Ang krisis sa mental health ay patuloy na problema sa Pilipinas. Maraming tao ang natatakot na ma-diagnose dahil sa stigma na kaugnay sa konsepto ng sakit sa mental health. Bagama’t ito ay isang malaking suliranin, may mga pagbabago na sa larangan ng medisina na ito, dahil sa pagkakaroon ng mga tugon sa mental health sa Pilipinas.
Mahalagang maunawaan na ang pagtugon sa mga isyu sa mental health ay may kasamang masusing sistema ng pangangalaga dahil sa komplikadong kaisipan ng mga tao. Kung ikaw ay kasalukuyang nangangailangan ng gabay upang malaman kung paano pangalagaan ang mental health sa Pilipinas, basahin lamang ang artikulong ito. Simulan na natin!
Kasalukuyang Hakbang Para sa Pangangalaga sa Mental Health sa Pilipinas

Kinikilala ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng mental health sa pamamagitan ng paggawa ng mga hakbang upang mapabuti ang pangangalaga sa mental health sa Pilipinas. Ang Philippine Mental Health Act, o kilala bilang Republic Act No. 11036, ay nilagdaan bilang batas noong 2018 upang magbigay ng legal framework para sa pangangalaga sa mental health at tiyakin ang proteksyon sa karapatan ng mga indibidwal na may kondisyon sa mental health. Bagama’t may mga ganitong progress na, may mga hamon pa ring dapat pagtagumpayan sa aspeto ng accessibility, affordability, at stigma sa mental health sa Pilipinas.
Mas maraming hamon ang lumitaw lalo na noong panahon ng pandemya. Ang patuloy na banta ng virus kasama ang kakulangan ng resources sa paghahanap ng tulong ay humantong sa maraming taong nagkaroon ng kondisyon sa mental health. Maging pagkatapos ng pandemya, kinilala ng mga doktor sa mental health na ang mga kondisyon tulad ng anxiety, depression, at iba pa ay naging karaniwan na sa Pilipinas. Kaya nga tinawag itong ‘tahimik na epidemya.’
Mga Hamon sa Pag-Access ng Mental Health Treatment
Gaya ng nabanggit, may kakulangan pa rin sa mga hakbang upang matugunan ang mental health issues sa Pilipinas. Ilan sa mga hadlang ay ang kakulangan sa pasilidad, suporta sa mga may sakit, at ang aspetong abot-kaya na treatment ay hindi gaanong nakikita sa mga urban at rural na lugar.
Tandaan na may pagkakaiba sa mga tugon sa mental health sa pagitan ng rural at urban na lugar, kung saan ang Metro Manila ay may mas magandang access sa mga pasilidad at espesyalista sa mental health. Dahil sa ganitong kaso, nagiging limitado ang mga abot-kayang opsyon sa healthcare para sa mental health. Sa madaling salita, ang karamihan ng mga pasyenteng walang resources para sa paggamot ay maaaring lumala pa ang kalagayan.
Bukod dito, ang patuloy na stigma at diskriminasyon sa mga taong may sakit sa mental health ay nakapag uudyok sa mga tao na hindi kilalanin ang kanilang kondisyon. Dahil dito, nagkakaroon ng limitasyon sa paghingi ng dapat na suporta sa pasyenteng may mental health issue. Kung kaya’t kinakailangan ng aksyon upang magkaroon ng malawakang kaganapan sa pag tugon sa mental health crisis sa bansa.
Mga Karaniwang Mental Health Disorder sa Pilipinas

Sa pagtaas ng mga kondisyong kaugnay sa mental health, may mga kapansin-pansing sakit na nakakaapekto sa nakararami. Ang mga sakit na ito ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa pangkalahatang kalagayan ng pasyente. Kung kaya’t mas maakabubuti kung pipiliin na kumunsulta agad sa doktor.
Narito ang ilan sa mga kapansin-pansing karamdaman na nararanasan ng mga pasyente sa Pilipinas:
Anxiety Disorders
Ang mga anxiety disorder ay isang karaniwang sakit sa mental health sa Pilipinas na nakakaapekto sa maraming indibidwal. Ito ay maaaring magpakita sa iba’t ibang paraan tulad ng generalized anxiety disorder, panic disorder, social anxiety disorder, at specific phobias.
