Nanatiling sulilranin sa pangkalusugan ang cervical cancer sa Pilipinas, kung kaya’t mahalagang magkaroon ng access sa HPV vaccine ang lahat. Sa pag-unawa ng halaga o presyo ng HPV vaccine ay maaaring magkaroon ng kamalayan ang mga tao na maaari silang makakuha nito para sa kanilang proteksyon. Kung ito ay isa sa iyong palaisipan, makakatulong ang gabay na ito upang malaman ang natatanging mga impormasyong kagaya ng presyo, health insurance coverage, at iba pa. Tunghayan at unawain ang lahat ng ito upang matukoy ang pinaka magandang opsyon para sa iyo.
Pagpapabakuna sa Pilipinas

Ang pagpapabakuna ay isang karaniwang medikal na pamamaraan sa Pilipinas, na ginagawa simula sanggol pa lamang ang mga indibidwal. Ito ay normal na paraan upang maprotektahan ang mga bagong silang laban sa mga viral infections at iba pang nakamamatay na kondisyon sa kalusugan.
Kabilang sa mga karaniwang pagpapabakuna ay para sa trangkaso, tigdas, at rubella. Gayunpaman, sa mga nakaraang taon, ang pangangailangan para sa Human Papillomavirus vaccine, o HPV vaccine, ay naging pangunahing layunin sa bansa upang maprotektahan ang mga kababaihan laban sa cervical cancer.
Ang karaniwang kanser na ito ay isa lamang sa mga posibleng uri ng kanser na maaaring magmula sa HPV. May iba pang uri tulad ng penile cancer, vaginal cancer, at marami pang iba. At ang mga ito ay posibleng makuha ng kahit na sino mapa babae o lalaki man. Dahil sa banta sa kalusugan, ang Department of Health at iba pang organisasyong pangkalusugan ay nagsisikap na palawakin at ipahiwatig sa iba ang importansya ng bakuna upang magkaroon ng kamalayan ang mga tao tungkol sa HPV. Kasabay nito, nagbibigay sila ng HPV vaccine sa mga bata na kasing aga ng 9 na taong gulang.
Pambansang Programa sa Pagbabakuna para sa HPV sa Pilipinas

Nagkaroon ng inisyatibo na HPV immunization sa Pilipinas noong 2013, at ito ay kasama sa programang isinusulong sa mga paaralan. Ang programang ito ay naging matagumpay sa tulong ng Department of Health, Department of Education, at Department of Interior and Local Government. Ito ay isang proyektong naglalayong makamit ang target ng World Health Organization na 90-70-90 na plano.
Ang planong ito ay binubuo ng 3 target bilang pandaigdigang estratehiya na dapat makamit bago ang taong 2030:
- 90% ng mga batang babae edad 9-14 ay mabakunahan
- 70% na mga indibidwal ay masuri ng dalawang beses sa edad 35 at 45 upang obserbahan ang epekto ng bakuna
- 90% sa populasyon ang nagamot o nasolusyunan ang banta ng cancer sa kanilang kalusugan.
Sa pamamagitan ng pagsasama ng HPV vaccine sa mga programa sa paaralan, maitataguyod ng Pilipinas ang mas madaling access dito. Kaya’t nakakatulong ito sa pagkamit ng layunin sa 2030 para sa HPV. Bukod dito, ang pagtutulungan ng iba’t ibang organisasyon ang nagiging mahalagang salik upang mas maging progresibo ang programang ito.
Kasalukuyang Presyo ng HPV Vaccine sa Pilipinas

