Napansin mo ba na ang iyong anak ay hindi sumasagot kapag tinatawag ang pangalan niya? O kaya naman ay mas gusto niyang mag-isa kaysa makipaglaro sa ibang bata? Bilang magulang, natural lang na mag-alala tayo sa development ng ating mga anak. Minsan, ang mga simpleng obserbasyon na ito ay maaaring maging senyales ng isang mas malalim na kondisyon, tulad ng autism spectrum disorder.

Ating alamin kung ano ang autism spectrum disorder at paano malalaman kung ang bata ay may austism. Alamin din kung bakit kailangan ang maaga at tamang diagnosis mula sa doktor bago simulan ang mga treatment. Simulan na natin!

Ano ang Autism Spectrum Disorder (ASD)?

Ang autism spectrum disorder o ASD ay isang neurodevelopmental condition na nakakaapekto sa paraan ng pakikipag-ugnayan, komunikasyon, at pag-uugali ng isang tao. Tinatawag itong “spectrum” dahil iba-iba ang antas at uri ng mga sintomas na maaaring ipakita ng bawat taong may autism.

autism spectrum disorder sa bata

May mga batang may autism na maaaring magkaroon ng exceptional skills sa ibang larangan tulad ng music, mathematics, o visual arts, habang ang iba naman ay maaaring mangailangan ng mas maraming suporta sa pang-araw-araw na gawain. Bukod dito, ang ilang tao sa spectrum ay lubhang matalino at independent, samantalang ang iba naman ay nangangailangan ng lifelong support. Lahat ng ito ay bahagi ng spectrum ng autism.

Ayon sa World Health Organization (WHO), humigit-kumulang 1 sa bawat 127 batang pangdaigdig ang may autism. Dito sa Pilipinas, patuloy na tumataas ang kamalayan tungkol sa ASD, ngunit marami pa ring pamilya ang nangangailangan ng tamang impormasyon at suporta para sa kanilang mga anak.

Saan Nakukuha ang Autism? Mga Posibleng Sanhi

Walang iisang dahilan kung bakit nagkakaroon ng autism ang isang bata. Batay sa mga pag-aaral ng mga eksperto sa buong mundo, ang autism ay resulta ng kombinasyon ng genetic at environmental factors. Ating alamin ang lahat ng mga sanhi sa pagkakaroon ng ASD.

Genetic Factors

Ang genes ay may malaking papel sa pagkakaroon ng autism. Kadalasan, kapag may medical history ng autism sa inyong pamilya ay mataas ang posibilidad na magkaroon din ang ibang miyembro ng pamilya ng autism. Halimbawa, kung ang isang identical twin ay may autism, may 70-90% na posibilidad na magkaroon din ang kanyang twin.

Gayunpaman, walang iisang gene na responsible sa autism. Ito ay resulta ng maraming gene mutations na nagsasama-sama at nag-iinteract sa isa’t isa.

Environmental Factors

Tandaan na may mga environmental factors na maaaring magdagdag sa risk ng autism sa bata. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  • advanced age ng mga magulang (lalo na ang tatay)
  • komplikasyon sa pagbubuntis
  • exposure sa mga toxins habang buntis
  • pre-mature birth

Mahalagang tandaan na ang mga ito ay risk factors lamang at hindi nangangahulugang tiyak na magkakaroon ng autism ang bata. Kailangan pa rin ang masusing pag-iingat at pagpunta sa doktor upang mabigyan ng tamang diagnosis.

mga sintomas ng autism

Mga Sintomas ng Autism sa mga Bata

Ang mga sintomas ay karaniwang nagsisimulang lumabas sa pagitan ng 12 hanggang 24 na buwan ng edad, bagama’t maaari itong mapansin nang mas maaga o mas huli sa ibang mga bata. Narito ang ilan sa mga senyales na may autism ang bata.

Mga Sintomas sa Social Communication

Limitadong Eye Contact: Ang mga batang may autism ay madalas walang eye contact o hindi gumagamit ng eye contact para makipag-communicate. Maaaring hindi sila tumingin sa iyo kapag ikaw ay nagsasalita o kapag may gusto silang ipakita. Ang eye contact ay isang mahalagang bahagi ng social communication na maaaring naiiba sa mga batang may ASD.

Hindi Sumasagot sa Pangalan: Isa sa mga karaniwang signs of autism ay kapag ang bata ay hindi sumasagot o hindi lumilingon kapag tinatawag ang pangalan niya, kahit na normal ang kanyang pandinig. Ito ay maaaring mapansin mula sa edad na 6-12 buwan.

Mga Pagkakaantala sa Pagsasalita: Maaaring may delay sa pagbuo ng communication skills tulad ng pagsasalita, paggamit ng gestures, o pag-turo sa mga bagay na gusto nila. Ang ibang batang may autism ay maaaring makabuo ng ilang words ngunit hindi ito ginagamit para makipag-communicate o humingi ng kanilang gusto.

