Isa sa banta o panganib na dala ng infectious disease na chickenpox o bulutong ay ang pagkakaroon shingles. Ang sakit na ito ay kadalasang lumilitaw sa mga matatandang pasyente, ngunit maaari rin magdulot ng chickenpox sa mga taong hindi pa nagkakaroon nito. Kung ikaw ay may posibilidad na magkaroon ng shingles, marapat lamang na alamin kung paano gamutin ang shingles o maiwasan ang pagkakaroon nito.
Alamin ang epektibong paraan sa paggamot tulad ng bakuna, gamot sa shingles symptoms, at pagkonsulta sa doktor. Simulan na natin!
Bakit Nagkakaroon ng Shingles Pagkatapos ng Bulutong?

Ang shingles, kilala rin bilang herpes zoster, ay isang sakit sa balat na dulot ng reactivation ng varicella zoster virus—ang parehong virus na nagdudulot ng bulutong. Pagkatapos mong gumaling mula sa bulutong, ang virus ay nananatili sa iyong nerve cells sa ‘sleeping’ state. Sa paglipas ng panahon, maaaring muling aktibahin ng mahinang immune system ang virus, na magiging shingles.
Bagama’t ito ay hindi nakamamatay, maaaring magdulot ito ng matinding pananakit, rashes, at komplikasyon sa mga matatanda.
Mga Salik na Nagpapataas ng Panganib ng Shingles:
- Edad 50 pataas
- Mahinang immune system
- Labis na stress
- Pagkakaroon ng chronic diseases gaya ng diabetes o cancer
Ang panganib ng shingles ay tumataas habang tayo ay tumatanda, kaya’t mahalagang malaman ang tamang paano gamutin ang shingles.

Sintomas ng Shingles: Kailan Dapat Maghinala?
Kadalasan, nagsisimula ang shingles bilang pananakit o pamamanhid sa isang bahagi ng katawan, karaniwang sa tagiliran o mukha. Ilang araw matapos nito, lilitaw ang shingles rash. Ating isa-isahin ang mga senyales na mayroon ka ng shingles na sakit.
- Rashes na may blisters (parang bulutong)
- Pananakit sa apektadong bahagi
- Lagnat at panghihina
- Pananakit ng ulo
- Sensitivity sa liwanag
Mahalagang agad itong maagapan dahil kapag hindi nagamot, maaaring magdulot ng postherpetic neuralgia—isang komplikasyong may matinding pananakit ng nerves na maaaring tumagal ng buwan.
Basahin ang artikulong ito upang malaman ang kaibahan ng shingles sa chickenpox, at sa iba pang sakit sa balat.
Paano Gamutin ang Shingles: Mga Opsyon na Subok at Epektibo
Mayroong iba’t-ibang paraan sa tamang paggamot ng shingles. Ngunit dapat lamang na kumunsulta agad sa doktor kapag may mga hindi kaaya-ayang sintomas na nararamdaman. Sa pamamagitan pagkonsulta sa iyong doktor, maaari bigyan ka ng gabay sa mga posibleng hakbang tungo sa tamang paggamot sa shingles.

Narito ang ilan sa posibleng irekomenda ng doktor hanggang magkaroon ka ng immunity sa virus na ito.
1. Mga Gamot Para sa Sintomas ng Shingles
- Antiviral medications (Acyclovir, Valacyclovir, Famciclovir) – Dapat inumin sa loob ng 72 oras mula sa pagsisimula ng sintomas para mas maging epektibo.
- Pain relievers – Paracetamol, ibuprofen o mas malalakas na analgesics para sa matinding pananakit.
- Topical creams – Gaya ng calamine lotion para sa pangangati.
I-book ang iyong consultation sa dermatology specialist para sa tamang reseta
2. Home Remedies na Makakatulong
- Cold compress – Para mapagaan ang pamamaga at hapdi.
- Oatmeal baths – Pampakalma ng balat.
- Loose clothing – Para hindi lalong mairita ang balat.
3. Supplementary Therapy Kontra Komplikasyon
- Vitamin B12 – Tumutulong sa nerve regeneration.
- Lysine – Nakakatulong na kontrahin ang viral replication.
Tandaan: Ang pangunahing layunin sa paggamot ng shingles ay mapagaan ang sintomas, maiwasan ang komplikasyon, at mapabilis ang paggaling.
Shingles Vaccine sa Pilipinas: Bakit Mahalaga Para sa mga Adult Patients?