Kadalasan, ang mga indibidwal na may anxiety disorder ay maaaring makaranas ng labis na pag-aalala, pagkabalisa, at kahirapan sa pagtuon ng pansin. Maaari rin magkaroon ng pisikal na sintomas tulad ng mabilis na tibok ng puso at kahirapan sa paghinga. Mahalagang kumunsulta agad sa doktor upang malaman kung paano pangalagaan ang mental health sa Pilipinas. Sa ganitong paraan, mapapamahalaan ng pasyente ang kanyang sakit at maiwasan ang mga posibleng panganib nito bago pa man ito lumala.
Sleep Disorders
Isa pang karaniwang kondisyon na posibleng makaapekto sa mental health ng tao ay ang issue sa pagtulog or sleep disorder. Ang mga sleep disorder tulad ng insomnia, sleep apnea, at restless leg syndrome ay karaniwang nakikita sa populasyon. Dahil sa kakulangan ng kalidad na tulog ay maaaring humantong ito sa iba’t ibang problema sa kalusugan at makaapekto sa pang-araw-araw na pagganap. Mahalagang humingi ng tulong medikal mula sa mga propesyonal sa healthcare na espesyalista sa mga sleep disorder bilang tugon sa malalang kondisyon na ito.
Mayroong mga ospital sa Manila at iba pang mga sleep clinic sa mga komunidad ang nagbibigay ng mga serbisyong diagnostic at personalized na plano upang matugunan ang iba’t ibang sleep disorder. Sa pamamagitan ng pagtugon sa mga isyu sa pagtulog, mapapabuti ng mga indibidwal ang kanilang pangkalahatang mental at pisikal na kalagayan na nagpapahusay sa kalidad ng kanilang buhay.
Depression
Samantala, isa sa mga nangingibabaw na problemang pang mental health ay ang mood disorder, na depression. Ito ay nailalarawan sa hindi mawalang dramatikong kalungkutan, kawalan ng pag-asa, at burnout. Ang depression ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa pang-araw-araw na buhay ng isang indibidwal, mga relasyon, at pangkalahatang kagalingan. Ito ang isa sa mga pinaka-kilalang dahilan kung bakit mataas ang bilang ng mga taong kumikitil sa kanilang buhay.
Ang mga ospital sa Pilipinas ay kadalasang may mga departamento o klinika ng mental health na nagbibigay ng assessment, diagnosis, at paggamot para sa mga indibidwal na may sakit sa kaisipan, kabilang ang depression. Ang mga pasilidad na ito ay maaaring mag-alok ng counseling, therapy, at pamamahala ng gamot upang mapaigting ang kapasidad ng mga indibidwal na mapamahalaan ang kanilang mga sintomas at mapabuti ang kanilang kalusugang pangkaisipan.
Bipolar Disorder
Panghuli, ang mga pasyenteng may sakit na bipolar disorder ay maaaring makaranas ng matinding pagbabago sa mood, enerhiya, at antas ng aktibidad. Bukod dito, ang mga indibidwal ay maaaring makaranas ng mania, na nailalarawan sa pamamagitan ng mataas na mood, mataas na enerhiya, at impulsibong pag-uugali, pati na rin ang mga panahon ng depression.
Mahalagang makatanggap ang mga indibidwal na may bipolar disorder ng tamang diagnosis at paggamot mula sa mga propesyonal sa mental health. Kasabay nito, ang pagbibigay ng suporta ng pamilya ay maaari ring makatulong sa paggamot at pamamahala ng bipolar disorder.
Mga Opsyon o Tugon sa Mental Health
May iba’t ibang opsyon sa paggamot na tumutugon sa mga pangangailangan sa mental health. Kabilang sa mga psychiatric care na opsyon ay ang in-patient at outpatient na paggamot sa mental health sa Pilipinas.

