Ang Mpox, o Monkeypox, ay isang sakit na maaaring magdulot ng magaan hanggang sa malubhang sintomas ng Mpox. Kaya naman kinakailangan ang masusing pagpaplano para makamit ang paggaling mula sa Mpox. May iba’t-ibang paraan kung paano ito isinasagawa. Tunghayan ang mga paraan sa pangangalaga sa sintomas ng Mpox na aprobado ng DOH at iba pang health departments sa Pilipinas.

Alamin ang natural at medikal na solusyon para maiwasan ang mga komplikasyong dala nito.

Mga Natural na Solusyon para sa Mpox

natural na paraan para sa paggaling mula sa Mpox

Palakasin ang Immune System

Natural na depensa ng katawan laban sa sakit ang immune system. Makakatulong sa pagpapalakas ng immune system ang mga sumusunod:

  • Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng prutas, gulay, at pagkaing mayaman sa bitamina C at zinc.
  • Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
  • Magpahinga ng sapat para mabigyan ang katawan ng oras upang makarekober.

Pag-aalaga ng Balat

Dahil ang Mpox ay kadalasang may kasamang rashes o sugat sa balat, mahalaga ang tamang pag-aalaga nito. Upang maiwasan ang impeksyon sa balat, marapat lamang na gawin ang mga ito:

  • Panatilihing malinis ang apektadong bahagi sa pamamagitan ng banayad na paghuhugas gamit ang maligamgam na tubig.
  • Iwasan ang pagkakamot ng rashes upang maiwasan ang impeksyon.

Pag-iwas sa Stress

Ang stress ay maaaring magpahina ng immune system. Maglaan ng oras para sa mga relaxation techniques tulad ng meditation o yoga upang makatulong sa mas mabilis na paggaling.

Medikal na Solusyon para sa Mpox

medikal na paraan kagaya ng prescribed na topical creams

Bukod sa mga nabanggit ay kinakailangan din ang alagang medikal na lalo na kung ang pasyente ay nangangailangan ng gabay mula sa doktor. Alamin ang mga hakbang na maaaring makatulong sa iyong kalagayan:

Paggamit ng Topical Creams

Maraming mga lotion and cream ang posibleng makatulong sa pagpawi ng pangangati, ngunit mayroon din na pwedeng makapagpalala ng Mpox rash. Kaya’t mahalaga ang pagkonsulta sa isang doktor upang maiwasan ang pagkakaroon ng sugat at maibalik ang hydration sa balat.

Antiviral Drugs

Ang isang panganib na dala ng Mpox rash ay ang posibilidad na makahawa sa ibang tao. Kaya naman ipinapaalala sa komunidad na ang paghingi ng tulong ay kinakailangan upang maiwasan ang hawaan sa bahay ay kinakailangan ang pag-inom ng gamot sa Mpox kagaya ng antiviral drugs. Kadalasan, isa ito sa mga gamot na nirereseta para madaling gamutin ang mga impeksyon kagaya na lamang ng panganib na dala ng Mpox.

Antibiotics para sa Impeksyon

Kung ang sugat sa balat ay nagkaroon ng bacterial infection, maaaring magbigay ang doktor ng antibiotics upang maiwasan ang komplikasyon. Siguraduhin na sundin ang duration ng pag-inom upang hindi makaapekto sa kalusugan ang gamot.

Regular na Konsultasyon

Mahalaga ang regular na pagbisita sa doktor upang masubaybayan ang kalagayan ng pasyente. Maaaring kumunsulta agad lalo na kung may nararamdamang hindi pangkaraniwang sintomas tulad ng mataas na lagnat o matinding sakit sa katawan.

Mga Katanungan Tungkol sa Paggaling Mula sa Mpox

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Magpatingin kaagad kung may matinding lagnat, hirap sa paghinga, at matinding hilo. Bukod dito, kailangan din ng gabay ng doktor kung ang mga sugat sa balat ay may nana o impeksyon.

Kung kinakailangan mo ang gabay ng doktor ay maaaring kumunekta gamit ang NowServing app.

Maaari bang gumaling mula sa Mpox nang walang gamot?

Oo, karamihan ng kaso ay gumagaling sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo gamit ang suporta sa immune system at tamang pag-aalaga. Ngunit mahalaga pa rin ang medikal na interbensyon kung may matinding komplikasyon. Kung kaya’t mas mabuting tingnan ang kalagayan para malaman kung natural o medikal na solusyon ang kailangan.

Anong pagkain ang makakatulong sa paggaling mula sa Mpox?

Masustansyang pagkain tulad ng citrus fruits, leafy greens, at pagkaing mayaman sa protina ay nakakatulong sa pagpapalakas ng immune system.

Para malaman ang iba pang naaangkop na pagkain ay basahin ang aming blog.

Paano maiiwasan ang Mpox?

Iwasan ang paghawak at iba pang direktang pakikisalamuha sa mga taong may Mpox, maghugas ng kamay nang madalas, at panatilihing malinis ang paligid. Sa pamamagitan nito ay makakatulong ito upang mapigilan ang pagtaas ng mga kaso sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Konklusyon

Ang paggaling mula sa Mpox ay posible sa pamamagitan ng tamang kombinasyon ng natural at medikal na solusyon. Palakasin ang immune system at alagaan ang balat upang makatulong sa pag rekober. Gayunpaman, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor kung may mga komplikasyon upang matiyak ang agarang paggaling.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Mpox, bisitahin ang Paggamot sa Mpox.