Isa sa epektibong gamot na ginagamit kapag may asthma o hika ay ang asthma inhaler. Ito ay isang respiratory tool na nakakatulong sa paghinga at pagpapagaan ng pakiramdam. Bukod dito, isa rin ito sa inaasahan na tool upang maiwasan ang paglala ng sintomas ng asthma. Alamin kung bakit nga ba dapat magkaroon ng ganitong aparato ang mga taong may asthma sa artikulong ito.
Ano ang Asthma?

Ang asthma o hika ay isang kondisyon sa respiratory na nakakaapekto sa milyun-milyong tao sa buong mundo. Ito ay isang komplikadong sakit na dahil posibleng makaranas ng pamamaga at paninikip ng mga daanan ng hangin, na nagpapahirap sa paghinga ng mga taong may asthma. Bagamat ang asthma ay maaaring magsimula sa anumang edad, kadalasan itong nagsisimula sa pagkabata at maaaring magpatuloy hanggang sa pagtanda.
Kapag ang isang taong may asthma ay nakakaranas ng trigger, ang kanyang mga daanan ng hangin ay tumutugon sa pamamagitan ng pamamaga at paninikip. Ang paninikip na ito ay humahadlang sa daloy ng hangin papasok at palabas ng mga baga. Dahil dito, posile itong humahantong sa mga sintomas na banayad o matinding komplikasyon sa baga.
Mga Karaniwang Sintomas ng Asthma
Sa pag-unawa ng kondisyong medikal na ito ay nangangahulugan na dapat magkaroon sila ng kamalayan kung ano ang pinagkaiba nito sa ibang sakit sa respiratory system ng tao. Kaya naman mahalaga na maging pamilyar sa mga karaniwang palatandaan ng asthma upang madaling magampanan ang mga gamutan na kailangan sa kalusugan.
Narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas na dapat tandaan:
- paghinga nang may tunog na parang sipol (wheezing)
- pag-ubo (lalo na sa gabi o madaling araw)
- kakapusan sa paghinga
- paninikip ng dibdib
Tandaan na ang mga sintomas na ito ay hindi palaging nararanasan ng mga may asthma. May pagkakataon na minsan lamang o patuloy ang paglabas ng mga sintomas ng asthma sa araw-araw. Kung kaya’t kinakailangan ng intervention mula sa doktor upang masimulan ang gamutan laban sa asthma.
Papel ng mga Trigger sa Asthma
Ang paglaban sa asthma ay hindi lamang dapat nakatuon sa pagkilala ng mga sintomas, kundi pati na rin mga posibleng nagiging sanhi nito. Kadalasan, ang problemang ito sa paghinga ay karaniwang dulot ng ilang mga trigger na matatagpuan sa ating pang-araw-araw na gawain. Kung kaya’t mas madaling maapektuhan ang mga pasyente kapag hindi agad natugunan.
Halimbawa, ang mga gabok na allergens sa paligid ay maaaring makaapekto sa daluyan ng hangin dahil sa inflammation. Ang mga simpleng trigger na ito ay maaaring makapagpahina sa mga respiratory function at pwedeng humahantong sa asthma.
Iba pang mga trigger ay kinabibilangan ng:
- Mga impeksyon sa paghinga
- Pisikal na aktibidad o ehersisyo
- Mga pagbabago sa panahon o temperatura
- Stress at matitinding emosyon
Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga trigger ng asthma at paggawa ng mga proactive na hakbang upang maiwasan ang mga ito, kayang mapabuti ng mga taong may asthma ang kanilang kalidad ng buhay at mabawasan ang epekto ng kronikal na kondisyong ito sa kanilang paghinga.
Ang Kahalagahan ng mga Inhaler sa Pangangalaga ng Asthma

Paano Gumagana ang mga Inhaler
Bagamat walang lunas ang asthma, maaari pa rin maiwasan ang malalang komplikasyon na dulot nito. Kagaya ng nabanggit kanina, ang asthma inhaler ay kagamitang naghahatid ng kaginhawahan dahil direktang napupunta sa mga airways o daluyan ng hangin ang gamot. Ang gamot na ito ay isang mist o powder na kailangang langhapin mula bibig patungong baga. Sa pamamagitan ng gamot na ito ay nababawasan ang pamamaga, at napaparelax ang daluyan ng hangin ng mga may asthma
Kapag nalanghap ang gamot mula sa inhaler, ito ay gumagalaw nang malalim papasok sa iyong mga baga, kung saan direktang tinutugunan ang mga pamamaga. Ang pamamaraan ng gamutan na ito ay mabilis at mas epektibong tugon kumpara sa mga oral na gamot, na kinakailangang dumaan sa digestive system bago makarating sa mga baga.