In-Patient na Paggamot at ang Kanilang Layunin
Ang in-patient na paggamot sa mental health sa Pilipinas ay kinabibilangan ng pangangailangan na manatili sa isang mental hospital o espesyalisadong pasilidad sa loob ng isang tiyak na panahon. Ito ay karaniwang inirerekomenda para sa mga indibidwal na may malubhang kondisyon sa mental health na nangangailangan ng intensive na pangangalaga, suporta, at pagsubaybay. Maaaring magkaroon ng ligtas at istrukturadong kapaligiran ang mga pasyente habang tumatanggap ng 24/7 na pangangalaga mula sa mga health workers.
May ilang pasilidad ng mental health na nag-aalok ng in-patient na paggamot. Kung nangangailangan ka ng minonitoring na kalidad na serbisyong psychiatric, huwag mag-atubiling bumisita sa ospital na malapit sa iyo. Susuriin muna ng doktor sa mental health ang iyong kondisyon at tutukuyin kung ang iyong kondisyon ay nangangailangan ng ganitong uri ng opsyon sa paggamot.
Out-Patient na Paggamot at mga Benepisyo
Samantala, ang isa pang paggamot sa mental health sa Pilipinas ay ang out-patient na opsyon. Ang paggamot na ito ay kinabibilangan ng regular na pagbisita sa mga pasilidad o klinika ng mental health. Nag-aalok ito ng ilang benepisyo, kabilang ang flexibility, pagpapatuloy ng pangangalaga, at ang pagkakataon para sa mga indibidwal na ipagpatuloy ang kanilang pang-araw-araw na gawain habang tumatanggap ng paggamot.
Ang mga serbisyong pangkalusugang na ibinibigay sa mga out-patient ay assessment, counseling, therapy, at pamamahala ng gamot. Tandaan na ang Metro Manila ay isa lamang sa mga lugar na may malawak na hanay ng mga pasilidad at espesyalista sa mental health na nag-aalok ng mga out-patient na paggamot. Dahil sa serbisyong ito ay matutulungan ang mga indibidwal na pamahalaan ang kanilang mga kondisyon sa mental health, mapabuti ang kanilang kagalingan, at mamuhay ng makabuluhang buhay.
Paano Pangalagaan Ang Mental Health sa Pilipinas?

Pinakamahalaga sa lahat ang ikonsidera ang paghingi ng tulong para sa mga isyu sa mental health. Maaari man itong nakakatakot na gawain, ito ay isa pa rin sa mahalagang hakbang tungo sa paggaling at kagalingan. Ang Department of Health (DOH) at iba’t ibang organisasyon ng mental health sa Pilipinas ay nagbibigay ng suporta at resources upang gawing mas madali ang proseso.
Narito ang hakbang-hakbang na gabay kung paano humingi ng tulong para sa mga isyu sa mental health:
- Kilalanin ang pangangailangan ng tulong: Ang unang hakbang ay ang pagkilala na ikaw o isang taong kilala mo ay nakakaranas ng mga isyu sa mental health. Kabilang sa mga karaniwang palatandaan ang patuloy na damdamin ng kalungkutan o pagkabalisa, mga pagbabago sa pagtulog o gana sa pagkain, kahirapan sa pagtuon ng pansin, at pag-iwas sa mga aktibidad panlipunan.
- Makipag-ugnayan sa isang propesyonal sa mental health: Makipag-ugnayan sa Department of Health o sa isang organisasyon ng mental health upang makahanap ng propesyonal sa mental health na malapit sa iyo. Makapagbibigay sila ng gabay sa mga available na serbisyo, tulad ng libreng psychiatric consultation at counseling.
- Gumawa ng appointment: Kapag nakilala mo na ang propesyonal sa mental health, mag-iskedyul ng appointment. Ang ilang klinika o ospital ay tumatanggap ng online na konsultasyon, habang ang iba ay mas gusto ang pisikal na check-up. Kung kinakailangan, humingi ng tulong sa isang kapamilya o kaibigan para sa proseso.
