Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng HPV (Human Papillomavirus), ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa kung saan dapat kumuha ng HPV vaccine sa PIlipinas ay kinakailangan. Ang gabay na ito ay makapagbibigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa availability ng bakuna, mga pinakamainam na lugar para magpabakuna, at mga gabay sa pagpili ng naaangkop na bakuna. Maging nasa Metro Manila ka man, Cebu, o mga malalayong lugar, matitiyak na makukuha mo ang mga pangunahing impormasyon para sa maayos na pagpapasya tungkol sa iyong kalusugan.
Pag-unawa sa HPV at ang Kahalagahan ng Pagpapabakuna
Ang Human papillomavirus (HPV) ay isang nakakahawang sakit na kadalasang nakukuha dahil sa pakikipagtalik nang walang proteksyon. Dahil dito, madalas itong naikakalat, kung saan ang ilang uri nito ay may kaugnayan sa iba’t ibang komplikasyon sa kalusugan sa Pilipinas. Kabilang dito ang genital warts at mataas na panganib sa pagkakaroon ng kanser tulad ng cervical cancer, penile cancer, vaginal cancer, anal cancer, at oropharyngeal cancer.
Ayon sa World Health Organization, ang HPV ay isang kondisyong pangkalusugan na kailangang matugunan nang maaga. Karaniwang nakukuha ang sakit na ito sa pamamagitan ng seksuwal na gawain at direktang pakikipag-ugnayan ng balat. Kung kaya’t mainam na isulong ang mga hakbang sa pagkontrol ng sakit sa pamamagitan ng HPV vaccination. Kabilang sa hakbang nito ay ang tutukan ang target na populasyon na 9-14 taong gulang para sa pagbabakuna. Isa sa layunin ay ang maabot ang 90% na tagumpay sa pamamahagi ng bakuna.
Kahalagahan ng HPV Vaccination
Ang pagpapabakuna ay kinikilala bilang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang mga problemang pangkalusugan na may kaugnayan sa HPV. Ginawa ang bakunang ito upang protektahan ang mga tao laban sa pinakamapanganib na uri ng HPV. Bukod dito, makakatulong din ang HPV vaccine upang mapababa ang kaso ng cervical cancer at iba pang kaugnay na sakit.
Kung kaya’t sa pamamagitan ng immunization program na ito, maraming tao ang magiging protektado at tuluyang maiwasan ang pagtaas muli ng kaso ng HPV. Kaya naman napakahalaga na bawat babae at lalaki ay makiayon sa layunin na mabakunahan upang masiguro ang proteksyon sa buong komunidad.
Saan Dapat Kumuha ng HPV Vaccine sa Pilipinas
Dahil sa patuloy na pagtaas ng new cases ng HPV at mga kaso ng cancer sa Pilipinas ay kinakailangan ng pang malawakan na solusyon sa problema. Bagamat hindi alintana sa lahat ang maraming opsyon sa kung saan dapat kumuha ng HPV vaccine sa Pilipinas ay dapat malaman na may initiative na sinimulan ang Department of Health noong 2015. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang national immunization program sa Pilipinas at kabilang dito ang pagbibigay ng HPV vaccine sa mga tao.
Mga Pasilidad ng Gobyerno
Kagaya ng nabanggit ay sinimulan ng DOH ang bakuna para sa HPV noong 2015. Ang proyektong ito ay libreng HPV vaccine sa Pilipinas na kaugnay ang piling populasyon lamang. Ito ay ang mga grade 4 na studyante na kinikilalang pasok sa high-priority group na 9-14 yrs old. Bukod dito ay nagsagawa din sila ng mas malawak na initiative at kabilang dito ang iba pang probinsya sa bansa na kung saan ay marami din ang nakatanggap ng bakuna.
Dahil dito, mas naging klaro kung saan dapat kumuha ng HPV vaccine sa Pilipinas:
- Mga Programa ng Department of Health: Nagbibigay ang DOH ng libreng HPV vaccine sa pamamagitan ng mga public health center, partikular na nakatutok sa mga kabataang nasa grade 4 bilang bahagi ng school health programs.
