Umabot na sa lima ang naitalang pasyente na may Monkeypox sa loob ng buwan ng Agosto. Ayon sa mga pangunahing balita, ang mga kumpirmadong kaso ng Mpox ay ang clade II. Ang clade II ay isang uri ng Monkeypox na hindi nakakamatay, ngunit ibayong pag-iingat ang kailangan.
Sa artikulong ito, ating tuklasin ang mga importanteng impormasyon upang maiwasan ang pagkalat ng Monkeypox sa bansa. Tuklasan ang mga sintomas ng mpox at ang alamin ang nararapat na aksyon upang matugunan ang sakit na ito.
Pangkalahatang Kaalaman Tungkol sa Monkeypox
Ano ang Monkeypox?
Ang Monkeypox o Mpox ay isang sakit na sanhi ng Monkeypox virus. Ito ay isang sakit na karaniwang nagmumula sa gitna at kanlurang bahagi ng kontinente ng Africa. Mayroon itong dalawang kategorya, ang clade I at clade II. Importanteng malaman ng lahat na ang clade I ay pinakamalala na klase ng Mpox. Samantala, ang kategoryang clade II naman ay may hindi gaanong katinding epekto sa kalusugan ng mga pasyente.
Ayon sa Department of Health or DOH ay may naitalang 14 na kaso ng Monkeypox sa Pilipinas simula noong 2022 hanggang ngayon. Lahat ito ay nasa kategorya na clade II, kaya posibleng gumaling agad ang mga pasyente na may Mpox. Ngunit, importante pa rin na maging alerto ang lahat lalo na sa panahon ngayon dahil sa patuloy na pagdami ng kaso sa Pilipinas.
Kasaysayan ng Monkeypox
Unang naitala ang Monkeypox sa mga unggoy sa Gitnang Silangang Africa noong taong 1958. Matapos ang ilang taon, ang virus na ito ay umabot na sa mga tao. Bagamat hindi gaanong kahawig ang Monkeypox sa malalang sakit na smallpox, may mga pagkakatulad ang dalawang sakit na ito kung saan ang mga sintomas ay may kaugnayan sa balat.
Simula nang magkaroon ng mga kaso ng Monkeypox sa iba’t ibang bahagi ng mundo, patuloy ang pag-aaral ng mga siyentipiko at mga eksperto upang masuri ang sakit na ito at hanapin ang pinaka-epektibong paraan ng pag-iwas at paggamot.
Ang mga pag-aaral ay naglalayong matukoy ang pinagmulan ng Monkeypox virus at ang mga posibleng paraan ng pagkalat nito sa mga tao. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga kaso at pagsasagawa ng mga eksperimento, inaasahang mas mapag-aaralan pa ang sakit na ito upang mahanap ang lunas o bakuna laban dito.
Koneksyon ng Mpox at Smallpox
Tandaan na ang monkeypox ay maaaring maihalintulad sa smallpox, ngunit sila ay may pagkakaiba pa rin, katulad ng laki ng pamamantal or kaya ay pagpapaltos ng balat. Dahil dito, mahalagang maging maingat at maging handa sa anumang posibleng paglaganap ng sakit na ito.
Bukod dito, ang smallpox ay isa sa mga sakit na napuksa noong 1980 sa tulong ng agarang pagresponde sa nakakahawa at nakamamatay na sakit. Ayon sa WHO o World Health Organization, kasabay ng pagkakaroon ng turok sa smallpox ay ang pagdami ng kaso Monkeypox sa Africa.
Dahil dito, maaaring sabihin na may koneksyon ang dalawang sakit, ngunit dapat pa rin tignan ang bawat aspeto kagaya ng kanilang sanhi at epekto sa tao.
Paano ito Nakukuha at Kumakalat?
Mga Pinagmumulan ng Monkeypox
Isa sa pangunahing pinagmulan ng sakin na Mpox ang mga unggoy. Bukod dito, ang mga daga rin ay isa sa mga hayop na posibleng nagdala ng sakit na nagpakalat sa Africa at karatig bansa. Dahil dito ay laganap na ang Mpox at naging isa sa mga sakit na binabantayan ng lahat ng ahensya na pangkalusugan.
Paano Kumakalat ang Monkeypox?
Kagaya ng nabanggit ay nagkaroon ng pagkalat ng Mpox dahil sa mga hayop na unggoy at daga. Posible ang pagsalin ng sakit sa mga tao kung sila ay nakagat o nakalmot ng mga ito.
Hindi lamang yan ang posibleng rason ng paglaganap ng Mpox dahil pwede rin maisalin sa kapwa tao ang Mpox virus. Ito ay maaaring mangyari kapag nahawakan ng isang tao ang mga pantal o mga bukol ng isang monkeypox-infected individual. Maaaring magkaroon din ng pagkalat ng mikrobyo sa pamamagitan ng paglanghap ng kontaminadong laway o plema na tao na may Mpox.
Gayundin naman ang posibleng mangyari kapag gumamit ang ibang tao ng kasangkapan ng taong may sakit na Monkeypox. Kaya ibayong pag-iingat ang kailangan at pagbukod upang maiwasan ang hawahan.
Mga Dapat Iwasan na Aktibidad
Ang pagkalat ng sakit na ito ay dahil sa direktang kontak ng mga tao. Kaya naman mabuti kung iiwasan ang mga sumusunod na aktibidad sa panandaliang panahon.