- Maghanda para sa appointment: Bago ang appointment, tipunin ang anumang kaugnay na medical records, gamot, o impormasyon tungkol sa iyong mga sintomas. Makakatulong ito sa propesyonal sa mental health na masuri nang mas tumpak ang iyong kondisyon. Mahalaga ring magkaroon ng listahan ng mga tanong o alalahanin na tatalakayin sa panahon ng appointment.
- Dumalo sa appointment: Sa araw ng appointment, dumating sa tamang oras at maging handa na ibahagi nang bukas ang iyong mga iniisip at nararamdaman. Ang propesyonal sa mental health ay makikinig, magtatanong, at magbibigay ng gabay batay sa kanilang kadalubhasaan. Maaari silang magrekomenda ng karagdagang assessment o mga opsyon sa paggamot.
- Sundin ang inirerekomendang plano sa paggamot: Pagkatapos ng appointment, mahalagang sundin ang inirerekomendang plano sa paggamot. Maaaring kasama dito ang therapy, gamot, mga pagbabago sa pamumuhay, o kumbinasyon ng mga ito. Mahalagang maging consistent at ipabatid ang anumang alalahanin o side effect sa propesyonal sa mental health.
- Humingi ng suporta sa mga mahal sa buhay: Ang paggamot sa mental health ay maaaring maging isang paglalakbay, at ang pagkakaroon ng sistema ng suporta ay maaaring gumawa ng malaking pagkakaiba. Ibahagi ang iyong karanasan sa mga pinagkakatiwalaang kapamilya o kaibigan na makapagbibigay ng emosyonal na suporta at encouragement.
Tandaan, ang paghingi ng tulong para sa mga isyu sa mental health ay palatandaan ng lakas at pangangalaga sa sarili. Sa tamang suporta at paggamot, posibleng makamit ang mas mahusay na kagalingang pangkaisipan at mamuhay ng makabuluhang buhay.
Mga Madalas Itanong
Magkano ang gastos sa paggamot ng mental health sa Pilipinas?
Ang gastos sa paggamot ng mental health sa Pilipinas ay nagbabago-bago depende sa uri ng serbisyo at pasilidad. May mga abot-kayang opsyon na available, lalo na sa mga pangkalahatang ospital at pasilidad ng mental health.
Kung gumagamit ka ng NowServing para sa paghahanap ng paggamot sa mental health, maaari kang umasa sa bayad sa konsultasyon ng psychiatrist na nagsisimula sa Php 500.00. Gayunpaman, tandaan na ang iba pang mga paggamot tulad ng therapy session at iba pa ay hindi pa kasama rito. Kumonsulta sa doktor ng mental health upang mas maunawaan ang kabuuang gastos para sa paggamot ng mental health.
Maaari ba akong ma-access ang mga serbisyong pangkalusugang pangkaisipan online?
Oo, ang mga serbisyo sa mental health ay available online sa Pilipinas. Maraming propesyonal sa mental health at organisasyon ang nagbibigay ng mga serbisyong telehealth, na nagbibigay-daan sa mga indibidwal na ma-access ang suporta at paggamot nang malayuan. Makipag-ugnayan sa Department of Health o sa Philippine Mental Health Association para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga online na serbisyo sa mental health.
Konklusyon
Ang pag-navigate sa paggamot ng mental health sa Pilipinas ay maaaring maging mahirap dahil sa stigma at kakulangan ng resources para sa mga tao na makakuha nito. Gayunpaman, maaari pa ring magkaroon ng nalalapit na pagbabago sa larangan ng mental health, na isang ideyal na sitwasyon para sa mga pasyenteng may mental health sa Pilipinas. Sa gayon, magbibigay-daan ito sa kanila na matugunan ang kanilang kondisyon nang mas madali.
Bagama’t hindi ibig sabihin nito na wala nang mga opsyon sa paggamot na magagamit ng mga pasyente ngayon. Ang paghingi ng tulong sa pamamagitan ng in-patient o out-patient na paggamot, pati na rin ang paggamit ng mga online na serbisyo sa mental health ay epektibo para sa mas mahusay na pamamahala ng kalusugan ng isang tao.