Sa tulong ng HPV vaccine, maraming buhay ang maaaring mailigtas dahil sa epektibong proteksyon nito sa kalusugan ng mga tao. Iyan lamang ang isa sa mga natatanging benepisyo ng bakuna sa HPV, ngunit napakahalaga nito dahil ang cervical cancer ay isa sa kinakaharap ng mga kababaihan sa Pilipinas. Maraming kaso ng cervical cancer ang naitalang nagdulot ng pagtaas ng death rate. Kung kaya’t ang pagsulong ng bakuna upang mapuksa ang HPV ay kinakailangan.

Marami pang benepisyo ng bakuna sa HPV ang dapat mong malaman lalo kung isa ka sa mga high-risk individuals na maaaring mahawaan nito. Alamin ang proteksyon at pangangalagang handog ng bakuna sa HPV sa Pilipinas.

Gaano Kahalaga ang Maagang Pagpapabakuna?

kahalagahan ng bakuna sa cervical cancer at iba pang komplikasyon ng hpv

Kagaya ng nabanggit, ang Human Papillomavirus ay isang nakakaalarmang sakit dahil sa maaari itong madulot ng komplikasyon kagaya ng cervical cancer. Ngunit hindi lamang yun ang pwedeng makuha ng mga tao kapag nahawaan nito. Kung kaya’t mahalaga ang pagsulong sa malawakang HPV vaccine upang protektahan ang mga tao.

Ayon sa World Health Organization at sa health protocols ng Department of Health, nararapat na masimulan habang maaga pa lamang ang pagbabahagi ng immunization. Sa paraang ito, maagang magkakaroon ng proteksyon ang mga kabataan bago pa man sila maging aktibo sa ibang bagay. Subalit dapat din tandaan na ang isa sa paraan ng pagpapasa ng HPV ay ang pakikipagtalik. Kaya’t sa pamamagitan ng maagang pagpapabakuna, tiyak na maaaring maiwasan ang banta ng HPV sa kalusugan.

Basahin ang kaugnay na artikulo tungkol sa benepisyo ng bakuna sa HPV

Mga Banta ng HPV sa Kalusugan

cervical cancer ribbon - komplikasyon ng hpv

Ang Human Papillomavirus ay isang banta sa kalusugan dahil pinapahina nito ang resistensya o immune system. Ito ay kadalasang nagsisimula bilang isang impeksyon hanggang sa nagdudulot ito ng mga komplikasyon. Ating talakayin ang mga posibleng komplikasyon na dulot ng HPV.

Kanser

Isa sa binabantayang epekto o komplikasyon ng HPV ay ang pagkakaroon ng kanser. Kadalasan nagkakaroon ng kanser sa mga parte ng katawan kagaya ng penis, vagina, anus, cervix, at throat. Ito ay nangyayari dahil sa pangkaraniwang pagpasa ng HPV sa ibang tao habang nakikipagtalik. Ang HPV ay may strains na nagdudulot ng pagdevelop ng kanser sa mga nabanggit na parte ng katawan.

Genital Warts

Bukod sa kanser, posible rin ang pagkakaroon ng warts sa mga maselang parte ng katawan. Katulad ng nabanggit kanina ay may HPV strains din na nagdudulot ng genital warts sa mga nahawaan ng HPV. Nakukuha ito sa pakikipagtalik nang walang proteksyon.

Warts

Posible rin ang pagkakaroon ng warts sa iba pang bahagi ng katawan dahil sa impeksyon ng HPV. Ang mga warts na ito ay nakakapag dulot ng matinding sakit. Kung kaya’t kinakailangan ng solusyon upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito.

Parte ng katawan na posibleng magkaroon ng warts ay ang mga sumusunod:

  • palad
  • talampakan
  • daliri sa kamay at paa
  • mukha

Paano Tinutulungan ng HPV Vaccine ang Pag-iwas sa Cervical Cancer?

herd immunity para sa pamilya - benepisyo ng bakuna sa hpv

Pagbibigay ng Proteksyon Laban sa Mga High-Risk HPV Strains

May iba’t ibang HPV strains ang binabantayan ng mga health experts upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng HPV. Ang ilan sa mga ito ay responsable sa 70% na kaso ng cervical cancer sa buong mundo. Samantalang ang iba ay nakakapagdulot ng pagtubo ng genital warts at iba pang warts sa katawan ng tao.

