Panimula
Sa pagtaas ng mga panganib sa kalusugan sa Pilipinas, natural lamang na humanap ng epektibong paraan upang magarantiya ang proteksyon laban sa mga sakit. Malaking papel ang ginagampanan ng bakuna sa kalusugan ng tao dahil ito ay nakapagbibigay ng proteksyon sa mga malalang sakit na naitala. Isang halimbawa na lamang ay ang sakit na hepatitis b na nakapagdudulot ng panganib sa mga ina at kanilang mga anak. At sa pamamagitan ng hepatitis b vaccine ay matutulungan ang mga indibidwal na ito upang protektahan ang kanilang sarili. Kung kaya’t napakahalaga na magkaroon ng kamalayan ang mga tao sa kung paano sila makakakuha ng bakuna at ang halaga o presyo ng hepatitis b vaccine sa Pilipinas.
Kung balak mong bumuo ng pamilya ngayong taon ay kinakailangan maging handa at magkaroon ng kaalaman. Tuklasin ang lahat tungkol sa mga hepatitis b vaccine, lalo na ang mga available na bakuna at ang presyo nito.
Ano ang Hepatitis B at ang Bakuna Nito
Ang Hepatitis B ay isang viral infection na pangunahing nakakaapekto sa atay. Ito ay naikakalat kapag nagkakaroon ng contact sa kontaminado na dugo o iba pang likido sa katawan ng isang taong may impeksyon. Bukod dito, ang mga sanggol ay maaari ring maging positibo sa hepatitis B kung ang kanyang ina ay positibo rin. Naipapasa ito sa panahon ng panganganak kung kaya’t nahahawaan ang sanggol. Dahil sa banta na ito, idinisenyo ang hepatitis b vaccine para mabawasan ang bigat o komplikasyon ng virus sa kalusugan ng nasa komunidad.
Sa pamamagitan ng pagtanggap ng hepatitis b immunization, maaari nitong pasiglahin ang immune system at gumawa ng mga antibody na kailangan para labanan ang virus. Ang solusyon na ito ay higit na mahalaga para sa mga high risk na indibidwal katulad ng mga healthcare worker, mga taong may maraming sexual partner, at mga naglalakbay sa mga lugar na may mataas na pagkalat ng Hepatitis B.
Kahalagahan ng Hepatitis B Vaccination

Gaya ng nabanggit, ang hepatitis b virus ay isang karaniwang banta sa kalusugan ng maraming tao lalo na sa mga nakakatanda. Dahil sa mga posibleng banta sa populasyon na ito, mahalaga na iparating sa kanila ang importansya ng pagkuha ng bakuna para sa hepatitis b.
Sa pamamagitan ng pagpapabakuna, mapoprotektahan ng mga indibidwal ang kanilang sarili mula sa pagkakaroon ng virus at mababawasan ang kanilang tsansa na magkaroon ng chronic liver disease, liver failure, o liver cancer. Ang pagbabakuna ay nakakatulong din na makontrol at maiwasan ang pagkalat ng virus sa ibang tao, lalo na sa loob ng mga tahanan at healthcare settings.
Dapat lamang tandaan na kailangang makatanggap ng tamang dosage ng hepatitis b vaccine upang masiguro ang pangmatagalang proteksyon na dulot nito. Inirerekomenda sa lahat na maging updated sa schedule ng bakuna upang masiguro na makatanggap ng bakuna kung kinakailangan.
Pag-unawa sa Presyo ng Hepatitis B Vaccine sa Pilipinas