- Mga Barangay Health Station: Accessible na lokasyon para sa mga miyembro ng komunidad upang makatanggap ng bakuna nang libre o sa mababang halaga.
Mga Pribadong Ospital at Klinika
Bukod sa nabanggit ay mayroon din na posibleng access sa HPV vaccine sa mga health centers kagaya ng ospital at maliit na klinika sa bansa. Dahil sa proyekto ng WHO at DOH, maraming ospital at klinik ang nagbibigay ng immunization at iba pang programa laban sa cervical cancer.
Narito ang mga natatanging proyekto laban sa HPV sa Pilipinas:
HPV Vaccine sa Manila
Maraming pangunahing ospital at klinika sa Metro Manila ang nag-aalok ng HPV vaccination schedule sa publiko. Ang mga pasilidad tulad ng St. Luke’s Medical Center, Makati Medical Center, at The Medical City ay nag-aalok ng HPV vaccination. Ilan sa mga bakuna ay ang Gardasil at Cervarix. Kung kaya’t posible na mailapit agad ng mga magulang ang pangangailangan ng kanilang mga anak para sa immunization sa pamamgitan ng pagkontak at pag pili ng facility para sa HPV vaccine.
Samantalang, mayroon din proyekto na isinusulong laban sa cervical cancer. Ito ay ang pagmonitor sa kalagayan ng mga tao sa pamamagitan ng cervical cancer screening na available sa mga healthcare facilities sa bansa. Kung sakaling isa ito sa iyong inaalala ay mabuting kumunsulta agad sa doctor para sa cervical cancer screening.
HPV Vaccine sa Cebu
Ang Cebu ay nagpapatupad din ng mga programa para sa HPV at cervical cancer. Ayon sa isang artikulo ay may isinulong silang kampanya tungkol sa HPV at cervical cancer. Inilunsad ito kasabay ng cervical cancer month awareness at may pangunahing mensahe na “Babae, mahalaga ka!” Sa programang ito ay nagbibigay din sila ng libreng cervical cancer screening na itinaguyod noong May 26 sa Lapu-Lapu. Bukod dito ay nagkaroon din ng libreng pabakuna sa HPV na inilunsad naman noong May 18, 2024.
Mga Uri ng HPV Vaccine na Available
Gardasil 9
- Proteksyon: Sumasaklaw sa siyam na uri ng HPV na responsable sa karamihan ng mga sakit na may kaugnayan sa HPV
- Sino ang Dapat Kumuha: Inirerekomenda para sa mga babae at lalaki na may edad 9 hanggang 45 taong gulang
Cervarix
- Proteksyon: Partikular na nakatutok sa HPV types 16 at 18, ang dalawang uri na pinaka-karaniwang nauugnay sa cervical cancer
- Sino ang Dapat Kumuha: Pangunahing inirerekomenda para sa mga babae na may edad 9 hanggang 25 taong gulang
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Tamang HPV Vaccine
Edad
Ayon sa pandaigdigang estratehiya ng WHO para sa pag-iwas sa HPV, ang pinakamainam na edad para sa pagpapabakuna ay 9 hanggang 14 taong gulang. Ang pangunahing layunin ay magbigay ng immunization sa mga indibidwal bago sila maging aktibo sa seksuwal na gawain.
Kasaysayan sa Kalusugan
Mahalaga ang pagsasaalang-alang sa nakaraang side effect ng bakuna o partikular na kondisyong medikal na maaaring makaapekto sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna. Ang impormasyong ito ay makakatulong sa mga propesyonal sa kalusugan na gumawa ng maayos na desisyon tungkol sa kung aling mga bakuna ang angkop para sa bawat indibidwal, pati na rin kung may mga kailangang espesyal na pag-iingat o alternatibong iskedyul ng pagbabakuna.
Halimbawa, ang mga taong may ilang partikular na karamdaman sa immune system o allergy ay maaaring kailangang iwasan ang ilang bakuna, habang ang mga may kasaysayan ng matinding allergy sa mga partikular na sangkap ng bakuna ay maaaring mangailangan ng masinsinang pagsubaybay pagkatapos ng pagbabakuna. Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa mga salik na ito, matitiyak ng mga healthcare provider na ang mga bakuna ay maayos at ligtas na maibibigay sa lahat ng indibidwal.
