Kailgtasan at pangangalagang naaangkop sa kalusugan ang kinakailangan upang mamuhay nang mapayapa ang komunidad laban sa HPV. Ngunit, posible lamang itong mangyari kung may access ang publiko sa bakuna sa HPV. Sa HPV vaccination, kaligtasan ay tiyak na mangyayari dahil pinapatibay nito ang immunity ng mga kabataan hanggang matanda.

Kung may panganib na dala ng HPV ang nagbabadya sa kalusugan ng komunidad, mabuting alamin ang benepisyo ng HPV vaccine sa kalusugan. Basahin ang artikulong ito para sa mahahalagang diskusyon tungkol sa aspetong HPV vaccination kaligtasan.

Pinagmulan ng HPV at Paano Ito Naipapasa?

sexual contact - transmission ng HPV

Kilala ang HPV o Human Papillomavirus bilang isa sa sexually transmitted infection dahil sa pakikipagtalik nang walang proteksyon. Kadalasan ang mga pasyenteng positibo sa HPV ay may kailangang bantayan na mga komplikasyon. Isa sa pinakamalalang epekto ng HPV infection ay ang cervical cancer. Sa Pilipinas, isa ito sa mga sakit na binabantayan dahil sa mataas na kaso ng pagkamatay na dulot ng cervical cancer.

Bagama’t posibleng mamatay sa HPV, may mga kaso pa rin nito na maaari lamang magdulot ng magaan na epekto. Ang isa sa magaan na epekto ng HPV ay ang pagkakaroon ng genital warts. Maaari itong gumaling sa tulong ng minimal na gamutan. Ngunit kahit ganoon lamang ang epekto nito ay kailangan pa rin mag-ingat upang maging ligtas sa HPV.

Mga Dahilan Para Magkaroon ng HPV

Maraming rason ang naiuugnay sa pagkakaroon ng HPV. Ayon sa mga pagsusuri ng mga expert, ang HPV ay kadalasang naipapasa hangga’t may direktang contact ang mga tao. Isa na rito ang pagtatalik dahil mayroon itong skin-to-skin contact. Ngunit hindi lamang yan ang dapat bantayan. Alamin ang mga natatanging sanhi ng pagkakaroon ng HPV.

  • skin-to-skin contact – Bagama’t maliit ang posibilidad ay posible pa rin ito sa pamamagitan ng paghawak sa mga bagay na nahawakan ng taong positibo sa HPV.
  • sexual contact – Maaaring mahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik gamit ang iba’t-ibang paraan katulad ng pag-hawak sa ari, penetration, at oral-to-genital.
  • vertical transmission – Isa rin sa posibleng sanhi ay ang pagpasa ng HPV mula sa nanay hanggang sa kanyang sanggol habang pinagbubuntis ito.

Bakit Mahalaga ang HPV Vaccine sa Kalusugan?

benepisyo ng hpv vaccine - hpv vaccination kaligtasan

Dahil sa mga posibleng pagkakataon na maaaring mahawaan ng HPV, kailangan maprotektahan ang mga kabataan at matatanda. Isa sa isinusulong na paraan ng WHO o World Health Organization ay ang pagpapalaganap ng HPV vaccination. Kaligtasan sa panganib na dala ng HPV ang makukuha ng mga taong makakakuha ng bakuna na ito.

Ayon sa World Health Organization (WHO), higit sa 660,000 bagong kaso ng cervical cancer ang naitatala taon-taon, at ang bakuna laban sa HPV ay maaaring makapigil sa karamihan ng mga ito. Kung kaya’t ang pagpapalaganap ng prograng bakuna sa HPV sa komunidad ay kinakailangan upang maraming kababaihan ang maprotektahan sa komplikasyon ng HPV.

Mga Benepisyo ng HPV Vaccine

1. Proteksyon Laban sa Cervical Cancer

Ang HPV vaccine ay dinisenyo upang protektahan laban sa mga high-risk strains ng HPV (tulad ng HPV-16 at HPV-18), na responsable sa halos 70% ng mga kaso ng cervical cancer. Sa pamamagitan ng HPV vaccination, kaligtasan sa panganib ng pagkakaroon ng kanser ay makakamit.

2. Pag-iwas sa Genital Warts

Maliban sa cancer prevention, pinipigilan din ng bakuna ang pagkakaroon ng genital warts, na sanhi ng low-risk HPV strains (HPV-6 at HPV-11). Ang warts na ito ay posibleng tumubo sa ari at sa tumbong. Kinakailangan ng masusing mga pagsusuri upang masolusyunan ito.

