Sa pagtaas ng mga kaso ng Mpox, mahalagang malaman kung paano ito maiiwasan. Ang paghawa ng Mpox ay maaaring mangyari sa ilang mga partikular na aktibidad na bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Sa artikulong ito, bibigyan namin kayo ng detalyadong impormasyon kung paano ninyo mapoprotektahan ang iyong sarili at ang iba pa sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga tiyak na gawain.
Ano ang Mpox?
Ang Mpox o Monkeypox ay isang nakakahawang sakit na nagmula sa mga hayop sa Africa. Noong 2022 ay nakarating na ang sakit sa Pilipinas kaya’t may ilang kaso na ang naitala ng Department of Health (DOH). Subalit muli nanaman tumaas ang kaso ngayong 2024 dahil sa patuloy na paghawa ng Mpox sa ibang tao.
Kahit ganoon ay hindi pa rin nakaka-alarma ang mga naging kaso ng Mpox lalo na’t clade II ang kumakalat sa bansa. Ito ang virus na mababa ang mortality rate at mataas ang posibilidad na gumaling matapos ang dalawa hanggang apat na linggo. Ngunit hindi pa rin dapat maging kampante ang lahat dahil ang paghawa ng Mpox ay posible kahit ang Mpox virus ay clade I o clade II.
Mga Sintomas ng Mpox
Sa kasalukuyan ay may mga natatanging senyales na nagsasabi kung ang indibidwal ay may Mpox. Isa na rito ang pamamantal ng Mpox o tinatawag na blisters na lubhang nakahahawa. Kasama sa mga sintomas nito ang lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng lalamunan, at iba pa.
Ayon sa mga natuklasang impormasyon tungkol sa Mpox, maaaring magkaroon ng pamamantal ng Mpox bago ang iba pang mga sintomas. Gayundin naman ang pagkakaroon ng lagnat bago magkaroon ng rashes sa katawan.
Kahit ano man ang mauna ay dapat tandaan na ang mga sintomas ay posibleng lumabas sa loob ng itinakdang incubation period na 1-21 araw. Kadalasan kapag mahina ang resistensya o immune system ng pasyente ay mas mabilis silang tamaan ng sakit na Mpox. Kaya dapat mag-ingat ang lahat upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.
Paano ito Kumakalat?
Maraming paraan ang maiuugnay sa pagkalat ng Mpox sa Pilipinas. Ayon sa nilabas na gabay ng DOH, ang mga posibleng paraan ng pagkalat ay ang mga sumusunod:
- pakikipagyakapan
- pakikipaghalikan
- pakikipagtalik
- pagpunta sa mataong lugar at makipagsiksikan
- pakikipag-usap nang matagal sa ibang tao
Bukod sa mga direct contact na ito ay maaari rin na kumalat ang virus sa pamamagitan ng paghawak sa kontaminadong bagay, at paminsan-minsang sa pamamagitan ng droplets mula sa pagbahing o pag-ubo.
Agarang pag-iingat ang kailangan upang maiwasan ang pagkalat nito.
Mga Aktibidad na Dapat Iwasan
Kagaya ng nabanggit ay maraming posibleng paraan sa paghawa ng Mpox sa mga tao. Kabilang na dito ang mga pangkaraniwang aktibidad kagaya ng pakikipagyakapan at iba pa.
Upang maiwasan ang patuloy na paghawa ng Mpox ay mas mabuting iwasan ang mga sumusunod na aktibidad.
Pisikal na Kontak
Ang pisikal na kontak ay posibleng magdulot ng skin-to-skin contact sa mga tao. Kaya naman mas mabuting iwasan ang anumang aktibidad na na nangangailangan ng kontak
Pagdalo sa Mga Matataong Lugar
Bukod dito ay posible rin ang paghawa ng Mpox kung kapag nasa isang mataong lugar. Lumayo muna sa mga pampublikong lugar na kung saan maaaring mahirap panatilihin ang social distancing, tulad ng mga palengke, malls, at mga pampublikong transportasyon.
Paggamit ng Personal na Kagamitan ng Iba
Isa pang aktibidad na maaaring magdulot ng paghawa ng Mpox ay ang paggamit ng bagay ng taong may sakit. Ang indirect contact na ito ay posible lalo kung ang bagay na gamit ay kontaminado (e.g., tuwalya, damit, o kubyertos).
Paano Maiiwasan ang Paghawa sa Bahay?
- tamang paglilinis
- personal na hygiene
- paggamit ng protective gear
- social distancing
Mga Kadalasang Tanong Tungkol sa Paghawa ng Mpox
Ano ang dapat kong gawin kung ako ay nakasalamuha ng taong may Mpox?
Ihiwalay ang sarili at obserbahan ang anumang sintomas sa loob ng dalawang linggo, at makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad sa kalusugan.
Paano ko malalaman na ako ay nahawaan ng Mpox?
Kung ikaw ay naisumpong ng rashes at iba pang sintomas ng Mpox, mahalaga na agad kang magpa-check sa doktor para sa tamang pagsusuri at pagtukoy kung ikaw nga ba ay positibo sa sakit na ito. Ang agarang pagtukoy ay makakatulong upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba.
Ano ang solusyon ng local government units ng Pilipinas tungkol sa patuloy paghawa ng Mpox?
Ang mga lokal na pamahalaan sa Pilipinas ay patuloy na nagsasagawa ng kampanya para labanan ang pagkalat ng Mpox. Ang ilan sa kanilang mga solusyon ay ang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng bakuna laban sa Mpox, pagsasagawa ng libreng testing sa pampublikong ospital, at ang pagbili ng bakuna.
Aktibong Partisipasyon Para Mapigilan ang Paghawa ng Mpox
Ang pag-iwas sa paghawa ng Mpox ay nangangailangan ng aktibong partisipasyon ng lahat. Lubhang mapanganib ang Mpox at sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga nabanggit na aktibidad, masisiguro mo ang iyong kaligtasan pati na rin ng iyong pamilya.
Maging mapanuri sa mga update tungkol sa Mpox upang maging handa sa banta sa iyong kalusugan. Kung sa tingin mo ay posibleng nahawaan ka ng Mpox, maaaring kumonsulta sa infectious disease doctor.