Nakakaranas ka ba ng sakit o hindi komportableng pakiramdam sa bahagi ng iyong hinlalaki at nakaaapekto ba ito sa iyong pang-araw-araw na gawain? Talakayin natin itong gabay sa tamang pagususuri sa thumb arthritis.
Ano ang Thumb Arthritis Test?
Ang pagsusuri sa thumb arthritis ay isinasagawa ng mga doktor upang suriin ang kalagayan ng kasu-kasuan sa bahagi ng hinlalaki, na kilala bilang carpometacarpal joint (CMC joint). Kinikilala na positibo ang resulta kung ang pasyente ay nakakaranas ng sakit na magkukumpirma ng thumb arthritis.
Dapat alalahanin na ang thumb arthritis ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagkasira ng cartilage ng kasu-kasuan na nagiging sanhi ng pagkiskisan ng mga buto. Sa pamamagitan nito ay posible ang pagkawala ng cushion sa pagitan ng mga buto. na nagresulta sa sakit, pamamaga, at limitadong galaw.
Maaaring makumpirma na may thumb arthritis ang isang tao sa pamamagitan ng paggalaw ng hinlalaki habang may dagdag na pressure sa base ng hinlalaki o bahagi ng pulso. Suriin ang mga tunog ng pagkiskis o kung may biglaang pagsakit sa anumang bahagi na nagpapahiwatig ng pagkasira ng cartilage.
May apat na yugto ang thumb arthritis/osteoarthritis ayon sa Eaton-Litter classification:
Stage | Paglalarawan sa X-ray |
Stage 1 | Bahagyang paglapad ng CMC joint space |
Stage 2 | Bahagyang pagkipot ng CMC joint space na may sclerosis at cystic changes, pagkakaroon ng osteophytes (mga bukol sa buto na tumutubo sa o sa paligid ng mga kasu-kasuan), at loose bodies < 2 mm |
Stage 3 | Malubhang pagkipot ng CMC joint space, sclerosis, cystic changes, pagkakaroon ng osteophytes o loose bodies > 2 mm |
Stage 4 | Mga pagbabago dahil sa arthritis sa CMC joint tulad ng sa Yugto 3 na may scaphotrapezial arthritis |
Abbreviation: CMC, carpometacarpal
Demographics
Ang mga kamay at balakang ang pangalawang pinaka-apektadong dahil sa osteoarthritis at sumunod naman ang mga kasu-kasuan ng tuhod. Karaniwan itong naiuugnay sa pagtanda na mdalas nakikita sa mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan. Bukod dito, may epekto rin ang pagkakaroon ng family history na arthritis, overweight, menopause, joint laxity, occupational exposure, and previous joint injury. Isang meta-analysis na pag-aaral ang nag-ulat na ang radiographic prevalence rate ng thumb base arthritis para sa 50-taong gulang na lalaki at babaeng mga pasyente ay 5.8% at 7.3%. Kung kaya’t posible pa rin magkaroon ng thumb arthritis ang mga kalalakihan.
Pagsusuri, Mga Palatandaan at Sintomas
Kabilang sa mga palatandaan at sintomas ay ang pananakit ng kasukasuan, panghihina sa pagsasagawa ng aksyon katulad ng paghawak at pagpiga, pamamaga, hindi komportableng pakiramdam sa base ng hinlalaki, at limitadong paggalaw ng kasukasuan. Upang masiguro ang tamang pagsusuri sa thumb arthritis ay isinasagawa ng mga doktor ang mga sumusunod:
- Pisikal na pagsusuri upang tingnan ang pamamaga, paninigas, pagkasira ng hugis, at iba pa.
- Pagsusuri sa kasu-kasuan habang tinitiyak ang pananakit nito
- Detalyadong pag-uulat tungkol sa medikal na kasaysayan ng pasyente
- Radiographic imaging o X-ray upang kumpirmahin ang kalubhaan ng thumb arthritis batay sa Eaton-Litter classification.
Paano Magsasagawa ng Self-Test Para sa Thumb Arthritis sa Bahay?