Gayunpaman ay hindi ito dapat pang alalahanin dahil sa benepisyo ng bakuna sa HPV. Ang mga bakuna na ibinabahagi sa publiko ay dinisenyo upang bigyang direktang target ang mga strain na ito upang maiwasan ang panganib ng impeksyon.

Pag-iwas sa Iba Pang Uri ng Kanser

Isa sa nabanggit kanina ay ang panganib ng pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng kanser dahil sa HPV. Ang kanser ay kilala bilang isa sa malubhang sakit na makukuha ng tao. Maraming kaso na rin ang nauuwi sa kamatayan kung kaya’t nararapat lamang na bigyang solusyon ang panganib ng HPV. At sa pamamagitan ng bakuna, makukuha ng mga tao ang benepisyo na proteksyon at pangangalagang tunay laban sa HPV.

Pagbawas sa Panganib ng Genital Warts

Hindi lamang kanser ang maiiwasan sa pamamagitan ng bakuna. Ang genital warts, na dulot ng low-risk HPV strains, ay maaari ring mabawasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Kalusugan ng Komunidad

Kapag mas maraming tao ang nagpapabakuna, bumababa ang pagkalat ng virus sa buong komunidad. Ang konsepto ng herd immunity ay mahalaga sa pagpigil sa malawakang pagkalat ng HPV, lalo na sa mga populasyong mahina ang access sa serbisyong pangkalusugan.

Sino ang Nararapat Magpabakuna ng HPV Vaccine?

Mga Kabataan (9-14 Taong Gulang)

Ayon sa rekomendasyon ng WHO, ang pinakamahusay na panahon para sa pagbabakuna ay bago maging sexually active. Sa edad na 9-14, ang katawan ay may mas mataas na immune response sa bakuna. Maaari pa rin mabakunahan ang mga may edad na lagpas sa 14 years old, ngunit may hangganan ito sa edad na 45. Mas mabuting kumunsulta sa doktor upang malaman ang nararapat na edad para sa pagkuha ng bakuna sa HPV.

Mga Kababaihan at Kalalakihan

Hindi lamang kababaihan ang maaaring magpabakuna. Ang mga kalalakihan ay maaari ring magpabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng HPV at mabawasan ang kanilang sariling panganib sa HPV-related cancers.

Mga Katanungan Tungkol sa Benepisyo ng Bakuna sa HPV

Ano ang benepisyo ng HPV vaccine para sa kalalakihan?

Kagaya ng mga kababaihan, kailangan din ng kalalakihan ng proteksyon laban sa HPV sapagkat malimit din silang makipagtalik. Mataas ang kanilang tsansang makakuha ng sexually transmitted disease dahil sa pakikipagtalik sa parehas na babae at lalaki. Kung kaya’t posible din silang magkaroon ng komplikasyon. Ang mga komplikasyong ito ay penile cancer, anal cancer, throat cancer, genital warts, at iba pa. Sa pamamagitan ng HPV vaccination, kaligtasan sa mga nabanggit na komplikasyon ay posibleng mangyari dahil sa immunity na laman ng bakuna.

Kailangan pa ba ng bakuna kahit may asawa na?

Oo, maaari pa ring magpabakuna kahit ikaw ay may asawa na, lalo na kung wala ka pang exposure sa HPV strains na saklaw ng bakuna. Bukod dito ay dapat isipin na ang bakuna ay makakatulong upang tumaas at maging matibay ang immunity ng tao laban sa mga HPV strains. Kung kaya’t dapat lamang na protektahan ang sarili sa pamamagitan ng bakuna sa HPV.

Makakaapekto ba sa pagbubuntis ang HPV vaccine?

Hindi nakakaapekto sa kakayahang mabuntis ang HPV vaccine. Ito ay ligtas para sa mga babae na naghahangad ng pagbubuntis sa hinaharap at hindi hadlang sa kanilang fertility. Ngunit may ibang bakuna na posibleng ipatigil upang hindi makaapekto sa sanggol kapag buntis na ang babae. Magpatuloy sa konsultasyon sa iyong healthcare provider para sa karagdagang impormasyon.

Konklusyon

Ang benepisyo ng bakuna sa HPV ay hindi matatawaran pagdating sa proteksyon laban sa cervical cancer at iba pang komplikasyon na dulot ng HPV. Sa pamamagitan ng bakuna, maaring maging mas malusog at makamit ang ligtas na kinabukasan, hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa buong komunidad.

Huwag nang maghintay pa. Kumunsulta sa pinakamalapit na doktor para magpabakuna at simulan ang iyong proteksyon laban sa cervical cancer ngayon.