Mahalaga ring tandaan na ang mga inhaler ay hindi lunas para sa asthma kundi paraan lamang upang pangasiwaan at kontrolin ang mga sintomas. Sila ay nagbibigay ng ginhawa sa panahon ng asthma attack at maaari ring gamitin nang preventive upang mabawasan ang dalas at tindi ng mga sintomas ng asthma.
Iba’t Ibang Uri ng Inhaler
May iba’t ibang uri ng inhaler na maaaring gamitin para sa pangangasiwa ng asthma. Ang mga pinakakaraniwang uri ay ang mga sumusunod:
Reliever inhalers
Ang mga inhaler na ito ay naglalaman ng gamot na tinatawag na bronchodilator, na mabilis na nagbubukas ng mga daanan ng hangin sa panahon ng asthma attack o kapag nakakaranas ng mga sintomas. Ito ay gamot na nagpaparelax ng muscles sa paligid ng daluyan ng hangin. Kung kaya’t madaling nawawala ang trigger ng asthma at malayang nakakahinga matapos gamitin ito.
Preventer inhalers
Isa pang uri ng asthma inhaler ay ang preventer inhalers. Ito ay kilala rin bilang controller o maintenance inhalers na ginagamit upang kontrolin ang pamamaga at maiwasan ang paglitaw ng mga sintomas ng asthma. Ang inhaler na ito ay may laman na corticosteroid na may ganoong epekto sa daanan ng hangin. Ngunit dapat tandaan na ang asthma inhaler na ito ay inirerekomenda para sa pangmatagalang kontrol sa mga sintomas ng asthma.
Combination inhalers
Ang mga inhaler na ito ay naglalaman ng parehong bronchodilator at steroid na gamot, na nagbibigay ng mabilis na ginhawa at pangmatagalang kontrol sa mga sintomas ng asthma. Kadalasan itong nirerekomenda ng doktor para sa mga pasyenteng may malalang kaso ng asthma.
Gabay Kung Paano Gamitin Ang Asthma Inhaler

Paghahanda Bago Gumamit ng Inhaler
Bago gamitin ang iyong inhaler, mahalagang tiyaking ito ay maaari ng gamitin. Sundin ang mga hakbang na ito:
- Alisin ang takip ng inhaler at kalugin ito nang mabuti
- Kung ito ay bagong inhaler o hindi pa nagamit nang matagal, ayusin ito ayon sa mga tagubilin na nakalagay sa box ng inhaler
- Suriin ang expiration date ng inhaler upang matiyak na epektibo pa rin ito
Inhalation Technique: Paano Gamitin Ang Asthma Inhaler
Ang tamang technique ay mahalaga para sa epektibong paghahatid ng gamot sa iyong mga baga. Sundin ang mga hakbang na ito:
- Tumayo o umupo nang tuwid
- Huminga nang malalim upang lumabas ang lahat ng hangin sa iyong baga
- Ilagay ang mouthpiece ng inhaler sa pagitan ng mga labi at siguradihing mahigpit ito upang walang lumabas na gamot
- Pindutin ang inhaler upang magpalabas ng isang dose ng gamot habang sabay na higupin ito nang dahan-dahan
- Pigilan ang paghinga ng 10 segundo o hangga’t kaya
- Huminga palabas nang dahan-dahan sa pamamagitan ng bibig
Napakahalaga na gawin ang tamang technique kapag ginagamit ang asthma inhaler upang makarating sa baga ang gamot. Upang masiguro ang tamang paggamit ay maaaring humingi ng tulong sa pharmacist o sa iyong doktor.
Paglilinis at Pag-maintain ng Iyong Inhaler
Upang matiyak ang pinakamahusay na pagganap at maiwasan ang pagbara ng inhaler, mahalagang regular itong linisin at i-maintain:
- Alisin ang takip ng inhaler at banlawan ang mouthpiece gamit ang maligamgam na tubig
- Dahan-dahang alisin ang sobrang tubig at hayaang matuyo sa hangin
- Huwag banlawan ang medication canister
- Suriin ang mga tagubilin ng manufacturer para sa karagdagang hakbang sa paglilinis
Ngunit tandaan na hindi parehas ng itsura ang bawat uri ng asthma inhaler. Kung kaya’t maaaring hindi applicable ang ibang tip na nabanggit sa iyong gamit na inhaler. Mas mabuting tingnan ang instructions na nakasaad sa packaging ng inhaler upang masiguro na tama ang iyong ginagawang paglilinis.
