Kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagdami ng kaso ng Monkeypox (Mpox) sa bansa. Karamihan sa mga naging pasyente ay nasa edad na 18 pataas, ngunit mayroon din na 12 years old. Dahil dito, mapapansin ang panganib sa Mpox kung kaya’t kailangan mag-ingat ang lahat.
Upang maging matagumpay sa pagpuksa ng Mpox virus, narito ang mga importanteng impormasyon tungkol sa nakakahawang sakit na ito. Tuklasan ang pangunahing pinaka apektado sa bagsik ng Mpox, at kung ano ang nararapat na hakbang upang maiwasan ito.
Bakit Mapanganib Ang Monkeypox?
Ang Mpox, dating kilala bilang Monkeypox, ay isang viral na sakit na sanhi ng Monkeypox virus. Nakakahawa ito sa pamamagitan ng close contact, respiratory droplets, o kontaminadong bagay tulad ng mga damit. Posibleng mahawa ng virus ang mga taong may contact sa isang pasyente pagkatapos lamang ng isang araw na exposure. Kaya naman dobleng pag-iingat ang kailangan upang maiwasan ang paghawa ng mpox sa iba pang tao.
Karamihan sa mga nahawa ng sakit na Mpox ay nakakaranas ng mga sintomas na katulad ng trangkaso. Isa na rito ang pagkakaroon ng lagnat, pananakit ng lalamunan, pananakit ng katawan, at pamamaga ng lymph nodes. HIndi pa riyan natatapos dahil ang pangunahing senyales ng Mpox ay ang pamamantal o sugat na dala ng Mpox.
Ayon sa Department of Health ay kinakailangan ang pagsunod sa health protocols. Ang panganib sa Mpox ay hindi lamang sa sintomas nito kundi pati na rin sa komplikasyon, lalo na sa mga may pre-existing na kondisyon. Kaya naman mahalagang maunawaan kung sino ang mga nasa mas mataas na panganib.
Sino ang Pinaka-Apektado ng Mpox?
Marapat lamang na tandaan na posibleng mahawa ng Mpox ang lahat, ngunit may mga piling tao ang may mas mataas na tsansa na mahawa nito. Karaniwan sa mga posibleng mahawa ay ang mga taong may mahihinang resitensya. Ngunit sa lamang itong dahilan sa pagkakaroon ng Mpox.
Alamin ang panganib sa Mpox sa pamamagitan ng pagkilala sa mga pangunahing mga apektado ng Mpox:
1. Mga Bata at Matatanda
Mas mataas ang tsansa ng panganib sa Mpox sa mga batang may edad 8 pababa at matatanda na may mahinang immune system. Ang kanilang katawan ay mas madaling kapitan ng impeksyon na posibleng pagmulan ng komplikasyon sa kanilang katawan. Kaya mas hinihikayat ang lahat na mag-ingat upang maiwasan ang malalang sakit dahil sa epekto ng Mpox.
2. Mga Immunocompromised na Tao
Isa pa sa posibleng makaranas ng Mpox ay ang mga indibidwal na may sakit tulad ng HIV/AIDS, cancer, o sumasailalim sa chemotherapy. Sila ay nasa mas mataas na panganib dahil hindi kayang labanan ang virus, kaya’t mas malala ang epekto nito sa kanila. Mas mabuting kumonsulta sa doktor upang malaman ang nararapat na hakbang kung sakaling magpositibo sa Mpox.
3. Mga Indibidwal na Malapit sa Mga Apektado
Bukod sa mga nabanggit ay posible rin ang banta ng Mpox sa mga taong may close contact sa mga positibo sa Mpox. Dahil dito, mabilis kumalat ang sakit sa pamamagitan ng skin-to-skin contact at iba pa. Halimbawa, ang mga health workers na nag-aalaga ng mga pasyente ay may mataas na tsansang mahawaan kung hindi sila mag-iingat.
Mga Sanhi at Paraan ng Pagkalat ng Mpox
Ang pangunahing sanhi ng Mpox ay ang direct contact sa fluids ng isang infected na tao o hayop. Narito ang mga paraan kung paano ito kumakalat:
- Skin-to-Skin Contact: Ang direktang paghawak sa rashes, sugat, o paltos ng may sakit.
- Respiratory Droplets: Sa malapitang usapan, pag-ubo, o pagbahing ng may sakit.
- Kontaminadong Bagay: Mga damit, sapin ng kama, o tuwalya na ginamit ng infected na tao.
- Animal Bites: Sa ilang kaso, ang kagat ng infected na hayop ay nagdudulot din ng Mpox.
Mga Dapat Gawin upang Maiwasan ang Panganib sa Mpox
Panatilihin ang Malinis na Kalinisan
- Hugasan ang mga kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alcohol-based sanitizer.
