Isa sa mabisang lunas o gamot sa lagnat ay ang pag-inom ng paunang gamot. Ngunit dapat pa rin malaman kung ano ang nararapat na uri at dosis upang masiguro kalusugan. Kung ikaw ay nangangailangan ng gabay sa tamang gamutan, narito ang guide para sa pagpapababa ng lagnat. Alamin na natin!

Ano ang Lagnat?

taong may lagnat o fever

Ang lagnat o fever ay isang kondisyon kung saan tumataas ang temperatura ng katawan bilang tugon sa impeksyon, pamamaga, o iba pang sanhi. Nalalaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng thermometer upang masukat ang temperatura ng katawan.

Karaniwan, ang normal na temperatura ng katawan ay nasa 36.1°C hanggang 37.2°C. Samantala may sinat naman kapag lumagpas sa normal na body temperature hanggang 37.9°C. Maituturing naman na lagnat kapag nasa 38°C pataas ang temperatura.

Tandaan na ang lagnat ay iba pa sa flu, ngunit mayroon itong pagkakatugma sa mga sintomas. Narito ang mga sintomas ng pagkakaroon ng lagnat.

  • sakit ng katawan (body pain)
  • pananakit ng ulo
  • panlalamig
  • pagkalito
  • panghihina ng katawan
  • kombulsyon (karaniwan kapag lumampas sa 40°C)

Karaniwang Sanhi ng Lagnat

May iba’t-ibang dahilan sa pagkakaroon ng lagnat, at kadalasan sa mga ito ay naaapektuhan ang iyong immune system. Ang mga ito ay nagmumula sa virus at mikrobyo na siyang nagbubunga sa mga sumusunod na pangyayari sa katawan.

  • Impeksyon – dulot ng bacteria o virus tulad ng trangkaso o UTI
  • Sakit o Kondisyon – posible rin magdulot ng lagnat dahil sa sakit na hindi pa nalulunasan
  • Bakuna – maaaring magdulot ng bahagyang lagnat dahil sa itinurok na virus upang maging immune ang katawan

Bukod sa epekto ng bacteria at virus, posible rin na magkaroon ng lagnat dahil sa kakulangan ng pahinga. Kailangan magkaroon ng sapat na pahinga upang makatulong sa paggaling.

Gamot sa Lagnat para sa Bata at Matanda

paracetamol at ibuprofen - gamot sa lagnat sa Pilipinas

Paracetamol

Ang paracetamol o acetaminophen ay isa sa pinakaligtas at mabisang gamot na pampababa ng lagnat. Maari itong inumin ng bata at matanda upang mapababa ang temperatura at mabawasan ang pananakit ng katawan.

Dosis:

  • Bata: 10-15 mg kada kilo ng timbang tuwing 4-6 na oras
  • Matanda: 500mg-1000mg kada 4-6 na oras

Ibuprofen

Samantala, ang Ibuprofen naman ay isang nonsteroidal anti-inflammatory drug NSAID. Kung ang lagnat ay may kasamang pamamaga at matinding pananakit, maaaring gamitin ang ibuprofen.

Dosis:

  • Bata: 5-10 mg kada kilo ng timbang tuwing 6-8 na oras
  • Matanda: 200-400mg kada 6-8 na oras

Tandaan na syrup ang gamot sa lagnat para sa mga bata upang mas madali ang pag-inom nito. Samantalang tableta naman ang gamot ng mga matandang pasyente.