Ating tingnan ang mga dapat iwasan na aktibidad sa ilalim:
- pagyayakapan
- pagtatalik
- pakikipag hawak-kamay
- pagpunta sa maraming tao
- pakikipaghalikan
Sintomas ng Monkeypox
Mga Karaniwang Sintomas
Ayon sa DOH, ang mga pasyente ay posibleng magkaroon ng mga sintomas sa loob ng 1-21 na araw matapos ang direktang kontak sa taong may sakit. Kadalasan nagtatagal ito ng 2-4 na linggo hanggang tuluyan na gumaling ang may sakit.
Ito ang mga karaniwang sintomas ng Mpox:
- lagnat
- panginginig
- pananakit ng ulo
- pagkawala ng enerhiya
- pananakit ng katawan
- pananakit ng lalamunan
Malalaking Pantal at Paltos sa Katawan
Bukod sa mga nabanggit, isa pang sintomas ay ang pagkakaroon ng mga pantal or paltos sa katawan. Maaari itong magsimula sa mukha hanggang kumalat ito sa buong katawan. Ngunit posible din na magsimula ito sa palad at talampakan.
Ito ang mga posibleng lokasyon ng pantal at paltos sa mga taong may Mpox:
- palad at kamay
- talampakan at paa
- mukha
- loob ng bibig
- dibdib
- singit
- maselang bahagi ng katawan
- pwet
Ilan lamang ito sa posibleng lokasyon na pwedeng tubuan ng pantal at paltos. Ang pagkakaroon ng mga malalaking bukol ay posibleng magdulot ng paghawa sa ibang mga tao. Kaya upang mapigilan ang pagkalat ng mpox ay marapat lamang na pumunta sa doktor.
Mga Dapat Gawin Kapag May Monkeypox
Sa anumang posibilidad ng Monkeypox, mahalagang kumunsulta agad sa isang healthcare professional upang mai-diagnose at mabigyan ng angkop na pag-aaruga. Ang agarang pagtukoy at paggamot ng Monkeypox ay mahalaga upang maiwasan ang mga komplikasyon at mapigilan ang pagkalat sa iba pang mga tao.
Mahalagang sundin ang mga sumusunod upang masiguro ang mabilis na paggaling:
- Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
- Magsuot ng damit na mahahaba upang matakpan ang mga malalaking pantal sa katawan
- Piliin ang mag-isolate para hindi makahawa ng ibang tao
- Kung mananatili sa bahay habang nagpapagaling ay siguraduhing huwag hahawakan ang ibang kagamitan
- Magsuot ng mask kung kinakailangan
- Huwag tirisin o kamutin ang mga bukol sa katawan
- Iwasan mag-ahit upang hindi mahawa ang ibang parte ng katawan na walang bukol
Ang Mpox ay maaaring makahawa sa pamamagitan ng direktang kontak. Magkonsulta sa doktor upang malaman ang dapat na treatment setup para sa mabilis at epektibong paggaling.
FAQs
Anong medical procedure ang ginagamit upang malaman kung meron kang Monkeypox?
Ang medical procedure na ginagamit sa mga testing centers ay PCR o polymerase chain reaction. Ayon sa Department of Health, ito ang uri ng medical procedure na ginamit upang makumpirma ang 14 na kaso ng Mpox sa Pilipinas.
Kung sa iyong paningin ay mayroon kang Monkeypox, bumisita na agad sa doktor para malaman ang iyong kalagayan.
Ano ang susunod na hakbang pagkatapos lab test?
Kapag nakumpirma sa PCR na ikaw ay mayroong Mpox, makakatanggap ka ng mga paalala, gamot, at iba pa para sa mabilis na paggaling. Bukod dito, maaaring hingin ng kinauukulan ang mga importanteng impormasyon upang ma-trace ang iyong nakasalamuha ng mga nakaraang araw at linggo.
Mayroon na bang bakuna laban sa Mpox sa Pilipinas?
Sa kasalukuyan ay wala pang bakuna laban sa Mpox dito sa Pilipinas. Ngunit ang mga healthworrkers ay nagbibigay ng agarang aksyon upang gabayan ang mga pasyente. Isa na dito ang pagbibigay ng mga gamot para sa sakit ng katawan at sa mga bukol.
Anong pinagkaiba ng Mpox sa iba pang sakit sa balat kagaya ng tigdas?
Ang pinagkaiba ng Monkeypox sa iba pang sakit sa balat tulad ng tigdas at kulugo ay ang mga sintomas nito. Halimbawa, ang Monkeypox ay nagdudulot ng pagkakaroon ng bukol sa piling bahagi ng katawan na may kasamang lagnat, pagkahilo, panginginig, at iba pa. Samantalang ang tigdas naman ay pagkakaroon ng maraming pantal sa buong bahagi ng katawan.
Gaano katagal bago mawala ang epekto ng Mpox sa balat?
Tumatagal ng 2 hanggang 4 na linggo ang sintomas ng Mpox. Kung mas tumagal man ang mga nararamdamang sintomas, importanteng bumisita sa doktor upang malaman ang naging komplikasyon.
Ang Monkeypox ay isang rare viral sakit na kadalasang naililipat mula sa hayop patungo sa tao. Ang mga sintomas nito ay katulad ng smallpox ngunit mas banayad ang kanyang epekto sa kalusugan ng tao. Karaniwan itong natatanggap sa pamamagitan ng direct contact sa mga mayroong impeksyon gaya ng pagdampi sa mga patak ng laway o dumi ng hayop na may sakit. Kaya naman, mahalaga ang tamang kaalaman sa kung paano ito naipapasa upang maiwasan ang pagkalat nito.