Limitadong Social Skills: Maaaring mas gusto ng batang mag-isa kaysa makipaglaro sa ibang bata. Ang social skills tulad ng turn-taking, sharing, at cooperative play ay maaaring maging challenging. Maaari ring mahirapan silang maunawaan ang emotions ng ibang tao.

Mga Sintomas na may Kaugnay sa Behaviors at Interests

Repetitive Movements: Ang ilang bata ay maaaring mag-flap ng kamay, umikot, o gumawa ng paulit-ulit na galaw. Ito ay tinatawag na “stimming” at ito ay paraan nila ng self-regulation o pagpapakita ng excitement. Hindi ito dapat ipagbawal dahil ito ay nakakatulong sa kanila na mag-regulate ng emotions.

Intense na Interests: Maaaring magkaroon ng labis na interes sa isang partikular na bagay tulad ng trains, dinosaurs, numbers, o specific na cartoon character. Ang interes na ito ay maaaring maging isang obsession upang kumain ng kanilang oras sa pag-aaral at paglalaro.

Sensory Sensitivities: Ang mga batang may autism ay maaaring maging sensitibo sa sensory input tulad ng malakas na tunog, maliwanag na ilaw, o partikular na textures ng damit o pagkain. Ang iba naman ay maaaring magpakita ng sensory input tulad ng pagkagat o pag-ikot ng mga bagay.

Pagsunod sa Routine: Madalas na mas gusto nila ang predictable na routine at maaaring magpakita ng pagkabalisa o distress kapag may pagbabago. Ang transition mula sa isang activity patungo sa isa pa ay maaari rin magdulot ng hirap sa kanila.

Mga Sintomas sa Motor Skills

Ang ilang batang may autism ay maaari ding magpakita ng mga pagkakaantala sa motor skills tulad ng mga sumusunod:

  • paglakad
  • pagtakbo,
  • pagsusulat
  • paggupit
  • paggamit ng kubyertos

Tandaan na ang koordinasyon ay maaaring maging challenging para sa kanila. Maaaring mapansin na ang ilang bata ay may unusual na paraan ng paglakad tulad ng toe-walking.

Alamin ang iba pang senyales ng Autism sa kabataan sa pamamagitan ng artikulong ito.

Kailan Dapat Kumonsulta sa Doktor para sa Autism Diagnosis?

Kung napansin mo ang kahit ilan sa mga autism symptoms na nabanggit sa itaas, mahalagang kumonsulta agad sa isang healthcare professional. Huwag maghintay nang matagal o umasa na mawala nang kusa ang mga sintomas, dahil posible lamang na mas mahirapan ang bata habang sila ay lumalaki.

Ang early childhood intervention ay napakahalaga dahil mas malaki ang posibilidad na mapabuti ang development ng bata kapag maagang nasimulan ang therapy.

Developmental Milestones na Dapat Bantayan

Narito ang ilang developmental milestones na maaaring maging hudyat na kailangan ng professional consultation:

  • Sa 6 na buwan: Hindi pa ngumingiti o nagpapakita ng maligayang ekspresyon
  • Sa 9 na buwan: Hindi pa nagba-babble, nagsha-share ng sounds, o nagpapakita ng facial expressions
  • Sa 12 buwan: Hindi pa nag-point, nagwa-wave ng goodbye, o hindi sumasagot sa pangalan
  • Sa 16 na buwan: Wala pang sinasabing salita
  • Sa 24 na buwan: Wala pang dalawang-salitang meaningful phrase na sinasabi
  • Sa anumang edad: Pagkawala ng dati nang natutunan na skills (regression)

Basahin ang kaugnay na artikulo tungkol sa mga developmental milestones ng isang bata.

Proseso sa Autism Diagnosis

Ang autism diagnosis ay karaniwang ginagawa ng isang team ng specialists na kinabibilangan ng developmental pediatrician, psychologist, at speech-language pathologist. Walang isang medical test tulad ng blood test na maaaring mag-diagnose ng autism. Kung kaya’t ang diagnosis ay base sa observation at assessment ng behavior at development ng bata.

Ang proseso ay maaaring kabilangan ng:

  • Developmental screening upang suriin ang mga milestones ng bata gamit ang standardized tools
  • Comprehensive evaluation na nagsasama ng observation at standardized tests tulad ng ADOS-2
  • Detailed interview sa mga magulang tungkol sa behavior at developmental history ng bata
  • Vision at Hearing test para matiyak na walang ibang underlying condition na nakakaapekto sa speech at behavior delay ng bata

Paano Kumonsulta sa Doktor sa Autism

Sa NowServing, maaari kumonsulta sa mga developmental pediatricians at child psychiatrists na may expertise sa autism assessment. Ito ay maginhawang paraan para makakuha ng initial evaluation, lalo na kung malayo ka sa specialized clinics sa mga major cities.

