Isa sa binabantayang sakit ng Department of Health ng Pilipinas ang Monkeypox. Ito ay isang nakakahawang sakit na may dalang sintomas katulad ng paltos o pagsusugat sa balat. Ang paltos ng Mpox ay isa lamang sa malalang sintomas na dapat bantayan dahil maaari itong makaapekto sa estado ng balat ng pasyente.

Maaaring ang pagkakaroon ng paltos ng Mpox ay maging sanhi ng pangangamba sa publiko, lalo na’t hindi laganap ang impormasyon tungkol sa Monkeypox. Tunghayan ang mga importanteng impormasyon kagaya ng pinagmulan ng Mpox, epekto nito, at kung paano maiiwasan ang Monkeypox.

Ano ang Mpox at Bakit Nagkakaroon ng Paltos ang Mga Pasyente?

paano nagkakaroon ng paltos ng mpox

Monkeypox o Mpox ay isang uri ng sakit na may taglay na sintomas katulad ng bulutong-tubig. Ngunit ang kanilang pagkakaiba ay ang laki ng paltos. Ang paltos ng Mpox ay magsisimula bilang maliit na bukol hanggang sa ito may lumobo at magkaroon ng tubig sa loob. Kagaya ng bulutong, posibleng makaranas ng pangangati ang pasyente na makakapagdulot ng pagsugat ng Mpox.

Hindi dapat ipagsawalang bahala ang paltos ng Mpox dahil ang pangangati ng mga paltos ay posibleng magdulot ng pagkalat pa lalo nito. Ang mga paltos ng Mpox ay lubhang nakahahawa lalo na kapag ito ay nahawakan. Kung kaya’t ipinagbabawal ang paghawak sa mga paltos ng Mpox at sa iba pang bahagi ng katawan upang mapigilan ang pagkalat nito.

Mga Sintomas ng Mpox at Pagkakaiba ng Paltos ng Mpox sa Iba Pang Sakit

Kagaya ng nabanggit, ang epekto ng Mpox ay nagdudulot ng mga sintomas na may pagkakahawig sa bulutong-tubig, ngunit may partikular na mga tanda na makakatulong upang matukoy ito. Ating salaysayin mga panganib na dulot ng mga sintomas ng Mpox, at ang pagkakaiba nito sa iba pang sakit.

pangagati na nagdudulot ng sugat ng mpox - sintomas ng mpox

Narito ang mga pangunahing sintomas ng Mpox:

  1. Lagnat at Sakit ng Katawan: Katulad ng maraming viral infections, kadalasang nagsisimula ang Mpox sa lagnat, pananakit ng katawan, at panghihina.
  2. Namamagang Lymph Nodes: Isang natatanging tanda ng Mpox ay ang pamamaga ng lymph nodes, na bihirang makita sa ibang viral infections tulad ng bulutong.
  3. Paltos o Rashes: Ang pinakamapansing tanda ng Mpox ay ang paglitaw ng mga rashes o paltos sa balat, na maaaring magsimula bilang mga pula o makating pantal at kalaunan ay magiging paltos na may likido sa loob. Ang mga sugat na ito ay kadalasang matatagpuan sa mukha, kamay, paa, at minsan pati sa mga bahagi ng bibig.
  4. Pangangati at Paglala ng Sugat: Habang tumatagal, ang mga paltos ay maaaring pumutok at magdulot ng mas masakit at delikadong sugat na nangangailangan ng wastong pangangalaga.

Paano Maiiwasan ang Mpox at ang Mga Paltos na Dulot Nito?

Upang mapaghandaan ang epekto ng Mpox sa mga taong may mahinang immune system, maaaring gawin ang mga sumusunod na hakbang. Isang paalala lamang na kapag nakakaranas ng paltos ng Mpox, kailangang mag-isolate ng pasyente upang hindi makahawa ng ibang tao.