Ang presyo ng hepatitis b vaccine sa Pilipinas ay maaaring mag-iba depende sa ilang mga kadahilanan. Kabilang dito ang brand ng bakuna, ang kinakailangang dosage, at ang healthcare provider na magbibigay ng bakuna. Sa karaniwan, ang presyo ng hepatitis b vaccine sa Pilipinas ay nasa pagitan ng PHP 850 hanggang PHP 1,600.
Mahalagang tandaan na ang mga presyong ito ay estimated lamang at maaaring magbago batay sa pangkalahatang supply at demand. Ang mga pasyente ay dapat kumunsulta sa kanilang healthcare provider o magtanong sa mga lokal na klinika at ospital para sa pinaka-tumpak at napapanahong impormasyon tungkol sa presyo.
Sa kasalukuyan ay may 3 uri ng Hepatitis B vaccine ang available, na bawat isa ay nag-aalok ng proteksyon laban sa Hepatitis B virus. Ang mga ito ay ang recombinant, plasma-derived, and combination (DTaP).
Recombinant Hepatitis B Vaccine sa Pilipinas
Ito ang pinakakaraniwang uri ng Hepatitis B vaccine. Ginawa ito gamit ang recombinant DNA technology na kinabibilangan ng paglalagay ng gene mula sa Hepatitis B virus sa yeast cells. Ang mga cell na ito ay gumagawa ng protina na nagtutulak para lumabas ang mga antibodies sa katawan na siyang kailangan laban sa hepatitis b virus. Mayroong 2 klase ng recombinant vaccine sa Pilipinas, ang Engerix B and GeneVac B.
Engerix B:
- Edad 0-19: 0.5 mL bawat dosis (0-1-6 buwan na iskedyul)
- Edad 20 pataas: 1 mL bawat dosis (parehong iskedyul)
GeneVac B:
- Edad 0-19: 0.5 mL bawat dosis
- Edad 20 pataas: 1 mL bawat dosis
- Mga sanggol: 6-10-14 linggo na iskedyul
- Bata hanggang matanda: 0-1-6 buwan na iskedyul
Plasma-derived Hepatitis B Vaccine
Ang uri ng bakunang ito ay ginawa gamit ang plasma na nakolekta mula sa mga indibidwal na nabakunahan na laban sa Hepatitis B. Gayunpaman, tandaan na ang uri ng bakunang ito para sa hepatitis B ay hindi na available. Ang Heptavax, na ipinakilala noong 1981, ay itinigil noong 1990 at pinalitan ng recombinant vaccine.
Combination Vaccines
May mga bakuna na pinagsasama ang proteksyon laban sa Hepatitis B at iba pang mga sakit, tulad ng Hepatitis A o diphtheria, tetanus, at pertussis (DTaP). Ang bakuna na ito ay nagbibigay ng pagkakataong mabigyan ng proteksyon ang mga tao mula sa maraming sakit na nabanggit.
Huwag kalimutang kumunsulta sa doktor upang malaman ang nararapat na treatment at bakuna para sa hepatitis B.
Mga Booster Shot: Kinakailangan Ba?
Ang mga booster shot para sa Hepatitis B vaccination ay karaniwang hindi kinakailangan. Ito ay kilala sa pagbibigay ng pangmatagalang immunity na tumatagal ng hindi bababa sa 20 taon. Ngunit may ilang grupo ng tao ang kinakailangan pa rin ng karagdagang proteksyon kung kaya’t kailangan pa rin ng booster shot. Ilan sa mga taong kailangan nito ay ang mga medical practitioners, mga may chronic kidney na sakit, liver disease, at mga immunocompromised.
Mas mabuting kumunsulta muna sa doktor upang malaman ang nararapat na dami ng dose para sa iyong kalusugan.
Saan Makakakuha ng Bakuna para sa Hepatitis B

May iba’t ibang pasilidad pangkalusugan sa Pilipinas kung saan maaaring makatanggap ng bakuna:
- Mga government health center: Maraming health center ang nag-aalok ng libre o mas murang presyo ng hepatitis b vaccine
- Mga pribadong klinika at ospital: Nag-aalok din ng serbisyo ng pagbabakuna ngunit may mas mataas na presyo
- Mga barangay health center: Maaaring magtanong ang mga residente tungkol sa mga serbisyo ng pagbabakuna
Bukod dito ay maaari rin subukan ang paghahanap ng mga online platforms para makapagschedule ng kanilang bakuna. Maraming app o online platforms sa Pilipinas ang maaaring gamitin upang makatagpo ng doktor para isagawa ang pagbakuna sa matatanda at mga bata.
Maaari ring subukan ng mga pasyente ang pag-research sa mga online platform tulad ng NowServing PH para sa mas madaling pag-iskedyul ng bakuna. Bukod sa hepatitis b vaccine ay mayroon din silang opsyon para sa rabies, flu, pertussis, atbp.
Health Insurance at Vaccine Coverage

Ang HMO o health insurance ay may mahalagang papel sa pagsakop sa mga gastos sa bakuna. Karamihan sa mga HMO plan ay sumasakop sa mga pagbabakuna, kabilang ang Hepatitis B vaccine. Gayunpaman, ang saklaw ay maaaring mag-iba depende sa insurance provider at sa partikular na plan.
Kaya importante na makipag-ugnayan sa iyong health insurance provider upang maintindihan ang detalye ng coverage para sa mga bakuna. Sa ganitong paraan, mapapanatag ang iyong kalooban kung sakaling masasakop ng iyong provider ang halaga ng bakuna laban sa hepatitis b.
Kung wala ka pang HMO plan sa kasalukuyan, maaari mong isaalang-alang ang pagkuha nito para sa mga darating na gastusin sa kalusugan. Kasabay nito, makatutulong ito para sa mas madaling transaksiyon sa iyong doktor, lalo na pagdating sa mga pagbabakuna. Narito ang listahan ng mga provider na maaari mong tingnan para sa iyong susunod na bakuna sa hepatitis b. Siguraduhing ihanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pag-apply sa napiling health insurance plan.
Tandaan, maaaring magkaiba ang mga pamamaraan at requirements ng bawat insurance company, kaya mahalagang direktang makipag-ugnayan sa kanila para matiyak ang maayos na proseso ng reimbursement para sa mga gastos sa bakuna.
Konklusyon
Pagdating sa kaligtasan at proteksyon mula sa mga komplikasyon sa kalusugan, ang mga bakuna ay isa sa mga inirerekomenda ng mga eksperto. Kaya’t sa patuloy na banta mula sa hepatitis b virus, mahalaga ang pagpapabakuna. Bagama’t ang presyo ng hepatitis b vaccine ay maaaring maging alalahanin ng ilan, ang pinakamahalaga ay ang pagiging epektibo nito sa pagprotekta sa mga pasyente laban sa hepatitis b virus.
Kung nagtataka ka tungkol sa presyo ng hepatitis b vaccine, nakita natin na ang karaniwang saklaw ay PHP 850 hanggang PHP 1,600. Gayunpaman, hindi lahat ng klinika ay nag-aalok ng parehong presyo dahil sa mga nabanggit na kadahilanan. Mainam na bumisita sa isang healthcare provider para sa mas tumpak na saklaw ng presyo.