Bukod sa mga lunas na nabanngit kanina, maaari rin makatulong ang pagiging handa bago pa man lumabas ang mga sintomas ng shingles. Isa sa pinaka-epektibong paraan para hindi ka dapuan ng shingles ay sa pamamagitan ng shingles vaccine. May dalawang klase nito:
- Zostavax (live vaccine)
- Shingrix (recombinant vaccine – mas bago, mas epektibo, recommended lalo na sa seniors)
Sino ang Maaaring Magpabakuna?
- Edad 50 pataas
- May history ng bulutong
- Immunocompromised individuals (with medical advice)
Kailan Dapat Magpabakuna?
- Kahit walang kasalukuyang sintomas ng shingles
- Bago umabot sa edad 60 (pero pwede pa rin kahit mas matanda)
Alamin kung saan ka makakakuha ng shingles vaccine sa Pilipinas para sa disease control at proteksyon laban sa banta ng shingles.
Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor?
Kagaya ng nabanggit kanina, nararapat lamang na lumapit sa doktor upang malaman kung paano gamutin ang shingles. Ngunit, may ilang kaso ng shingles na posibleng malunasan kahit nasa bahay lamang.
Bagamat hindi nakakahawa sa iba ang shingles, posible pa rin itong magdulot ng chickenpox. Kung kaya’t maaaring piliin ang mga-isolate sa bahay hanggang humupa ang rashes sa katawan. Maaari rin gumamit ng telekonsulta o telemedicine platform tulad ng NowServing upang humingi ng gabay sa doktor kahit nasa bahay ka lamang.
I-book ang iyong online consultation para sa mas mabilis na gamutan gamit ang NowServing app. Download NowServing app today.
Narito ang mga rason kung bakit kailangan mo ng gabay ng doktor laban sa shingles.
- Lumalawak ang rashes
- Malapit sa mata ang shingles rash (panganib sa paningin)
- May matinding pananakit na hindi kaya ng over-the-counter meds
- Paulit-ulit ang shingles outbreak
Maaari naman pumunta sa malapit na healthcare centers o klinika upang masolusyunan ang malubhang sintomas ng shingles.
FAQs: Karaniwang Tanong Tungkol sa Shingles
Paano gamutin ang shingles ng natural?
Makakatulong ang cold compress, oatmeal bath, at pag-inom ng B-complex vitamins. Ngunit may posibilidad na magkaroon ng allergic reactions ang mga pasyente sa lalo kung hindi sila hiyang sa paggamit ng oatmeal sa katawan. Gayunpaman, mas epektibo pa rin ang antiviral medications para mapabilis ang paggaling. Kumunsulta agad sa doktor upang malaman ang nararapat na hakbang o gamutan para sa symptoms of shingles at iba pang komplikasyon na dala nito.
Nakakahawa ba ang shingles?
Hindi direktang nakakahawa ang shingles, pero maaari nitong maipasa ang varicella zoster virus sa mga taong hindi pa nagkaka chickenpox o bulutong, sa anyo ng bulutong.
Pwede bang ulit-ulitin ang shingles?
Oo. Bagama’t hindi ito karaniwan, posibleng magka-shingles muli lalo na kung mahina ang immune system ng isang tao. Kung kaya’t isa sa solusyon ang pagkuha ng shingles vaccine upang pataasin ang immunity ng tao labas sa varicella zoster virus.
May side effects ba ang shingles vaccine?
Karaniwang side effects ay sore arm, lagnat, o fatigue sa loob ng 1-2 araw. Karaniwan at minimal lang ang side effects na ito, kung kaya’t tinuturing na ligtas ang bakuna sa karamihan ng adults.
Ilang araw bago gumaling ang shingles?
Tumatagal ng 2-4 linggo ang sintomas. Kapag naagapan sa tamang gamot, mas mabilis itong gumaling.
Konklusyon: Hindi Mo Kailangang Tiisin ang Shingles
Ang shingles ay isang seryosong kondisyon na hindi dapat ipagsawalang-bahala. Sa pamamagitan ng gabay na ito, maaari kang magkaroon ng tamang desisyon upang simulan ang gamutan laban sa banta ng shingles. Bukod dito, maaari mo rin bigyan ng kaalaman ang ibang tao upang tulungan silang iwasan ang pagkakaroon ng shingles.
Huwag hintayin pang lumala — kumonsulta na sa doktor o magpabakuna upang protektahan ang iyong sarili.
Mag-book ng online consultation sa dermatologist at infectious disease specialist o magpabakuna ng shingles vaccine gamit ang NowServing.ph!