3. Proteksyon para sa Lalaki

Bagama’t mas kilala ang HPV vaccine bilang proteksyon para sa kababaihan, mahalaga rin ito para sa kalalakihan. Pinipigilan nito ang mga sakit tulad ng penile at anal cancer, na dulot ng HPV.

4. Kaligtasan ng Komunidad

Kapag mas maraming tao ang nabakunahan, nababawasan ang pagkalat ng virus sa komunidad. Ang herd immunity ay isang mahalagang benepisyo ng malawakang pagbabakuna.

Paano at Kailan Dapat Magpabakuna?

proteksyon sa HPV sa tulong ng bakuna sa HPV

Sino ang Dapat Bakunahan?

Inirerekomenda ang HPV vaccine para sa:

  • Mga kabataang babae at lalaki na may edad 9–14 taon (bago maging sexually active)
  • Mga kababaihan hanggang 26 taong gulang na hindi pa nababakunahan
  • Mga kalalakihan hanggang 21 taong gulang, o mas mataas kung nasa high-risk groups

Ilang Dose ang Kailangan?

  • Dalawang dose: Para sa mga may edad 9–14 taong gulang
  • Tatlong dose: Para sa mga mas nakatatanda o immunocompromised na tao katulad ng may HIV.

Saan Magpapabakuna?

  • Mga pampublikong health center

Ang Department of Health (DOH) ay nag-aalok ng libreng bakuna sa HPV sa piling lugar. Magtanong sa inyong health center para sa availability.

  • Mga pribadong klinika at ospital

Kung hindi pasok sa libreng programa, maaaring magtungo sa pribadong ospital. Ang presyo ng HPV vaccine ay nakadepende sa rate ng ospital o ng clinic na iyong pupuntahan. Maaari rin gamitin ang iyong HMO kung sa pagpapabakuna kaya’t mabuting itanong ito sa ospital o sa clinic na iyong pupuntahan.

  • School-based programs

Sa tulong ng DepEd, may mga eskwelahan na nag-aalok ng HPV vaccination para sa mga estudyanteng babae. Ito ay isinusulong upang maagang maprotektahan ang mga kababaihan laban sa banta ng HPV.

Basahin ang kaugnay na artikulo: HPV Vaccine sa Pilipinas: Paano at Saan Magpapabakuna

Ligtas ba ang HPV Vaccine?

Maraming pag-aaral ang nagpapatunay na ligtas at epektibo ang HPV vaccine. Ang mga side effects ay karaniwang mild at panandalian, tulad ng:

  • Pananakit sa lugar ng bakuna
  • Lagnat
  • Bahagyang pagkahilo

Walang matibay na ebidensiya na ang bakuna ay nagdudulot ng malubhang komplikasyon. Mahalagang kumonsulta sa doktor upang matiyak ang pagiging angkop nito para sa iyong kalusugan.

Mga Katanungan sa HPV Vaccination at Kaligtasang Dala Nito

Bakit dalawa o tatlong dose ang kailangan?

Ang dosage schedule ay nakadepende sa edad. Ang mas nakababatang katawan ay nangangailangan ng mas kaunting dose dahil sa mas malakas na immune response. Kung nais mong malaman ang nararapat na dami ng dose para sa iyo ay huwag mag-atubiling kumunsulta sa doktor.

Maaari bang magpabakuna kahit aktibo na sa pakikipagtalik?

Oo, maaari pa rin itong magbigay ng proteksyon laban sa mga HPV strains na hindi pa naipapasa. Ngunit hindi ibig sabihin ay dapat babalewalain ang kahalagahan ang safe sex at paggamit ng proteksyon. Marami pa rin na sexually transmitted diseases ang maaaring makuha dahil sa pakikipagtalik. Kung kaya’t mas mabuting maging maingat sa sarili.

Kailangan ba ng reseta para sa HPV vaccine?

Sa karamihan ng mga pampublikong health program, hindi na kailangan. Sa pribadong klinika, maaaring kailanganin ng konsultasyon bago magpabakuna. Kung ikaw ay naghahanap ng ospital o klinik para sa pagpapabakuna, maaari kang kumunsulta online gamit ang NowServing app.

Konklusyon

Ang aspetong HPV vaccination kaligtasan ay isa sa dapat tandaan ng mga tao upang magkaroon ng tsansa laban sa komplikasyong dala ng HPV. Ito ay nakapagbibigay ng kaligtasan dahil sa ibinabahagi nitong proteksyon sa HPV. Sa pamamagitan ng pagbabakuna, nababawasan ang panganib ng cervical cancer, genital warts, at iba pang komplikasyon.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito—kumonsulta sa iyong doktor at alamin ang mga bakunang magagamit sa inyong lugar.