Basahin ang kaugnay na artikulo tungkol sa kalusugan ng kabataan

pahinga - lunas sa lagnat

Mga Home Remedies na Paraan ng Paggamot sa Lagnat

Bukod sa medical na paraan, maaari rin makatulang ang home remedies upang bumaba ang lagnat. Narito ang mga epektibong paraan:

1. Pag-inom ng Maraming Tubig – Nakakatulong ito upang maiwasan ang dehydration na dulot ng mataas na temperatura.

2. Paggamit ng Cold Compress – Maglagay ng basang bimpo sa noo upang mapababa ang temperatura.

3. Pagpapahinga – Mahalaga ang sapat na tulog at pahinga upang lumakas ang resistensya.

Kailan Dapat Magpatingin sa Doktor

  • Kapag ang lagnat ay tumagal ng higit sa 3 araw
  • Kung may severe headache, rashes, o hirap sa paghinga
  • Kung ang temperatura ng bata ay umabot sa 39°C pataas
doktor sa lagnat - konsulta sa pediatrician at internal medicine

Paano Kumunsulta sa Doktor Kapag May Lagnat?

Kung bata ang may sakit, dapat lamang na kumunsulta sa pediatrician dahil sa kanilang masusing kaalaman sa kalusugan ng sanggol hanggang 18 na taong gulang. Ngunit, kung matanda naman ang pasyente, kailangang pumunta sa doktor ng internal medicine. Maaaring gamitin ang NowServing para masimulan ang pag-konsulta.

Narito ang simpleng proseso sa paghahanap ng doktor ng pediatrics at internal medicine.

  1. I-access ang link ng pediatrician doctors kung kailangan ng gabay para sa kalusugan ng mga bata. Para naman kalusugan ng matandang pasyente, i-click ang link ng internal medicine doctor.
  2. Pumili ng iyong doktor sa listahan at i-press ang “Book Appointment” button. Maaari rin tingnan ang detalye ng napiling doktor upang malaman ang kanilang lokasyon at years of experience.
  3. Pumili ng araw ng konsulta para sa online consultation o face-to-face consultation.
  4. Ibigay ang kinakailangan na mga impormasyon para maipagpatuloy ang booking schedule.
  5. Intayin ang message mula sa napiling doktor upang makumpirma ang napiling schedule ng consultation.

Bukod dito, maaari rin gamitin ang NowServing app para sa mas direktang pagkonsulta sa doktor. Maaaring magkaroon ng agarang konsulta o maghanap ng isang doktor para magpaschedule ng check up.

Mga Karaniwang Tanong Tungkol sa Gamot sa Lagnat

Pwede bang uminom ng gamot sa lagnat nang walang reseta?

Oo, pero dapat sundin ang tamang dosis. Ang mga gamot na ito ay posibleng mabili sa botika para sa pang-unang gamot sa lagnat.

Ano ang pinakamabisang gamot sa lagnat?

Ilan sa mga gamot pampababa ng lagnat ay ang paracetamol at ibuprofen. Ngunit hindi dapat ito gamitin nang matagal, lalo kung hindi bumababa nang tuluyan ang iyong body temperature. Kung sakaling patuloy ang pagtaas ng iyong temperatura, kumunsulta agad sa doktor para masuri ang iyong kalusugan.

Pwede bang pagsabayin ang paracetamol at ibuprofen?

Oo, ngunit dapat may tamang pagitan ng oras at ayon sa payo ng doktor. Ngunit dapat pa rin maging alerto sa posibleng maging epekto nito sa katawan. Kumunsulta agad sa doktor para masiguro na tamang gamot ang iyong iinumin para sa lagnat.

Kung ako ay may lagnat at sipon, posible bang pagsabayin ang gamot na Neozep at Biogesic?

Hindi dapat pinagsasabay ang 2 gamot na ito dahil parehas silang uri ng Paracetamol na gamot. Kung hindi ka sigurado sa dapat na iinumin na gamot, kumunsulta na agad sa doktor.

Konklusyon

Ang lagnat ay maaaring gamutin gamit ang tamang gamot sa lagnat tulad ng paracetamol at ibuprofen. Maaari ring gumamit ng natural na lunas upang makatulong sa pagpapababa ng lagnat. Gayunpaman, kung hindi bumubuti ang kalagayan, mahalagang kumonsulta sa doktor.

Para sa konsultasyon, maaaring gumamit ng NowServing upang makahanap ng internal medicine at pediatrics doctor sa inyong lugar.