahan ang kalusugan ng pag-ihi at matiyak ang mas mababang panganib ng UTI.
Paano Makakatulong Ang Dietitian sa Pagbabawas ng Panganib ng UTI

Habang madali ang pag-iwas sa mga pagkain na nagdudulot ng UTI, mahalaga pa rin ang pagkuha ng tamang medikal na pagsusuri. Kung ang pasyente ay nagpapakita ng mga maagang sintomas, nangangahulugang ang mga panganib tulad ng pagkain ng mga nasabing pagkain ay maaaring lumubha sa problema.
Sa kaso ng mga matatanda, ang pagkakaroon ng UTI ay maaaring masakit at hindi komportable. Ang pag-ayuno mula sa mga pagkain na nagdudulot ng UTI ay maaaring mahirap dahil sa kanilang edad at mahina ang immune system. Dahil dito, kailangan nila ang mga nutrients mula sa ilang mga nasabing pagkain.
Ang pagkonsulta sa isang dietitian ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa mga indibidwal na gustong malaman kung anong mga pagkain ang dapat kainin upang suportahan ang kalusugan ng pag-ihi at bawasan ang panganib ng UTI.
Paano Kumunsulta sa Dietitian sa NowServing?
Direkta ang proseso ng konsultasyon sa NowServing. Narito ang mga hakbang:
- Pindutin ang link para simulan ang proseso
- Pumili ng doktor sa pamamagitan ng pagpindot sa pindutan na “Mag-book ng Appointment”
- Pumili kung ikaw ay bagong pasyente o pangmatagalang pasyente
- Punan ang form ng iyong personal na mga detalye upang makumpleto ang booking
- Maghintay ng kumpirmasyon mula sa NowServing
Maaari ka ring mag-book ng konsultasyon gamit ang NowServing app. I-download na ngayon!
Kailan Dapat Kumunsulta sa Urinary Doctor?
Dapat isaalang-alang ng pasyente ang pagbisita sa doktor sa urinario kung patuloy na nagpapakita ng mga sintomas ng UTI. Sa pamamagitan nito, maaari nilang pangasiwaan ang kondisyon nang maaga at matiyak ang mas malusog na resulta. Tandaan na masakit ang UTI at hindi dapat balewalain. Kaya mag-book ng konsultasyon online o bisitahin ang iyong doktor kaagad para sa iyong urinary health.
Konklusyon
Tandaan na ang pagkain ng bawal ay maaaring magdulot ng urinary tract infection. Dahil ito maling diyeta na maaaring magresulta sa ganitong kondisyon. Kung kaya’t mahalaga ang pagkakaroon ng balanseng diyeta upang mapanatili ang kalusugan at maiwasan ang impeksyon.
Kung kailangan mo ng gabay tungkol sa mga pagkain na bawal kainin kontra UTI, huwag mag-atubiling makipag-konsulta sa isang health expert. Mag-book ng online na konsultasyon sa isang dietitian. At kung kailangan mo ng karagdagang gabay para sa sintomas ng UTI, kumunsulta na sa urologist.