Bukod sa quarantine, posibleng makatulong ang mga sumusunod:

  • Pag-iwas sa Direktang Kontak: Ang virus ng Mpox ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng direktang kontak sa balat ng taong may impeksyon, lalo na sa mga sugat o paltos. Mahalagang iwasan ang paghawak o paglapit sa mga sugat ng ibang tao. Isa rin sa dapat iwasan ang pagyakap, paghalik, pagtatalik, at iba pang uri ng physical contact.
  • Pagsusuot ng Proteksyon: Kung ikaw ay nasa isang lugar na may outbreak ng Mpox, mahalaga ang pagsusuot ng protektibong kasuotan. Kabilang na rito ang mask, gloves, socks, at iba pa upang maiwasan ang pagkakahawa.
  • Kalinisang Pangkalusugan: Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, lalo na pagkatapos humawak ng mga bagay na maaaring nahawakan ng taong may impeksyon.
  • Paggamit ng Disinfectants sa Mga Pang-araw-araw na Gamit: Ang regular na paglilinis ng mga kagamitan, lalo na sa mga mataong lugar, ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Mga Lunas at Pag-aalaga sa Sugat ng Mpox

lunas sa mpox - upang maiwasan ang pagkalat ng paltos ng mpox

Sa pagdami ng paltos sa anumang bahagi ng katawan ay posible rin ang pagdami ng sugat ng Mpox. Maraming hakbang ang pwedeng gawin upang maiwasan ang mga impeksyon sa balat. Isa na rito ang pagkonsulta sa mga healthcare provider na may kaalaman tungkol sa Mpox.

Ito ay isa lamang sa medikal na paraan na pwede mong gawin upang malaman kung paano kumakalat ang paltos ang kung paano ito maiwasan. Ngunit may pwede rin na mga hakbang o paunang lunas.

Narito ang mga hakbang na maaaring gawin upang mapagaan ang sintomas at mapangalagaan ang mga paltos:

  • Panatilihing Malinis ang Mga Sugat: Mahalaga ang regular na paglilinis ng mga paltos upang maiwasan ang karagdagang impeksyon. Gamitin ang malinis na tubig at banayad na sabon upang linisin ang mga sugat.
  • Pag-iwas sa Pagkamot: Bagaman nakakaakit kamutin ang mga paltos, mabuting iwasan ito upang hindi lumala ang sugat o magdulot ng peklat.
  • Paggamit ng Sterile Bandages: Minsan, ang paglalagay ng sterile bandages sa mga sugat ay makakatulong upang protektahan ang mga ito mula sa dumi at posibleng impeksyon.
  • Pag-inom ng mga Pain Relievers at Antipyretics: Para sa mga sintomas na lagnat at pananakit ng katawan, maaaring uminom ng mga over-the-counter na gamot upang maibsan ang sakit.

Mga Madalas Itanong Tungkol sa Paltos ng Mpox

Ano ang nagiging sanhi ng paltos sa Mpox?

Ang paltos sa Mpox ay dulot ng reaksyon ng katawan sa virus. Ang immune response na ito ay nagreresulta sa pamamaga at pagbuo ng mga paltos o sugat sa balat.

Nakakahawa ba ang mga paltos ng Mpox??

Oo, ang mga paltos ay maaaring makahawa sa ibang tao sa pamamagitan ng direktang kontak o sa mga kontaminadong bagay tulad ng damit at beddings.

Ano ang dapat gawin kung may sintomas ng Mpox?

Kung may sintomas ng Mpox, makabubuting kumonsulta agad sa doktor upang makumpirma ang sakit at makapagbigay ng tamang payo sa pag-aalaga at pag-iwas sa impeksyon. Maaaring kumonsulta sa doktor habang naka quarantine sa bahay gamit ang NowServing app.

Maging Mapanuri Upang Maiwasan Ang Pagkalat ng Paltos ng Mpox

Ang Mpox ay isang seryosong sakit na nagdudulot ng paltos sa balat at iba pang sintomas na maaaring makapag pababa ng kalidad ng buhay. Sa pamamagitan ng tamang kaalaman sa mga sanhi, sintomas, at lunas ng Mpox, makakaiwas tayo sa sakit na ito.

Tandaan, ang kalinisan, pag-iwas sa direktang kontak, at pag-alam sa mga tamang hakbang sa pag-aalaga ng paltos ay makakatulong upang hindi na lumala ang kondisyon. Kung may mga sintomas ng Mpox, mahalaga ang maagap na pagkonsulta sa doktor.

Kumonsulta sa doktor ng infectious disease sa NowServing!