Maraming banta sa kalusugan ang dapat paghandaan, at isa na rito ang HPV. Kaya naman ang pagkilala sa papel ng HPV vaccine ay kinakailangan upang maging handa sa panganib na dala ng sakit na ito. Mabuti na lamang ay isinusulong ng Department of Health ang mga health programs katulad ng HPV vaccine sa Pilipinas. Sa pagpapalaganap ng mga program na ito, ay matutulungan ang mga taong maging protektado.
Kung ikaw ay nangangailangan ng gabay upang makatanggap ng HPV vaccine sa Pilipinas, makakatulong ang pag-babasa ng artikulong ito. Alamin ang mga lugar na pwedeng puntahan upang makatanggap ng bakuna laban sa cervical cancer.
Bakit Mahalaga ang HPV Vaccine sa Pilipinas
Ang HPV vaccine sa Pilipinas ay isang epektibong proteksyon laban sa human papillomavirus (HPV), na nagdudulot ng cervical cancer at iba pang sakit tulad ng genital warts. Inirerekomenda ang HPV vaccine para sa babae at sa iba pang mga kabataan bago maging aktibo sa pakikipagtalik, ngunit maaari rin itong ipahanda para sa mas nakatatandang edad.
Napakahalaga ng bakuna sa Pilipinas dahil sa malubhang komplikasyon na maaaring mangyari kapag hindi agad naagapan ang HPV. Kung kaya’t itong bakuna para sa kabataan ay dapat ipagpatuloy upang bigyang proteksyon ang mga kababaihan mula sa edad na 9 years old pataas.
Paano Magpabakuna?
Magpa-Schedule ng Appointment
- Tumawag o magpunta sa pinakamalapit na ospital, health center, o klinika para magtanong ukol sa availability ng bakuna. Maaari rin gumamit ng telehealth consultations app kagaya ng NowServing para sa iyong bakuna.
Magdala ng Valid ID at Medical History
- Siguraduhing kumpleto ang dokumento para sa mas mabilis na proseso.
Sundin ang Dosage Schedule
- Mahalagang sundin ang nararapat na dosage at schedule para sa bakuna. Kadalasan, ang dosage ay nakadepende sa edad at kalusugan upang makamit ang buong proteksyon.
Saan Pwedeng Magpabakuna?
Mga Pampublikong Ospital
- Ang Department of Health (DOH) ay nag-aalok ng libreng HPV vaccine sa piling pampublikong ospital. Alamin sa inyong lugar kung saan ito magagamit.
Barangay Health Centers
- Ilang health centers ang nagbibigay ng libreng bakuna sa mga kabataang babae sa ilalim ng vaccination programs ng gobyerno.
Pribadong Klinika at Ospital
- Bukod sa libreng bakuna sa HPV ay posible rin na makakuha ng HPV vaccine sa Pilipinas sa tulong ng pribadong ospital. Mayroon silang mga bakuna para sa bata hanggang matanda at kasama na doon ang HPV vaccine.
School-based HPV Vaccination
- May mga eskwelahan na nagbibigay ng immunization laban sa HPV bilang bahagi ng kampanya para sa kalusugan. Makipag-ugnayan sa inyong paaralan para sa mga importanteng detalye.
Kadalasang Tanong Tungkol sa HPV Vaccine sa Pilipinas
Kailangan ba ang reseta para sa HPV vaccine?
Hindi kinakailangan ang reseta sa karamihan ng mga programa. Magtanong sa iyong lokal na health center.
Libre ba talaga ang HPV vaccine?
Oo, libre ito sa mga programa ng DOH para sa kabataan. Sa mga pribadong ospital, may bayad ito. Tuklasin kung saan ka pwedeng kumunsulta para sa bakuna laban sa cervical cancer at genital warts na dulot ng HPV strains.
Ilang dose ang kailangan?
Ang nirerekomenda ng doktor ay dalawa para sa edad 9-14 at tatlo naman para sa mas nakakatanda.
Dapat May Alam, Kumunsulta Para sa HPV Vaccine sa Pilipinas
Ang HPV vaccine ay isang mahalagang hakbang upang protektahan ang iyong kalusugan laban sa cervical cancer at iba pang sakit. Kung kaya’t maging bukas sa mga opsyon katulad ng libreng bakuna sa ospital o kaya kumunsulta sa doktor para sa HPV vaccine.
Magpabakuna na upang protektahan ang iyong sarili laban sa banta ng HPV!
Alamin ang mga opsyon, magtanong sa inyong doktor, at magpabakuna na!