Isa sa mga senyales na may Monkeypox ang isang tao kung mayroong pamamantal ng Mpox na namumuo sa balat. Bukod pa rito ang mga ilang sintomas kagaya ng lagnat, panginginig, pananakit ng lalamunan, at iba pang pangunahing senyales na kumakatawan sa Monkeypox.
Ngunit sa lahat ng mga ito, isa lamang ang posibleng makahawa sa ibang mga tao. Ating alamin kung ano nga ba ang pamamantal ng Mpox at kung paano ito naiiba sa iba pang sakit kagaya bulutong. Tuklasin ang mga importanteng impormasyon tungkol sa Mpox rash.
Ano ang Monkeypox?
Ang Monkeypox na kilala sa tawag na Mpox ay isang malubhang viral na sakit na galing sa hayop na kumakalat sa lahat ng tao, mapa bata o matanda man. Ito ay isang sakit na may matagal na kasaysayan sa mundo. Noong unang panahon, walang tamang lunas o bakuna laban sa Mpox kaya’t ito ay itinuturing na isang mapanganib na sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon.
Karaniwan sa mga nakakakuha ng sakit na ito ay may mahinang resistensya. Bukod pa rito ay ang pagiging intimate sa mga karelasyon nang walang gamit na proteksyon. Kaakibat nito ang panganib kagaya ng pamamantal ng Mpox na lubhang nakahahawa sa ibang tao.
Paglalarawan ng sakit na Mpox
Kagaya ng nabanggit, ito isang matinding sakit na nagdudulot ng pamamantal ng Mpox. Ang pamamantal ng Mpox ay maaaring kumalat sa iba’t ibang parte ng balat ng tao. Maaari rin itong makahawa, lalo na kung may direct contact ang pasyente sa ibang tao.
Napahakalagang tandaan na ang pamamantal ng Mpox ay hindi tulad ng ibang sakin sa balat. Ang Mpox rash o pamamantal ng Mpox ay maaaring maihalintulad sa paltos. Ito ay maaaring magkaroon ng tubig sa loob kaya naman ipinagbabawal na ito ay tirisin.
Bukod pa rito, posible rin na magkaroon ng iba pang sintomas ang mga pasenyenteng may Mpox. Kadalasang nagtatagal ang mga sintomas ng dalawa hanggang apat na linggo.
Ito ang iba pang mga sintomas:
- lagnat
- pananakit ng lalamunan
- panginginig
- pananamlay
- pananakit ng katawan
Ang mga sintomas ng Mpox ay maaaring katulad ng mga sintomas ng iba pang mga karamdaman tulad ng trangkaso, kaya’t mahalagang gumamit ng mga medikal na pamamaraan upang makumpirma ang diagnosis.
Kaibahan ng Pamamantal ng Mpox sa Bulutong
Marahil maraming pagkakahalintulad ang pamamantal ng Mpox sa ibang mga sakit sa balat, ngunit may iba pa rin itong katangian na dapat tandaan. Isa na rito ang laki ng pamamantal na ibang-iba sa paltos ng bulutong. Nagsisimula ito sa pamamantal nang malalaki hanggang sa maging paltos ito na may tubig, samantalang sa bulutong ay maliliit na pulang bukol ang natubo.
Mayroon din na pagkakaiba pa ang pamamantal ng Mpox at bulutong katulad ng sa pagtubo nito. Ayon sa mga expert, ang bulutong daw ay hindi sabay-sabay ang pagtubo ng pamamantal, ngunit ang Mpox ay kabaliktaran nito na posibleng sabay-sabay ang pagtubo.
Bukod dito, matagal ang paghilom ng pamamantal ng Mpox kaysa sa bulutong. Kagaya ng nabanggit kanina, ang mga sintomas katulad ng pamamantal ng Mpox ay tumatagal mula dalawa hanggang apat na linggo. Samantalang ang bulutong ay maaaring gumaling sa loob ng isang linggo.
Kaya naman sa mga pagkakaibang nabanggit, mahalaga na alamin muna kung ano ang klase ng rash na mayroon upang magkaroon ng tamang lunas. Lalo na’t ang pangangati na dulot ng pamamantal ay maaaring maging sanhi ng discomfort at pagkabahala sa mga taong apektado. Karaniwan itong nauuwi sa pagkamot ng balat na maaaring magdulot ng impeksyon o pamumula ng balat.
Paano Makakaiwas sa Mpox?
Upang maiwasan ang pagkalat ng Mpox, mahalagang sundin ang mga hakbang na magpapababa ng panganib ng impeksyon. Mayroong ilang mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng Mpox.
Ang Mpox ay isang nakakahawang sakit na dulot ng monkeyypox virus. Karaniwang kumakalat ito sa pamamagitan ng respiratory droplets mula sa isang taong may aktibong impeksyon. Ang mga sintomas nito ay kinabibilangan ng pabalik-balik na lagnat, pantal sa balat, at pangangati. Sa mga hindi nabakunahan, maaaring magdulot ito ng komplikasyon tulad ng pneumonia.