Isa sa madaling paraan upang masuri ang iyong kalagayan sa bahay ay sa tulong ng O at D shape test. Sundin at alamin kung paano ito isinasagawa:
1. Hawakan ang dulo ng iyong hinlalaki gamit ang dulo ng iyong hintuturo
2. Kung makakita ka ng O shape, normal ang iyong hinlalaki (walang arthritis)
3. Kung makakita ka ng D shape, ito ay posibleng palatandaan ng thumb arthritis
Iba pang mga pisikal na pagsusuri na isinasagawa ng mga doktor:
- Grind test
- Traction-shift test
- Pinch strength test
- Lever test
- Metacarpal flexion test
- Metacarpal extension test
Ang grind test ay karaniwang ginagamit upang kumpirmahin ang osteoarthritis sa pamamagitan ng paglalagay ng pressure sa metacarpal thumb bone ng pasyente habang iginagalaw ito sa metacarpal thumb base. Kapag may naramdamang sakin sa CMC joint ay posible na positibo ang indibidwal sa test. Maaari rin maging positibo ito kahit na mayroon man o walang crepitus (hindi nakakapinsalang tunog ng kasu-kasuan). Bagaman ang pagsusuring ito ay isang magandang clinical assessment, hindi nito makukumpirma ang mga hindi malubhang kaso ng thumb arthritis. Kung kaya’t mas makakabuti kung sumailalim sa imaging test kagaya ng Xray at iba pang radiographic imaging test.
Bukod sa nabanggit, ang traction-shift test naman ay katulad ng grind test kung saan kinakailangan ang paglapat ng pressure. Ang paghatak ng hinlalaki ay nakakatulong upang magdulot ng bahagyang pagdislocate at muling pagkakaayos ng basal thumb joint. Maaaring magdulot ito ng sakit sa loob ng CMC joint na siyang makapagpapatibay na positibo ang indibidwal sa thumb arthritis.
Samantalang, ang pinch strength test naman ay gumagamit ng pinch gauge dynamometer na sumusukat sa key pinch, lateral pinch, at tripod pinch ng pasyente kumpara sa hindi apektadong kamay.
Isa pa sa paraan ng pagsusuri ng thumb arthritis ay ang lever test. Ang isa pang provocative maneuver na ito ay kilala rin bilang pressure-shear test. Ang pagsusuring ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghawak sa unang metacarpal pagkatapos ng basal thumb joint at iginagalaw ito pabalik-balik nang may pwersa.
Ang pinakahuli naman ay ang metacarpal flexion test na isinasagawa gamit ang downward force to resist flexion sa thumb ng pasyente. Kapag nakaramdam ng sakit ang pasyente ay maaaring positibo ito sa thumb arthritis.
Sensitivity at Efficacy Rate
Isang pag-aaral tungkol sa animnapu’t dalawang pasyente na may basilar joint arthritis ang iniulat na sumailalim sa grind test, lever test, at metacarpophalangeal extension test. Ipinaghambing ang kanilang mga resulta at natuklasan na ang lever test ang may pinakamataas na sensitivity sa lahat ng nabanggit na test. Natuklasan din na ang grind test ay may pinakamababang sensitivity. Gayunpaman, sa lahat ng mga pagsusuri, ang grind test ay napansin na may pinakamataas na specificity.
Bukod dito, isa pang pag-aaral ay kinakailangan ng consideration. Ito ay tungkol sa 104 na pasyente na sumailalim din sa grind, lever, flexion, at extension test. Ang pag-aaral ay nag-ulat ng sensitivity rate na 64% para sa grind test, 99% para sa lever test, 36% para sa flexion test, at 46% para sa extension test. Ngunit ang specificity rate nila ay 100%, 95%, 100%, at 100%.
Photo by ORTHO BULLETS
Iba Pang Diagnostic Test
Kinakailangan din ng karagdagang pagsusuri upang maging sigurado sa diagnosis tungkol sa thumb arthritis. Makakatulong ang pagsailalim sa imaging techniques kagaya ng X-ray, bone scan, ay iba pa upang malaman ang kasalukuyang yugto ng thumb arthritis.
Treatment
May mga conservative at invasive na mga treatment ang kinakailangan na batay sa iyong kasulukuyang sintomas at stage ng thumb arthritis. Gayunpaman, posibleng mas makatulong ang surgical procedure upang gumaling sa kondisyong ito. Karaniwang ginagamit lamang ang non-surgical na treatment sa mga less severe na kompikasyon. Ilan sa mga ito ay ang paggamit ng topical, oral na gamot para sa anti-inflammatory, injections at iba pa.