Bagama’t may mga libreng HPV vaccine, ang pambansang programa sa pagbabakuna ay hindi pa nagpapalaganap ng mass vaccination. At dahil dito, posibleng makakuha ng bakuna sa pamamaraan ng pagbabayad sa mga klinika o ospital.
Ang presyo ng HPV vaccine sa Pilipinas ay nag-iiba depende sa brand at bilang ng dosage na kailangan. Kalimitan, ang presyo ng HPV vaccine ay nasa pagitan ng PHP 4,000 hanggang PHP 8,000 bawat dose. Bukod dito, posibleng mangailangan ng dalawa hanggang tatlong doses na dosage upang masiguro ang epekto ng bakuna. Sa madaling salita, nangangahulugang na ang kabuuang halaga ay maaaring umabot sa PHP 8,000 hanggang PHP 24,000.
Mayroong 2 brand ng bakuna sa HPV ang maaaring pagpilian para sa immunization schedule. Ang mga sikat na brand tulad ng Gardasil at Cervarix ay karaniwang available sa mga pampubliko at pribadong pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan.
Saklaw ba ng Insurance ang Presyo ng HPV Vaccine sa Pilipinas?
Isa sa mga maaaring tingnan ng mga tao ay ang alamin kung ang bakuna para sa HPV ay kasama sa coverage ng kanilang health insurance. Bagama’t ang ilang pribadong health insurance plans ay nag-aalok ng partial o full coverage para sa bakuna, iba-iba pa rin ang mga criteria na kinikilala ng bawat HMO companies. Upang matiyak ang mga detalye ay huwag mag atubiling tingnan ang detalye ng iyong polisiya.
Kung hindi kabilang sa policy ng iyong kasalukuyang health insurance plan ang pagpapabakuna ay mas mainam na maghanap ng alternatibong opsyon mula sa mga barangay health center o iba pang pasilidad.
Kahalagahan ng HPV Vaccination
Ang pamumuhunan sa HPV vaccine ay isang produktibong hakbang tungo sa pag-iwas sa cervical cancer at iba pang sakit na may kaugnayan sa HPV. Sa pamamagitan ng maagang pagpapabakuna, makatutulong itong mabawasan ang panganib na nakapalibot sa bawat komunidad. At sa bandang huli, mababawasan ang alalahanin at pagkabahala na mahawa ng sakit.
Mga Madalas Itanong
Ano ang karaniwang presyo ng HPV vaccine sa Pilipinas?
Tulad ng nabanggit, ang presyo ng HPV vaccine ay nasa pagitan ng PHP 4,000 hanggang PHP 8,000 bawat dose. Ngunit nakadepende pa rin ito sa brand at healthcare provider na magtuturok nito. Gayunpaman, may ilang lugar sa Pilipinas ang may mga programa sa paaralan kung saan may libreng bakuna. Mas mainam na suriin kung may ganitong programa sa inyong lugar upang maiwasan ang mataas na gastos.
Ilang doses ng HPV vaccine ang kinakailangan?
Karaniwang nakadepende ang bilang ng dosage sa edad ng pasyente. Narito ang inirerekomendang dosis mula sa Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP):
- 9 hanggang 14 taong gulang ay dapat tumanggap ng 2 dose ng bakuna, ang pangalawang dose ay ibibigay pagkatapos ng 6 na buwan
- 15 pataas ay dapat tumanggap ng 3 dose ng bakuna, 0 – 2 – 6 na buwan
Saan ako makakakuha ng HPV vaccine sa Pilipinas?
Inirerekomenda ang bakuna para sa babae at lalaki upang mabawasan ang panganib ng mga sakit na may kaugnayan sa HPV, kabilang ang ilang uri ng kanser. Sa pamamagitan ng pagtiyak ng madaling access sa bakuna, nagagampanan ng health department sa Pilipinas ang kanilang tungkulin na protektahan ang mga tao at masiguro ang kalusugan ng lahat.
Konklusyon
Ang pag-unawa sa presyo ng HPV vaccine sa Pilipinas ay kailangan sa pagdedesisyon sa kung ano ang dapat na piliing bakuna para sa iyong kalusugan. Bagama’t maaaring tawagin na financial commitment ang bakuna, mayroon pa rin ibang opsyon tulad ng paggamit ng health insurance coverage, mga programa ng gobyerno, at pagpunta sa community health center para mabawasan ang mga gastos.
Kung pinag-iisipan mo ang pagpapabakuna, siyasatin ang iyong mga opsyon ngayon at gumawa ng proactive na hakbang tungo sa mas malusog na kinabukasan. Mag-book ng online consultation para makapagpabakuna na ngayon!