Kahalagahan ng Bakuna
Tandaan na ang bakuna laban sa Mpox ay karaniwang isinasagawa sa mga sanggol sa kanilang unang taon ng buhay. Ito ay nagbibigay ng proteksyon laban sa virus na nagdudulot ng sakit na ito. Bukod sa pagbabakuna ng sanggol, mahalaga rin na ang mga matatanda at mga hindi pa nabakunahan ay magpaturok upang mapanatili ang herd immunity laban sa Mpox.
Ang pagkakaroon ng bakuna laban sa Mpox ay ang pinakamahalagang paraan upang maiwasan ang pagsakit sa sakit na ito. Ito ay nakapagdulot ng malaking bawas sa bilang ng mga kaso ng Mpox at maaaring magpaliban sa pagdulog ng sakit na ito.
Ngunit sa panahong ito ay wala pang bakuna laban sa kumakalat na Mpox sa bansa. Kahit ganoon ay pinapagpatuloy pa rin ng Department of Health (DOH) ang kanilang layunin na makabili ng mga bakuna para sa mg Pilipino.
Tamang Kalinisan at Hygiene
Bukod sa medical access kagaya ng vaccine, posible rin na makatulong sa pag-iwas ng Mpox ang hygiene. Ang tamang kalinisan at hygiene ay mahalagang hakbang upang maiwasan ang pagkakaroon ng Mpox. Kabilang dito ang regular na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, pag-iwas sa paghawak ng bibig at ilong, at paggamit ng mga panlaban sa mikrobyo na mga pamamaraan.
Isa rin sa maaaring panggalingan ng sakit ay ang maduming kapaligiran, kaya dapat linisin at disimpektahin ang mga commonly touched surfaces sa tahanan. Sa panahong ito ay importanteng maging malinis sa bahay upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng Mpox virus.
Pag-iwas sa mga Taong May Mpox
Bagamat maayos at malinis sa bahay, posible pa rin na makuha ang Mpox sa pampublikong lugar. Isa na rito ang pagpunta sa mataong lugar na kung saan posible ang skin-to-skin touch.
Upang maiwasan ang pagkahawa sa Mpox, mahalagang iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga taong may aktibo at malalang mga sintomas ng sakit na ito. Dapat din iwasan ang mga pampublikong lugar na malimit nilang pupuntahan upang makaiwas sa posibleng paghawa sa Mpox.
Sapat na Pahinga at Pag-isolate
Kapag may kakilala tayong may Mpox, mahalaga na sila ay magpahinga at magkaroon ng sapat na hydration. Ang pag-iisolate sa kanilang sariling kwarto at paggamit ng sariling banyo ay makakatulong sa pagpigil ng pagkalat ng virus sa ibang kasapi ng pamilya. Dapat ding sundin ang mga payo ng kanilang doktor upang mapabilis ang kanilang paggaling at maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba.
Mga Kadalasang Katanungan Tungkol Mpox
Saan unang lumalabas ang pamamantal ng Mpox?
Kadalasan sa mga kaso ng Mpox ay nagkakaroon ng pamamantal ng Mpox sa mukha. Kumakalat ito sa dibdib, likod, at iba pang parte ng katawan. Kung ang magkaroon man ng pamamantal ng Mpox, mahalaga na huwag itong kamutin upang hindi pumutok. Napaka-importante rin na humingi agad ng tulong sa mga healthworkers upang maagapan ang iyong kalagayan.
Maaari pa rin bang mahawa ang pasyente pagkatapos ng kanyang Mpox?
Ang sintomas ng Mpox ay tumatagal ng dalawa hanggang apat na linggo, at pagkatapos ay ang patuloy na paggaling ng pasyente. Sa ngayon ay wala pang nakakalap na impormasyon tungkol sa pag-ulit ng sakit. Ngunit, dapat pa rin mag-ingat at maging alerto ang bawat isa. Pwede rin na ikonsulta ito sa doktor upang maging progresibo ang pangangalaga sa ating mga sarili laban sa Mpox virus.
Ano ang dapat gawin kapag naging mga sugat ang pamamantal ng Mpox?
Dahil wala pang bakuna sa Pilipinas laban sa Mpox, mayroong mga gamot na ibinabahagi ang mga healthworkers sa mga pasyente. Isa na dito ang pwedeng ipahid upang maiwasan ang impeksyon at lalong paglubha ng sakit. Maaari rin makatulong ang pag-inom ng mga gamot sa sakit at mga bitamina para sa immune system.
Maging Mapanuri at Mag-ingat sa Banta ng Mpox
Noong Setyembre 2 ay kinumpirma na may walong kaso na ng Mpox sa bansa. Ito ay nabubuo ng mga bata at matanda, at lahat sila ang nagpakita ng sintomas na pamamantal ng Mpox. Kung kaya’t dapat mag-ingat ang lahat sa banta nito sa kalusgan.