Mga Karaniwang Pagkakamali sa Paggamit ng Asthma Inhaler
Hindi Pagkalog ng Inhaler
Mahalaga na ang pagkalog sa inhaler bago gamitin dahil nakakatulong itong haluin ang gamot para sa asthma. Ang pagkabigo sa pagkalog ng inhaler ay maaaring magresulta sa hindi konsistent na dose ng gamot at nabawasan ang pagpapaginhawa ng sintomas.
Maling Technique sa Paghinga
Bukod sa nabanggit, maraming mga indibidwal ang gumagawa ng maling inhalation technique na nagreresulta sa paglabas ng gamot.. Mahalaga ang pagkuha ng mga malalim at dahan-dahang paghinga upang mapahintulutan ang gamot na makarating sa pinakamalalim na bahagi ng mga baga.
Pagkilala Kung Kailan Gagamitin ang Iyong Inhale
Mahalagang maging maalam sa mga palatandaan na nagpapahiwatig kung kailan gagamitin ang iyong inhaler. Ang agarang paggamit ng iyong inhaler kapag lumitaw ang mga sintomas ay makakatulong na maiwasan ang kanilang paglala at mapabuti ang pangkalahatang kontrol sa asthma.
Mga Kadalasang Katanungan Tungkol sa Paggamit ng Asthma Inhaler
Ano ang DPI inhaler?
DPI o Dry Powder Inhaler ay isang uri ng asthma inhaler na madalas na inirerekomenda ng doctor para sa mga taong may asthma. Mayroon din na inhaler na gumagamit ng likidong gamot sa nebulizer upang maging mist. Sa paraan na ito ay madaling malalanghap ng pasyente ang gamot para mapunta ito sa kanilang baga.
Ligtas bang gamitin ang asthma inhaler kahit walang hika?
Isa ito sa dapat na hindi gawin ng mga taong walang asthma dahil ang inhaler ay may laman na gamot na para lamang sa mga taong may mahihinang baga. Ang dose inhaler na ito ay gumagana dahil sa gamot na nakakapagparelax ng muscle sa baga upang mas bumuka ito at makahinga nang tuluyan ang pasyente. Kung inirerekomenda lamang ito sa mga taong may asthma condition.
Gaano kadaming bilang ng puff ang dapat gawin?
Ang dami ng spray ng inhaler ay nakadepende sa dosage na kailangan ng pasyente at sa kasalukuyang kalagayan ng kanilang baga. Maaaring irekomenda na gamitin ang inhaler ng 2 beses sa isang araw, samantalang 1 naman kapag hindi gaanong kalala ang asthma. Mahalagang sundin ang reseta ng doktor upang masiguro na tama ang dami ng dose na gagamitin mo.
Paano magpakonsulta sa doctor sa NowServing para makakuha ng asthma inhaler?
Mayroong 2 paraan para makapagpa konsulta sa doktor sa NowServing. Narito ang unang paraan:
- I-click ang link na ito
- Pumili ng doktor at i-press ang “Book Appointment” na button
- Piliin kung ikaw ay dating pasyente o bagong pasyente ng doktor
- Ibigay ang iyong pangalan at iba pang importanteng impormasyon para ma-schedule ang iyong consultation
- Intayin ang kumpirmasyon mula sa NowServing
Bukod dito, maaari ka rin kumunsulta gamit ang iyong device. I-download na ang NowServing app!
Konklusyon
Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa kung paano gamitin ang asthma inhaler nang tama ay mahalaga para sa epektibong pangangasiwa ng mga sintomas ng asthma. Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga taong may asthma o hika na makontrol ang kanilang kondisyon at mapapabuti ang kanilang kalidad ng buhay.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan o alalahanin tungkol sa paggamit ng iyong inhaler, kumonsulta sa iyong healthcare provider para sa personal na patnubay at suporta. Tandaan, kapag may tamang kaalaman sa paggamit ng inhaler at ang kaakibat na technique nito, madaling masosolusyunan ang hirap sa paghinga na dulot ng asthma attack..