Halaga
May mga available na programa para sa libreng bakuna ng HPV vaccine sa Pilipinas o may subsidya na inaalok ng mga lokal na departamento ng kalusugan at iba pang organisasyon. Gayunpaman, kung mas gusto ng mga indibidwal na magpabakuna sa tulong ng kanilang pinagkakatiwalaang doktor, ang pagpunta sa ospital ay isang magandang pagpipilian din. Subalit, ang ilang ospital ay may mga bayarin na maaaring maging magastos. Mainam na suriin sa health insurance kung saklaw ng kanilang plano ang pagbabakuna para sa HPV.
Accessibility
Isa sa mga pangunahing bagay na dapat maintindihan ng mga indibidwal ay ang paghahanap ng mga mapagkakatiwalaang pasilidad ng kalusugan, klinika, o ospital na nag-aalok ng serbisyong HPV vaccination. Ang pagpapabakuna ay nakakatulong upang maprotektahan ang sarili laban sa ilang uri ng human papillomavirus (HPV) na maaaring humantong sa iba’t ibang uri ng kanser. Kaya’t maging sa pamamagitan man ng libreng programa ng bakuna sa barangay o may bayad na serbisyo sa ospital, huwag mag-atubiling protektahan ang iyong kalusugan.
Mga Madalas na Katanungan
Ilang doses ng HPV vaccine ang kailangan?
Ang karaniwang kurso ng pagbabakuna ay kinabibilangan ng dalawa hanggang tatlong doses sa loob ng anim na buwan. Ang bilang ng doses ay nakadepende sa edad ng tatanggap ng bakuna. Sa pamamagitan ng schedule at dose na ito ay maisisguro ang mainam na epekto ng bakuna sa kalusugan ng pasyente.
Maaari bang magpabakuna ang mga nasa hustong gulang?
Posible pa rin makatanggap ng HPV vaccine ang mga nakatatandang pasyente. Ngunit may limitasyon ito hanggang 45 na taong gulang. Maaari itong makatulong sa kanila dahil sa proteksyon na alay nito laban sa mga strains ng Human Papillomavirus (HPV) na posibleng magdulot ng kanser sa anal at lalamunan. Lubhang mahalaga ang pagkonsulta sa doktor para sa mga opsyon sa pagkuha ng bakuna na nararapat sa kanilang edad at kalusugan.
Saan pinakamura kumuha ng HPV vaccine sa Pilipinas?
Ang pagkuha ang HPV vaccine ay may iba’t ibang presyo na katumbas. May ilang lugar na nagbebenta ng bakuna sa mataas o kaya naman ay tamang presyo lamang. Kadalasan ay nakadepende ito kung pribadong ospital o klinika ang nag-aalok ng bakuna. Mayroon din naman na hindi kinakailangan ng bayad, at ito ay ang mga facilities na nagbibigay ng access sa libreng bakuna.
Ngunit kung ikaw ay naghahanap ng ibang opsyon ay may mga health center na nag-aalok ng HPV vaccine na may subsidized rate. Maaari ring maghanap ng mga pribadong ospital at klinika na nag-aalok ng mas abot-kayang presyo.
Konklusyon
Bagama’t hindi partikular na tinukoy ng gabay na ito ang lahat ng lugar kung saan dapat kumuha ng HPV vaccine sa Pilipinas, maraming mga available na opsyon sa bansa. Mula sa mga programa ng gobyerno hanggang sa mga pribadong klinika, ang mga Pilipino ay may access sa mahahalagang serbisyong ito batay sa kanilang personal na pangangailangan at kagustuhan. Palaging kumunsulta sa mga propesyonal sa kalusugan para sa pinakamainam na uri ng bakuna at iskedyul para sa iyong partikular na sitwasyon.
Mag-book ng online consultation at maghanda para sa iyong nakatakdang pagpapabakuna!