Mga Gamot
Ang mga non-steroidal antirheumatics (NSAR), non-steroidal anti-inflammatory, at cyclooxygenase-2 inhibitors na mga gamot ay ilan lamang sa maaaring gamitin para mabawasan ang sakit. Maaari itong gamitin sa paunang stages o yugto thumb joint arthritis. Bukod dito, ang injection therapy treatment gamit ang hyaluronic acid o corticosteroid ay isa ring epektibong intervention.
Operasyon
Para naman sa invasive na treatment method, ang mga surgical treatment ay kadalasang ginagawa sa malubhang kaso upang mapagaan ang mga sintomas ng mga pasyente. Kabilang sa mga surgical procedure na ito ang:
- Arthroplasty – kilala rin bilang joint replacement kung saan isinasagawa ang buong o bahagyang pag-alis ng joint na sinusundan ng pagpapalit ng implant o tendon graft
- Arthrodesis – kilala rin bilang joint fusion kung saan ang mga kasu-kasuan ng buto ay surgical na pinagsasama
- Osteotomy – ang procedure na ito ay muling hinahubog at inaayos/itinatama ang apektadong buto/joint
May iba’t ibang resulta mula sa maagang surgical failure rate hanggang sa mahusay na pangmatagalang matagumpay na procedure para gamutin ang basal thumb joint arthritis.
Lifestyle – Pangangalaga sa Bahay o Home Remedies
Posibleng makatulong sa kalusugan ang pagbabago ng pamumuhay o lifestyle upang maiwasan ang iba pang komplikasyon sa thumb arthritis. Ilan sa mga ito ay ang pangangalaga sa katawan sa pamamagitan ng ehersisyo. Makakatulong ang ehersisyo sa range of motion, thumb strength, at iba pa.
Ehersisyo/Therapy – diskusyon para sa thumb/hand exercise
Ang pagprotekta sa mga kasu-kasuan sa pamamagitan ng paggamit ng thumb splint ay isang pag-iingat sa paggawa ng pang-araw-araw na gawain tulad ng pagbukas ng garapon o pinto, pag-zip at pag-unzip ng damit, at pagsusulat. Tandaan na ang uri ng splint at tagal ng pagsusuot nito ay nakadepende sa mga sintomas at sa pagsusuri ng iyong doktor. Maraming uri ng splint ang mapagpipilian ayon sa kanilang characteristic kagaya ng flexible, rigid non-custom, at custom thermoplastic fits.
Nakakatulong din ang paggamit ng mas kaunting puwersa sa paggamit ng kamay sa anumang aktibidad sa pang araw-araw. Ngunit may mga aktibidad na maaaring makatulong sa paggaling nito katulad ng pagtugtog ng piano. Iinirerekomenda ito upang palakasin ang mga kalamnan sa paligid ng CMC joint.
Anong Uri ng Doktor ang Nagdadalubhasa sa Thumb Arthritis?
Kalimitang nilalapitan na doktor para sa thumb arthritis as ay ang rheumatologist. Isa ito sa mga doktor na nagdadalubhasa sa mga sakit sa buto, kalamnan, at kasu-kasuan tulad ng arthritis. Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na nakalista sa itaas, kumonsulta sa isang rheumatologist para sa tamang diagnosis at mga opsyon sa paggamot.
Paano Mag-book ng Appointment sa Rheumatologist sa NowServing
Para mag-book ng konsultasyon, sundin ang mga simpleng hakbang na ito:
- I-click ang link na ito
- Pumili ng rheumatologist sa pamamagitan ng pag-click sa “BOOK DOCTOR”. Maaari mo ring tingnan ang mga credential ng doktor, educational background, at schedule ng klinika sa pamamagitan ng pag-click sa “VIEW PROFILE”
- Piliin kung ikaw ay existing patient o bagong pasyente
- Punan ang form at i-click ang continue
- Suriin at kumpirmahin ang iyong konsultasyon
Maaari mo ring i-download ang app para sa mas madaling karanasan.
Konklusyon
Ang thumb arthritis o CMC joint arthritis ay isang seryosong kondisyon na karaniwang nakaaapekto sa matatandang populasyon at nagdudulot ng matinding sakit at hadlang sa pang-araw-araw na gawain. Dapat mag-ingat at subaybayan ng mga pasyente ang anumang palatandaan ng sakit na ito katulad ng hindi komportableng pakiramdam sa hinlalaki, sakit, pamamaga, at paninigas. Magpa-schedule ng konsultasyon sa iyong doktor para sa mga estratehiya sa paggamot na pinakamainam para sa iyo.