- Regular na linisin ang mga gamit at lugar sa bahay, lalo na kung may exposure sa posibleng kaso.
Iwasan ang Direktang Pakikisalamuha sa May Sakit
- Huwag hawakan ang sugat o paltos ng sinumang may sintomas ng Mpox.
- Iwasan ang pag pasok sa silid lalo kung naka isolate sa bahay ang pasyente. Posibleng malanghap ang mikrobyo na magsisilbing daan upang madaling mahawa ng mpox.
Pagsusuot ng Proteksyon
- Dapat magsuot ng gloves, PPE gowns, at masks upang protektahan ang kanilang sarili habang nag-aalaga ng mga pasyente.
- Gumamit din ng face mask kung kinakailangan ang malapitang pakikisalamuha.
Iwasan ang Pagbiyahe sa Lugar na May Mataas na Kaso
- Alamin ang travel advisories bago bumyahe, lalo na kung may outbreak sa pupuntahang lugar.
Paano Gamutin ang Mpox?
Bagamat walang partikular na gamot para sa Mpox, karamihan sa mga kaso ay gumagaling sa loob ng 2-4 linggo. Subalit, posible pa rin na mangailangan ng medikal na atensyon lalo kung malubha na ang kalagayan ng pasyente. Narito ang mga hakbang sa paggamot:
- Supportive Care: Pain relievers at antipyretics para sa lagnat at pananakit.
- Hydration: Pag-inom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
- Antiviral Medication: Sa ilang kaso, maaaring magreseta ang doktor ng antiviral drugs.
Mga Panganib o Komplikasyon ng Mpox
Kapag hindi naagapan, maaaring lumala ang panganib sa Mpox dahil sa mga seryosong komplikasyon tulad ng:
- Secondary Infections: Mga impeksiyon sa balat sa iba pang bahagi ng katawan dahil sa mga sugat.
- Sepsis: Malubhang impeksiyon na kumakalat sa anumang bahagi ng katawan.
- Pneumonia: Kapag naapektuhan ang baga.
- Vision Loss: Kung maapektuhan ang mata ng virus.
Kadalasang Katanungan Tungkol sa Panganib sa Mpox
Ano ang mga pangunahing sintomas ng Mpox?
Ang pangunahing sintomas ay lagnat, pananakit ng katawan, at paltos o rashes sa balat na maaaring puno ng likido. Kapag nagkaroon ng mga sintomas ay siguraduhing gawin ang mga sumusunod:
- Mag-isolate agad
- kumonsulta sa doktor
- sundin ang mga payo para maiwasan ang pagkalat ng virus
May mga namatay na ba dahil sa Mpox?
Wala pa naman namatay sa kaso ng Mpox sa Pilipinas. Ayon sa datos ng DOH, ang mga kaso na naitala ay clade II, na may dalang hindi gaanong matindi na epekto sa kalusugan. Ngunit posible pa rin ang mamatay dahil sa Mpox, kung ang maging kondisyon ay clade I. Maraming mga namatay dahil dito sa malubhang kaso ng Mpox sa kontinente ng Africa. Kalimitan sa kanilang pasyente ay may mga clade I na may mataas na fatality rate, samantalang ang PIlipinas ay clade II lamang.
Pwede bang maulit ang impeksyon ng Mpox?
Madalang ito, ngunit posible kung may mahina na resistensya ang tao. Kaya naman kinakailangan ang pangangalaga sa sarili, kasama na dito ang pagkilos nang tama. Kagaya na lamang ng pagkain ng masustansyang pagkain, pag-inom ng bitamina, at iba pang makakatulong sa pagprotekta laban sa panganib ng Mpox.
Paano kumonsulta sa doktor para maging handa sa panganib ng Mpox?
Maraming pwedeng gawin at isa na rito ang pagkonsulta sa doktor gamit ang telehealth services. Napakahalaga ng telehealth lalo na kung nasa isolation period ang pasyente. Gamit ang ganitong teknolohiya, posibleng magabayan pa rin ng healthcare provider ang mga pasyente.
Kung ikaw ay nangangailangan ng gabay tungkol sa panganib sa Mpox, maaari mong gamitin ang NowServing app upang makausap ang mga expert sa Mpox.
Konklusyon: Alagaan ang Kalusugan sa Pilipinas, Labanan ang Mpox
Ang Mpox ay isang seryosong sakit na dapat pagtuunan ng pansin, lalo na ng mga taong nasa mataas na panganib. Sa tamang impormasyon at wastong pag-iingat, maaaring maiwasan ang panganib sa Mpox.
Kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay may sintomas ng Mpox, agad na kumonsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang gabay. Tandaan, ang kalusugan ay kayamanan.