Narito ang mga hakbang sa paggamit ng NowServing upang kumonsulta sa doctor sa autism:

  • Hanapin ang Autism Spectrum Disorder (ASD) na service page sa NowServing.ph
  • Pumili ng isang doktor sa listahan at pindutin ang “Book Appointment” button
  • Lagyan ng mahalagang detalye ang form na ibibigay upang makapag-schedule ng appointment sa doktor
  • Tapusin ang proseso at antayin ang mensahe ng doktor upang makumpirma ang iyong appointment

Maaari rin gumamit ng NowServing app upang mas mapadali ang paghahanap ng doktor para sa autism. I-download ang app sa iyong device sa papamagitan ng link na ito.

Mga Madalas na Tanong Tungkol sa Autism (FAQs)

Maaari bang magka autism dahil sa immunization?

Ang autism ay HINDI nakukuha sa vaccines. Maraming comprehensive scientific studies ang nagpatunay na walang anumang kaugnayan ang bakuna sa pagkakaroon ng autism. Ang myth na ito ay naging sanhi ng maraming magulang na hindi nagpapabakuna sa kanilang mga anak, na naglalagay sa mga bata sa mas malaking panganib. Ligtas at napakahalaga ang pagpapabakuna para sa kalusugan ng iyong anak.

Nagagamot ba ang autism?

Ang autism ay hindi isang sakit na kailangang gamutin kundi isang lifelong neurodevelopmental condition na bahagi ng pagkatao ng bata. Gayunpaman, maraming therapy ang maaaring makatulong sa pamamahala ng mga specific symptoms at sa pag-develop ng skills. Isa ang behavioral therapy tulad ng ABA sa mga epektibong paraan upang matulungan ang batang matutunan ang mga bagong skills at pagpapabuti ang quality of life. Iba pang therapy sessions na kailangan ay speech therapy at occupational therapy.

Ilang taon dapat ang bata bago ma-diagnose ng autism?

Ang autism ay maaaring ma-diagnose nang maaga sa 18 buwan hanggang 2 taong gulang, bagama’t ang average age ng diagnosis sa Pilipinas ay medyo mas mataas dahil sa limited access sa specialized services. Ang American Academy of Pediatrics ay nagrerekomenda ng routine autism screening sa 18 at 24 na buwan. Kung mas maaga ang diagnosis, mas maaga ring makapagsimula ng intervention na makakatulong sa development ng bata.

Maaari bang mag-aral sa regular na school ang batang may autism?

Oo, maraming batang may autism ang matagumpay na nag-aaral sa mainstream schools na may appropriate support at accommodations. Ngunit, meron din nakalaan na SPED schools upang mas matutukan ang special needs ng mga batang nangangailangan.

Nakakasama ba ang gadgets sa mga batang may autism?

Hindi naman inherently masama ang gadgets. Sa katunayan, ang mga technology at educational apps ay maaari pang makatulong sa learning at communication ng mga batang may autism. May mga specialized apps na ginawa para tulungan ang mga batang may ASD na matuto ng communication skills. Gayunpaman, tulad ng lahat ng bata, mahalagang i-limit ang screen time at tiyaking may balanseng activities kasama ang face-to-face interaction at physical play.

Kailangan ba ng buong buhay na therapy ang mga taong may autism?

Iba-iba ang needs ng bawat taong may autism at nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Ang iba ay maaaring mangailangan ng intensive therapy noong bata sila at mas kaunting support pagdating sa adulthood. Samantala, ang iba naman ay maaaring mangailangan ng ongoing support sa buong buhay nila. Ang early signs of autism intervention ay napakahalaga dahil ito ang nagbibigay ng foundation para sa mas magandang outcomes sa hinaharap.

Konklusyon

Mahalagang maunawaan kung ano ang autism habang maaga pa lamang, lalo na kung balak niyong bumuo ng pamilya. Ang kaalaman tungkol sa autism ay makakatulong upang gawin ang medikal na hakbang para sa iyong anak. Isa na rito ang pagpunta agad sa doktor kapag lumitaw na ang mga sintomas ng autism habang months old pa lang ang bata.

Tandaan, ang autism ay hindi sakit na mawawala lamang dahil sa gamot. Ito ay pang-habang buhay na sakit at dapat magkaroon ng agarang hakbang upang matulungan ang bata.

Kumonsulta sa developmental pediatrician sa NowServing upang mabigyan ng early autism diagnosis ang bata. Maaari rin kumonsulta sa child psychiatrist o kaya sa speech pathologist upang matugunan ang ibang autism symptoms